LBM at ubo

dear mang boy,

naisip ko lang kanina habang kumakain ng maanghang na tanghalian: ang isa sa pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa iyo ngayong bagong taon ay magkaroon ng matinding diarrhea kasabay ng malupit na ubo.

happy new year!
unkyel batjay

#walalang

World War Two Memories

dear mang boy,
 
nakakita ako ng maraming mga bandila sa harap ng mga opisina at kabahayan ngayong umaga. di ko alam nung una kung bakit nang maalala kong bigla ang petsa – ika pito ng disyembre. pearl harbor commemoration.
 
bilang pag-gunita sa araw na ito, lumabas ako kanina sa bahay at sumigaw ng pagkalakas-lakas: “mga kababayan, magsilikas kayo – nariyan na ang mga hapon!”
 
nagmamahal,
unkyel batjay
 

bampirang ngo-ngo

dear mang boy,

nagising akong tumatawa ngayong umaga dahil napanaginipan ko na nagkaroon daw ng epidemya sa pilipinas at lahat daw ng mamamayan ay naging bampirang ngo-ngo.

nagmamahal,
unkyel batjay

24248107656_ce9083a901_k