nalaman ko ngayon na nanalo ako ng Best OFW Blog sa philippine blog awards. sayang hindi kami nakadalo ni jet. masarap sanang kumain ng libre, makipag beso-beso ng lips to lips na labas ang dila at makipag kulitan sa mga pinoy blogger na karamihan siguro ay pwede ko nang maging anak. maraming salamat sa mga organizers at sa mga judges.
Monthly Archives: March 2007
WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN – PART 2
things i know now at 41 that i should’ve done when i was 21:
- huminto sa paninigarillo – maaga akong natutuo magyosi at nagsisisi ako na hindi ako huminto agad. in fact nagpatuloy ang bisyo ko from high school all the way hanggang sa aking late 30’s. kung di pa ako na hospital, hindi ako titigil. hay naku, hindi lang titi ko ang matigas. sana hindi pa huli.
WISH I DIDN'T KNOW NOW WHAT I DIDN'T KNOW THEN – PART 2
things i know now at 41 that i should’ve done when i was 21:
- huminto sa paninigarillo – maaga akong natutuo magyosi at nagsisisi ako na hindi ako huminto agad. in fact nagpatuloy ang bisyo ko from high school all the way hanggang sa aking late 30’s. kung di pa ako na hospital, hindi ako titigil. hay naku, hindi lang titi ko ang matigas. sana hindi pa huli.
Until all you can see is the night
lumabas na yung resulta ng latest lab test ko last week. sabi ng doctor ko, wala naman daw akong dapat ikabahala – wala siyang nakitang tulo, hindi ako nagdadalang tao at malinaw pa rin daw ang aking ihi. medyo mataas lang ang aking cholesterol. ang normal range dapat ay below 200. ang score ko ay 221 kaya medyo naiinis ako.
ano pa ba kailangan kong gawin para bumaba ang cholesterol ko?
Ang Dasal ng Taong Walang Diyos
panoorin ninyo ang “Sino Ako” – ang una kong music video.
dedicated para sa lahat ng mga tamad na sumulat sa akin at nag re-request ng lyrics at chords ng kantang ito na hindi ko napagbigyan dahil wala akong oras. bwakanginangyan, bumili na lang kasi kayo ng songhits sa national bookstore.
at siyempre para kay jet na parating naiiyak pag naririnig niya itong kinakanta ko.
IT MAKES THE HEART GROW FONDER
dear unkyel batjay,
ako po ay isang OFW at mahigit 5 years na po akong hindi nakakauwi sa pilipinas. naiwan po ang asawa ko sa probinsya namin para makatipid kami. last year po ay bigla ko na lang nabalitaan na nawala po siyang parang bula. ano po ba ang ibig sabihin nito?
lubos na gumagalang,
gentle reader
MANANANGGAL’S REVENGE
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
Garlic Research Shows No Effect on Cholesterol. Although garlic and garlic supplements are widely promoted as cholesterol lowering agents, a randomized study published Monday has found no evidence that garlic works any better than a placebo in reducing blood lipid concentrations.
packingsheet, kain pa naman ako ng kain ng bawang para bumaba ang cholesterol ko. wala naman pala itong ibinibigay sa akin kundi bad breath, malasang ulam at protection laban sa aswang.
MANANANGGAL'S REVENGE

The last of the singing cowboys
read eric s. caruncho’s philippine daily inquirer article on my brother
So you think you’re a romeo, playing a part in a picture-show
nagpalit na ng daylight savings time dito last sunday kaya alas siyete ng gabi ay mataas pa rin ang araw. medyo umiinit na rin. in fact, parang summer na nga ang feel dahil nung weekend ay umabot na sa 100 degrees farenheit ang temperature sa southern california. ‘tanginangyan, mukhang nakakalimutan ko na ata ang metric system. ano na nga ba formula? teka… 100 degrees maynus 32 equals 68 dibaydibay 1.8 equals 37.78 degrees C. piso na lang, impyerno na.
sa sobrang init nga ay nagkaroon ng malaking sunog dito. galing kami nina jet sa las vegas at nadaanan namin yung brush fire sa anahein hills. malaki ang sunog kaya sinara nila yung toll road na papasok sa city namin at kinailangan ko pang umikot para makauwi. pero ok lang, sabi nga ng supertramp – “take the long way home.”