Food is an important part of a balanced diet

Si Jet sa bahay ni Sassy - oo Virginia, si Sassy yung may camera sa background dumalaw kami sa bahay ni connie (AKA “the sassy lawyer“) nung umuwi kami last december. isa ito sa mga highlight ng trip namin dahil, una nakarating na rin kami sa bahay nila sa wakas at more importantly, natikman na rin namin ni jet ang luto niya. may food blog si connie at isa ito sa pinaka sikat na pinoy website dahil milyon milyong mga tao ang gumagamit ng mga recipe niya. isa na ako roon. ok yung setting namin ng lunch – kumain kami doon sa garden sa likod ng bahay nila. nakalimutan ko na yung niluto niya – baked manok at beef stew na parehong masarap. yan ang hirap sa akin, kain lang ako ng kain at hindi ko tinatandaan ang mga kinakain ko. ah basta, ok itong lahat lalo na dahil may kasamang tsismisan habang kumakain kami.

Continue reading

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

Don’t Touch My Birdie

music video ito na ginawa ng kaibigan kong si egay. kinuhanan sa bahay namin sa antipolo nung despedida ko, 6 yrs ago. in day or two, aalis na ako para simulan ang buhay namin bilang overseas pinoy sa singapore. ang mga makikita ninyo sa video ay mga barkada ko since kinder and my friends for over 35 yrs. ang musika ay galing sa “Don’t Touch My Birdie” ng parokya ni edgar. looking at it now, heto akong parang gago na natatawa at naiiyak at the same time.
Continue reading

And if I should fall behind

ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.

Continue reading

I love walking in the rain, ’cause then no-one knows im crying’

umuulan ngayon dito sa southern california. bigla ko ngang naalala ang tag-ulan sa pilipinas at na home sick tuloy akong bigla. ibang klase nga kagabi – may kulog at kidlat pa kasama ng malakas na pag buhos. nagulat nga ako sa tunog ng ulan na tumatama sa bubong ng apartment. pinikit ko lang nga yung mga mata ko at nag imagine na nasa bahay ako sa antipolo kasama si jet, naghihintay na matapos makaluto si anna banana para makakain na kami ng hapunan. nakakatawa ano, mga simpleng bagay lamang tulad ng tunog ng ulan na dati rati di mo pinapansin, ngayon sanhi na ng pinagsamang melancholy at saya. ano ba ang melancholy sa tagalog? wala yata tayong salita para dito. siguro dahil likas tayong masayahin.

Continue reading

FULLY EXPOSED

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

BLOGKADAHAN IN ANTIPOLO

blogkadahan in antipolo nagkaroon ng salo-salo ang blogkadahan kahapon sa aming munting tahanan sa antipolo. marami namang nagsidatingan. from left to right: batjay, tito rolly, apol, mari, doc emer, soulmate jane, ajay at si mec. dumating ding late si ate sassy lawyer. at nag call in sina cathy, rogue at ang aking mylab opmayn jet. ang saya nga – as usual may kantahan (nagdala ng gitara si tito rolly) at maraming tawanan. at siyempre, ginawa rin namin ang paborito naming gawain pag ganitong may salo-salo: pag-usapan ang mga hindi nagpunta. BWAHAHAHA. maraming pagkain (tuwang tuwa nga si soulmate jane).

Continue reading

SOMETIMES A PIECE OF SUN BURNED LIKE A COIN BETWEEN MY HANDS

TAKIPSILIM SA ANTIPOLO sa isang linggo kong pananatili sa pilipinas, isang beses lang akong nakauwi ng maaga. parati na lang madaling araw dahil sa maraming mga meeting at pakikipagkita sa mga kaibigan. the one time na nakarating ako sa bahay ng may araw pa – kinuhanan ko ang litratong ito. this is how our home looks like during dusk, my peborit part of the day. kaya lang nga ay this time, wala nang yosi at kape na kasama ko sa pag appreciate ng sunset. in my old life, pag ganitong oras, i’d be outside our house. nakaupo sa garden at naninigarillo habang hinihintay ang pagkagat ng dilim. bwakanginangyan, para tuloy gusto kong magsindi ng yosi. huwag na oy – nakaka one hundred thirty one days ka nang walang sigarillo.

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

SUICIDE IS PAINLESS

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Continue reading