Category Archives: TV
the returned
pinanood ko ang “the returned” sa netflix ngayong weekend. naaliw ako sa kwento ng mga patay na bumabalik sa mundo kahit na French pa siya at subtitled. bibigyan ko ito ng dalawang nakataas na hinlalaking may patay na kuko na nabuhay na mag-uli.
heisenberg rules
mamayang gabi na angĀ simula ng wakas ng breaking bad. tangina, hahanap-hanapin ko si heisenberg pag natapos na ito. ang hula ko eh mamamatay silang lahat in the end. a hundred years from now, tatanghalin siguro ang panahon na ito na “golden age” ng television with shows like the sopranos, mad men, homeland, boardwalk empire and of course, my beloved breaking bad.
http://cnettv.cnet.com/av/video/cbsnews/atlantis2/cbsnews_player_embed.swf
winter is coming
para sa mga kristiyano, importante ang araw na ito dahil ipinagdiriwang nila ang muling pagbalik ni baby jesus. para sa mga natirang walang bathalang tulad ko eh importante rin ang araw na ito dahil ngayon magsisimula ang season 3 ng game of thrones sa HBO. gardenget, i can’t wait.