DI KO PANSIN ANG JASMIN SA GABI

home sweet home nagising ako kaninang madaling araw mylab. nangangamoy ang jasmin sa labas ng bintana natin. naalala tuloy kita. maganda naman ang hitsura ng bahay natin ngayon. naipaskil ko na ang painting na binili natin sa living room at maganda ang epekto niya. si datu naman ay balik sa dati niyang masiglang sarili. tumubo na ang buhok niya. ang garden ay puno na ng bulaklak at lumalamig na sa gabi. hinihintay na talaga tayo ng ating tahanan sa pagbalik natin sa pasko. all in all, ok namang lahat except sa isang maliit na kakupalan: mayron tayong bagong lipat na kapit bahay sa tapat na sobra ang yabang. araw araw na lang ay sinusubukan niya ang alarm ng kanyang bagong ford pick-up. ma umaga man o hapon, ginagawa niya ito araw-araw. minsan ko na siyang sinigawan na tigil tigilan na niya ang kakupalan niya. sa susunod na pag uwi at ginawa pa rin niya ito – kukuha ako ng bato at ipupukol ko sa windshield ng kotse niya sa madaling araw para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko pag nag iingay siya.

D’ SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang i’ve never been to me, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.
Continue reading

D' SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang i’ve never been to me, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.
Continue reading

THE WOODS ARE LOVELY, DARK AND DEEP, BUT I HAVE PROMISES TO KEEP, AND MILES TO GO BEFORE I SLEEP

TANONG: dear unkyel batjay, isasangguni ko lang po sa inyo ang kaibigan ko. ang tanga tanga niya kasi at ayaw pang hiwalayan ang kanyang asawa. malimit siyang ginugulpi nito, lalo na pag lasing. walang itong trabaho at umaasa lang sa kanya. kung sino sino pang babae ang nilalandi. naiinis na po ako talaga.

SAGOT: “dear gentle reader, tatlo lang ang dahilan kung bakit ayaw humiwalay ng kaibigan mo sa asawa niya. either talagang mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang hiwalayan no matter what. pwede rin na iniisip niya ang kapakanan ng kanilang mga anak. o kaya, talaga lang na malaki ang tarugo ng kanyang mister. mayron akong malaki at mapurol na gunting. kung gusto mo, ipahiram natin ito sa kanya para maging kaboses ng mister ng kaibigan mo si michael jackson.”

TAGAPAGTANGGOL NG MGA INAAPING NATATAE

D' FLUSH - TAGAPAGTANGGOL NG MGA NATATAE mabilis pa sa alas kuatro, sa pag flush ng inodoro… MWAHAHA (TV canned laughter), teka lang. ang corny ko na ata, baka di na ako kausapin ni boss idol dengcoy niyan. tamang tama ang feature na ito kasi nataon na nasira ang tatlong toilet bowl sa bahay namin nung dumating ako ng linggo. yes, brader en sister. sabay sabay silang nasira. kaya mylab, nagbigay ako kay anna banana ng 1500 pesos pambili ng replacement kit. sana magawa ito ni mang boy bukas bago siya mag practice ng otso-otso. mahirap pala na walang flush ang toilet. di na ako sanay na magbuhos gamit ang timba at tabo. kanina nga muntik pang masama ang toothbrush ko sa pag buhos. buti na lang at naagapan ko kundi mahirap atang magsipilyo gamit ang mapangheng toothbrush.

BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito’y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay “TOPLESS FOR CHRIST“, kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang “concubines for christ”.

HOUSTON, WE HAVE A PROBLEM

that's one small step for batjay, one giant leap for batkind nung bata ako, pangarap ko talagang maging astronaut. nagsimula ito nang isama ako ng daddy ko sa basa air base sa pampanga. ito ang tahanan ng “blue diamonds”, ang aerobatic team ng philippine air force. ang gusto ko talaga ay maging unang astronaut ng quezon city. pero obviously, di ito natuloy. ako’y tumanda at lahat ng mga panaginip ng pagkabata ay sumama na kay puff, the magic dragon. now, i am 38 years old and a member of a travelling circus. tomorrow, i will fly to manila for a show – i will figuratively eat bubog, climb walls and walk through fire. it’s not a bad life really. enjoy nga ako sa ginagawa ko. di man ako naging astronaut – nagkaroon naman ako ng magandang pamilya, magandang buhay at nariyan si jet na kasama kong tatanda. lahat ng mga iyan ay di ko pagpapalit sa outer space. isa pa, i could never pass the physical exam dahil ako’y color blind. maraming salamat nga pala kay polo for making this photo. you don’t know how happy you made me, o mandy – kahit halatang bike helmet lang ang suot ko.