naubusan ako ng bawang kanina kaya bumili ako sa suki naming korean grocery sa tapat. ayokong ayoko pa namang magpunta sa grocery para lang sa isang item dahil napipilitan ako parati na magdagdag ng bibilhin. siguro unconsciously, gusto mong sulitin ang pagbyahe mo papunta sa tindahan and one item is never ever adequate. sure enough, napabili pa ako ng tofu, green tea at kimchi.
nung nagbabayad na ako, nakatingin yung cashier sa merchandise ko habang kino-compute kung magkano ang total. habang ginagawa niya ito ay kinakausap niya ako sa korean. finally, tumingin din siya sa akin nung inabot ko yung bayad. bigla itong nagulat at napa “ngye-he” nung makita niya ang kutis betlog kong mukha.
“me korean, bad sunburn” ang sinagot ko na lang sa kanya.
bwahahaha. na-iimagine ko ang “ngye-he” ng korean cashier.
ako rin, ayaw ko ring pumunta kahit saan kung di man lang ako bumibili ng at least 2 items. kanina, pumunta akong filipino store for corned beef dahil bigla akong nagutom ng corned beef. eh, nagbasket pa talaga ako at kung anu-ano pa yung inilagay ko sa basket. nadali tuloy ang bente ko.
at sa shoe store rin, dapat 2 pairs of shoes talaga ang bitbit ko. kaya ayaw ko ang magwindow-shopping. parang inu-uto ko lang ang sarili ko jan. hay, buhay.
Yan ang kagandahan sa atin. Makakabili ka nang tingi sa sari-sari store sa tapat nang bahay mo. Hindi dyahe kahit ang bibilhin mo lang ay isang “ice candy” na mantika o tatlong butil nang bawang.
bakit ba kasi sa Pinas lang uso and sari sari store na 1.5 meters ang pagitan ng bawat tindahan
tol,
admit it, tumatanda na tayo. ganyan talaga ang nagkakaidad. you think of something else to buy para masulit ang pagod sa pagpunta mo sa store. and we are not alone. i know marami sa mga kaidaran natin ay ganyan din ang ginagawa. but happy to say na kahit me idad na ay tinitigasan pa rin! right brod?
all the best……..bong
oh by the way, happy 110 years of independence to you, ma’am jet and all the pinoys in the whole world! C H E E R S!!!!!!!
bong
sbi nga ni bob dylan “dont think twice its allright”
great song.
That must have been so awkward haha
yes it was a bit. buti na lang marunong akong magsabi ng hello at salamat sa korean.
ngye-he!!! naalala ko tuloy si vic sotto. ahhahah! =D
pag nakakakita ako ng korean at kinausap ako, isa lang ang sinasabi ko: Jjampong! haha!
ewan ko ba unkyel, ganyan din ako e, hindi naman ako malabo diba? praktikal lang at may foresight lang diba?
linked your blog to my new blog. (http://ecxel.wordpress.com), hope you can drop by and field in your thoughts sa mga entries ko, hehehehe! š
“It ain’t no use to sit and wonder why”
Dito lang talaga ata satin sa pinas nakakabili ng tingi. San ka makakakita ng mama na pupunta sa tindahan para bumili lang ng isang stick na sigarilyo? Dito lang!
oo nga, naalala ko pa yung time na bibili ka sa tindahan ng isang stick ng sigarillo at maghahati pa kayong magbarkada.