muntik na siyang nawalan ng malay nang subukan niyang kumuha ng blood pressure sa leeg. medyo nalito kasi siya sa sobrang galak nang narinig niya sa radyo na nakakagaling daw sa corona virus ang pagkain ng munggo sa hatinggabi.
Category Archives: MINISKIRT STORIES
Iyak ng Sanggol Blues
madilim nung gabing iyon, mang boy. lingon sa kaliwa. lingon sa kanan. walang tao. doon niya naisipang umihi sa pader. malapit na siyang matapos nung bigla siyang ginulat ni solomon. napasigaw tuloy siya na parang bagong panganak na sanggol
kung bakit napilay yung aso
tatlong beses na siyang bumangon sa pagtulog para umihi. sobrang dami kasi ng tubig ang nainom niya. nadapa pa siya nung pangalawang pagihi dahil naapakan niya yung nahimbing na aso.
sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong
nakahinto siya sa stoplight habang nagmumuni-muni: “ang pinakamasaklap na paraan upang mamatay,” isip-isip niya, “ay ang malunod sa septic tank”.
habang abala siya sa pagninilay tungkol sa death by septic tank ay may biglang tumabi sa kanya na isang kotse. babae ang driver at isa itong asian, nakasuot sa ulo nito ang isang napakalaking sumbrero na halos tumakip sa buo niyang mukha. naka long sleeves din ito at nakasuot sa kamay ang makapal na gwantes. “ayaw umitim ng bruha,” ang wika niya, sabay apak sa silinyador. nag go na kasi at gusto na niyang makarating sa opisina dahil may libreng pakaing naghihintay doon.
donut ata at kape para sa unang limang sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong.
senior citizen aerobics
mainit sa basketball court nung martes ng umaga pero parang hindi ito napapansin ng mga miyembro ng senior citizens club ng villa marcos. sa katunayan, handang-handa na sila sa kanilang lingguhang aerobics class.
limang minuto pagkatapos nilang magsimula ay biglang dumating si aling kres. agaw hininga ito at paiyak niyang isinigaw: “patay na si manang saturnina. inatake siya sa puso habang naliligo kanina!”
nahinto ang aerobics bigla at parang isang barangay silang sabay-sabay na humagulgol sa iyak. kasama kasi nila si manang saturnina at sa maraming pagkakataon pa nga eh siya ang promotor ng kanilang mga aktibidad.
pagkatapos ng animo’y walang katapusong pag-iiyak eh dumating naman si celia, agaw hininga rin at halos mawalan ng malay. “hindi pa patay si manang saturnina” ang sabi niya, “malubha pa lamang daw at agaw buhay sa lanting general hospital ngayon”
nangiti si rosanna at pasigaw na sinabing, “yehey, tuloy ang aerobics!”
ang magasawang arjun at selena
mayroon kaming kapitbahay na mga stormtrooper: ang magasawang arjun at selena.
unang nagkakilala sina arjun at selena sa buwan ng endor, nang mahuli sila ng mga ewok na nagnanakaw ng pakwan. dalawa ang naging anak nila – si hapreet at gulana. lumipat ang pamilya dito sa irvine kasi maganda ang school system at walang masyadong crime.
isang buwig na cilantro
winagayway ni mang ben ang isang buwig na cilantro habang kumakanta ng hosana sa kaitaasan. magluluto kasi siya ng shrimp burrito at gusto niyang pangaralan si baby jesus bago siya magsimula.
tornado
tinanong ni mandy kay pastor mang boy kung bakit pinayagan ng diyos na tamaan ang mga paaralan sa oklahoma at hayaang mamatay ang mga walang kinalamang musmos. bakit daw hindi na lang lumapag yung tornado sa city jail kung saan maraming mas angkop na mamatay.
sabi ni pastor mang boy – “god moves in mysterious ways”
naiyak si mandy at bumulong ng “ang bait talaga ni baby jesus”.
ngo-ngo si mang ben
nagising na tulala si mang ben sa hospital. bigla siyang napasigaw nang makita niyang wala na siyang suso: “mga mutangngina ngyo, ngagmuntna ango ngito sa ngospital mara sa ngasectomy ngahil mito nga ang nganak ko” ang sabi niya sa nurse. “makit ango walang moobs?”
kasalanan ni pikachu
dalawang araw na siyang hindi kumakain simula nang madukutan ng pitaka at maligaw sa central market. putangina kasing pikachu stuffed toy na yan na pinabibili ni helen. tapos narinig pa niya sa DZRH na nag quit na si kris aquino sa showbiz. magugunaw na ata ang mundo, isip-isip ni mang boy.