alas tres ng hapon daw sila magkikita sa harap ng national bookstore sa araneta coliseum. kakain kasi sila sa 3M pizza bago manood ng pelikula ni FPJ sa coronet. matagal din siyang nakatayo roon at huminto lang siya sa paghintay nung kasing laki na ng bola ng jackstone yung binibilog niyang kulangot.
Category Archives: Uncategorized
kutis betlog pa rin
“oh, you’re so dark” ang salubong sa akin ng suki kong nagtitinda ng pansit #Asians – “what happened to tall and handsome?” ang balik ko sa kanya. matagal kasi kaming hindi nagkita, mang boy #KutisBetlogForeverandEver
What did you kill Bungalow Bill?
mayroon kaming facilities sa opisina para sa exercise kaya nga ok lang para sa akin na tumakbo o mag bike to work. nakakaligo ako kaya hindi ako amoy liver spread sa trabaho. may mga araw nga lang na nakakabwisit. pag nasa locker room kasi ako at nagbibihis, minsan may dadaan sa harap kong galing sa shower room na naka hubo.
Howlin' Dave at NU 107
meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.
catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.
pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.
A life of leisure and a pirate's treasure
buhay ng namamasukan sa amerika: you’re deepshit in work at ang una mong iniisip sa umaga ay kung ano ang gagawin mo sa opisina, kung ilang meeting ang pupuntahan, at kung ano-ano ang dapat mong ihanda. pagtapos ng trabaho, uwi ka sa bahay, kain, nood ng tv sandali, tapon ang basura, kuha ng mail at gawin ang kung ano-ano pang mga domestic na gawain. routine mo ito araw-araw ad nauseum hanggang sa hindi mo na namalayan, a lifetime has passed.
ayokong mangyari ito sa akin and as god is my witness (scarlett o’hara expression ko lang ito, wala naman talaga akong diyos eh), i am making a very serious effort to enjoy my life even if it kills me.
I'm looking up into the sapphire tinted skies
pagod kami pareho ni jet lately dahil sa dami ng trabaho. minsan nga diretso ang duty niya sa hospital ng 3 straight days na 12 hour shifts. tapos mayroon pa siyang course work na ginagawa ngayon over and above the work. bilib nga ako sa kanya. ako rin naging busy nung pumasok ang bagong taon. binigyan ako ng bagong trabaho kaya pang dalawang tao ang ginagawa ko ngayon sa opisina. pag nabuburat ako, iniisip ko na lang na mas ok siguro ang mamroblema dahil sa dami ng trabaho kaysa magkaroon ng malaking problema dahil walang trabaho.
marami pa rin namang ipinapag-pasalamat. at least nagagawa pa rin namin na magkaroon ng masarap na sex life at may energy pa rin ako para magjakol at maghanda na tumakbo sa marathon itong darating na june 1st. at saka pogi pa rin ako kahit antukin. BWAHAHA.
I've stepped in the middle of seven sad forests
una akong tinubuan ng buhok sa kili-kili nung grade 4. yun din ang panahon na una kaming nagkaroon ng interes sa kung ano-anong mga pansariling kaligayahan. parang ang aga ano? kaya nga yata maraming malabo ang mata sa age group ko.
Won't you meet me out in the moonlight alone?
pag sanay ka na may katabi sa higaan ay medyo mahirap pag bigla itong nawala. iba ang tulog ko pag duty si jet ng pang gabi. nagigising ako parati sa madaling araw at hindi ako agad nakakatulog. minsan nanonood na lang ako ng mga late night soft porn sa cable TV o kaya ay nagbabasa ng burikak na bastos magazine. pero kadalasan ay pumipikit na lang ako at hinihintay ang pagbalik ng antok.
after 17 years kasi na pagsasama, hinahanap hanap mo na yung mahinang hilik at yung katawan na nakaakap sa iyo habang pareho kayong nakatalukbong sa kumot. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman ng isang taong biglang nawalan ng asawa.
Show a little faith, there's magic in the night
mga ginawa ko ngayong taon para maging mas malusog:
- pumunta sa gym 3 times a week
- mag bisikleta papasok sa opisina
- tumakbo ng 5k every other day
- maging sex machine
kailangan kong gawin next year para madagdagan ang pogi points:
- i-finetune ang diet (ie, more fish less meat, more vegetables)
- ibaba pa ng 5 pounds ang timbang
- tumakbo pa ng mas mabilis para pag binato ako ng tsinelas ng misis ko ay makakailag ako.
my dream:
- to run the rock and roll marathon – as god is my witness (habang naka pose na parang si scarlett o’hara). if i have to lie, steal, cheat or kill – i will run in san diego this coming june.
B. C. Thirty-one said, "We caught a dirty one"
medyo letdown yung annual physical ko last week. inanticipate ko kasi na ipapasok ni doctor mary ang daliri niya sa pwet ko para sa prostate exam pero hindi naman niya ginawa. puro mga poke at inspection lang sa kamay, paa, tuhod, dibdib, likod, tenga, bibig at leeg. may kalog din sa betlog pero, sadly, walang prostate exam.