dalawa ang parating sinasabi ng mommy ko sa akin nung araw pag nabubwisit siya sa kakulitan ko: una, tinutubuan daw ako ng sungay at pangalawa, tumatanda raw ako ng paurong. hindi ko naintindihan yung ibig sabihin ng pangalawa at lubos ko itong ikinatakot. akala ko kasi, yung pagtanda ng paurong ay yung pagbalik mo sa pagka baby at pagtagal ay pagpasok na muli sa pwet ng nanay mo.
nung bata kasi ako, malimit kong tinatanong ang mommy ko kung saan ako nanggaling. “sa pwet ko” ang parati niyang sagot.