last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.
natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.
good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.