nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.
Monthly Archives: February 2008
Falling slowly, eyes that know me
masaya ngayon sa opisina kasi dumalaw sa california ang mga dati kong kasama sa asia-pacific para mag attend ng meeting. laki raw ng pinayat ko, sabi nila. siguro daw hindi ako pinapakain ng tama rito sa america. sabi ko naman sa kanila eh kaya nga ako pumayat ay dahil kumakain na ako ng tama. ang laki nga ng pinagbago ng eating habits namin simula nang lumipat kami ni jet dito.
although miss na miss ko ang pagkain sa singapore, kung hindi kami umalis doon eh malamang mas malaki ang magiging problema ko sa diabetes at siguro mukha na akong baboy na gala ngayon.
Color It Red
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
recommendation ng kapitbahay naming si gigi na subukan itong argentine red shrimp. mura lang dito dahil naka sale at masarap ang lasa. impak, may pagka lobster ang dating. yan ang isang ok dito sa america: dahil sa laki ng mercado, makakabili ka ng pagkain na galing sa kung saan-saang sulok ng mundo. siguro naman ay galing sa argentina ang argentine red shrimp na ito.
Flow and Ebb
malaking bagay rin na nagkaroon kami ng bahay dito dahil ito na ngayon ang sentro ng mundo namin. dito na umiikot ang trabaho, pasyal, kain at kung ano-ano pang ginagawa ng isang normal na mag-asawang pinoy sa amerika. masuwerte si jet dahil mayroon siyang simbahan na sinasambahan. nagbibigay ito sa kanya ng spiritual fulfillment. ako naman ay walang diyos, pero ok lang. nakikisaling ket na lang ako kay jet pag inaya niya akong magsimba.
mayroon akong natutunang importante sa dalawang taon naming pamumuhay dito. matagal ko na itong alam pero minsan ay nagiging talipandas ako’t lumilihis ng landas. ang sikreto para maging maligaya sa amerika: kailangan simple lang ang buhay mo. malayo pa ako sa gusto kong kasimplehan. siguro mga ilang taon pa. hopefully by then, mas alam ko na ang gagawin at wala na akong kailangang patunayan sa sarili ko.
Ebb and Flow
pagkatapos ng mahigit dalawang taon dito sa amerika, nagkakaroon na ng regular pattern ang buhay namin ni jet. yung dating chaos na bumabalot sa mga ginagawa namin ay nagiging comfort zone na ngayon. mayroon na kasing regularity sa takbo ng buhay namin at nagbibigay ito ng kaunting reassurance.
natutunan ko na rin ang style ng pakikipaghalubilo sa mga tao sa trabaho na ibang-iba kaysa sa singapore at pilipinas. mayroon na rin kaming mga kaibigan na natatakbuhan pag kailangang mangutang. alam ko na kung saan ang masarap at murang pagkain. kabisado ko na rin ang mga pasyalan at bilihan ng mga grocery at pagkaing pinoy. higit sa lahat, kilala ko na ang mga barberong pwedeng puntahan na alam kong hindi lalapastanganin ang buhok ko.
With a love so hard and filled with defeat
binalita ng mommy ko kahapon na lumayas daw yung kanyang long time assistant sa bahay kamakailan tangay ang dalawang libong piso na dapat ay pang tuition ng apo kong si TJ. may bago raw itong bopyren na may drug habit at kinailangan yung pero pambili ng kung ano man yung ginagamit ng kumag. gusto kong hangaan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig. sa isang banda ay gusto ko rin siyang kutusan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig.
ang perfect example ng love is blind ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”
Is equal to the love you make
ang isa sa pinakamagandang parte ng araw ko ay ang pagbisikleta ko pauwi. ngayong patapos na ang winter ay medyo humahaba na ang mga araw at hindi na masyadong madilim sa kalsada. malamig pa rin pero di na masyadong maginaw. pag umihi nga ako ngayon ay nakikita ko na ang titi ko. maganda na rin ang panahon. in fact, itong mga nakaraang araw ay sinasalubong ako ng makukulay na sunset.
I’ve stepped in the middle of seven sad forests
una akong tinubuan ng buhok sa kili-kili nung grade 4. yun din ang panahon na una kaming nagkaroon ng interes sa kung ano-anong mga pansariling kaligayahan. parang ang aga ano? kaya nga yata maraming malabo ang mata sa age group ko.
I've stepped in the middle of seven sad forests
una akong tinubuan ng buhok sa kili-kili nung grade 4. yun din ang panahon na una kaming nagkaroon ng interes sa kung ano-anong mga pansariling kaligayahan. parang ang aga ano? kaya nga yata maraming malabo ang mata sa age group ko.
B-B-B-B-Bad
dear unkyel batjay,
new year ulit kaya nagpapa-payat na naman ako. ano ba ang pinaka mura at pinaka effective na paraan para mabawasan ang timbang ko?
nagmamahal,
gentle reader