nung lumalaki ako, yung bahay namin sa talipapa ay parating puno ng musika. pag may bagong labas na mga kanta, naririnig ko na ito agad. minsan nga, hindi pa lumalabas sa merkado ay nasa bahay na’t pinakikinggan na namin. yung mga kapatid ko kasi ay mahilig sa musika at dahil bunso ako, lahat ng mga collection nila ay napupunta sa akin. kaya baby pa lang ako, may hawak na akong mga long playing records. kung taga talipapa kayo nung 1970’s at may nakita kayong batang lalaking nakahubo na tumatakbo (flapping his small dick into the wind) at may dala-dalang mga plaka – ako yon. music is like scent, malakas itong mag evoke ng mga pangyayari sa buhay mo. ok ito minsan, dahil nagpapa-alala sa iyo ang mga kanta ng mga masayang nangyari when you were growing up. minsan naman ay nakaka-inis dahil binabalik ng mga kanta ang mga pangyayaring ayaw mo nang maalala – the death of a loved one, lost love perhaps. one song that evokes a lot of happy memories is janis joplin’s cover of kris kristofferson’s classic “me and bobby mcgee“.

tuwing naririnig ko ito ngayon, napapangiti ako. masaya kasi yung panahong yon na sumikat ang kantang ito dahil supot pa ako at wala pang mga responsibilidad. i could screw up and nobody would be affected… and that my friend is the ultimate freedom.
Like this:
Like Loading...