He took a face from the ancient gallery

mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.

Continue reading

He took a face from the ancient gallery and he walked on down the hall

mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.

Continue reading

TEACHER MAN

kakatapos ko lang basahin ang “teacher man” ni Frank McCourt. siya yung kilalang author na gumawa ng “angelas ashes“, isa sa mga paborito ni jet na libro. dito siya nanalo ng pulitzer prize at ginawa rin ata itong pelikula. marami ang hindi nakaka alam na bago naging isang sikat na author si mccourt eh naging guro muna siya. in fact, “teacher man” is a memoir about the 30 years he spent as a new york city public school english teacher. kung mayroon kayong mga aspirations na tulad kong maging isang guro one day, magandang inspiration ang librong ito. ang balak ko kasi ay uwuwi sa pilipinas one day at magturo na lang. wala, gusto ko lang ibalik lahat ng mga natutunan kong katarantaduhan sa buhay. baka nga pwedeng pagsamahin ang mga gusto kong gawin pag retire ko. iniisip ko nga during the day time ay teacher. pag gabi naman ay karaoke singer.

A good name is a second inheritance

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE CHICAGO. isang immigrant galing sa hong kong ang nagpalit ng kanyang pangalan dahil hindi na nito matiis ang sobrang pang aalaskang inaabot niya.

Continue reading

Winter must be cold for those with no warm memories

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan, sampu ng inyong mahal sa buhay. may itatanong lang po ako unkyel tungkol sa isang nakakahiyang sitwasyon na nangyari sa akin. mabigat po kasi ang sipon ko at halos maubos na nga ang tissue sa bahay dahil walang hinto ang tulo ng aking uhog. kanina pong umaga ay na hatsing po ako habang naglalakad sa corridor ng opisina at hindi ko po alam na may paparating na tao – natamaan po siya ng brunt ng aking hatsing, unkyel. hindi ko nga po alam ang gagawin. napayuko na lang ako at lumakad ng mabilis. ano po ba ang tamang etiquette sa pagharap sa ganitong sitwasyon.

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

“I refer to jet lag as ‘jet-psychosis’ – there’s an old saying that the spirit cannot move faster than a camel” – Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.

Continue reading

"I refer to jet lag as 'jet-psychosis' – there's an old saying that the spirit cannot move faster than a camel" – Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.

Continue reading

DEATH BY POWERPOINT

ang isang hindi lang maganda pag ikaw ay isang accidental tourist ay hindi mo masyadong ma enjoy ang mga lugar na pinupuntahan mo. ok rito sa orlando. lahat ng gusto mo ay narito – ang daming golf course, may disney magic kingdom, sea world, universal studios at kung ano-ano pa. sarap ano? ang problema ko lang eh nakakulong kaming lahat sa loob ng isang conference room for the duration of the conference.

yan siguro ang mini version ng impyerno – nasa paraiso ka nga pero di ka naman makalabas. pakiramdam ko para akong isang matakaw na lalaking ikinulong ng isang alaskador na diyos sa isang kwartong puno ng pagkain pero hindi naman niya ako binigyan ng bibig.

Continue reading