DELIKADO ANG TOROTOT SA BAGONG TAON, PART 2

GENTLE READER: ano nga ba ang ibig sabihin ng natorotot? plz help me dr. batjay .. di ko lam ang gagawin ko.

BATJAY: una sa lahat, maraming salamat naman at maraming dumalo sa unang pinoyblog christmas party kagabi. ayan, tingnan ninyo ang litrato namin. pinaliit ko lang para di ninyo mapansin na nagtatabaan lahat kami. BWAHAHAHA. how baboy naman the pig! ok, back to the topic… dear gentle reader, ikaw ay masasabing natorotot kapag ang iyong asawa ay may kabit na ibang tao na hindi mo alam. halimbawa, yung kapitbahay namin dito sa antipolo, kakahiwalay lang nila… nagalit kasi si lalaki dahil yung bunso niyang anak ay kamukhang kamukha ng driver niya. muntik na nga silang magbarilan sa loob ng bahay. ngayon alam mo na siguro kung bakit delikado ang manorotot sa bagong taon.

THE 1ST PINOY BLOG CHRISTMAS PARTY

TOROTOT EPEKS

GENTLE READER: dear unkyel batjay, hindi mo po nabanggit ang torotot doon sa “top 10 list ng mga pwedeng palit sa paputok itong bagong taon“. bakit po ba, ayos naman ito bilang alternative sa paputok, di ba?

BATJAY: dear gentle reader, medyo hindi kasi ako komportable sa torotot. nakikinig ako sa AM radio kahapon ng umaga habang papunta sa hospital para dalawin ang ate ko. ang sabi ng announcer ay delikado raw ang torotot sa bagong taon. nakakamatay raw ito, lalo na raw pag tinotorotot mo ang kapit bahay mo.

THE HEART OF THE MATTER

masaya ako ngayon kasi naoperahan na sa puso ang kapatid ko kaninang umaga at maganda na ang kalagayan niya. nagsasalita na nga at gusto nang kumain ng litson at saka sitsarong bulaklak. “over your dead body“, and sabi ko. hehehe. matagal ko na itong dinadalang mabigat kasi bago kami umuwi sa pilipinas ay na stroke siya and was in a coma for 3 days. ganoon kasama ang kalagayan niya – very very near death.

Continue reading

THE SECRET SEX LIFE OF ULTRAMAN

THE SECRET SEX LIFE OF ULTRAMAN lingid sa kaalaman ng karamihan (lalong lalo na ng mga batang naglalaro nito at sa kanilang mga magulang), mayrong kinky secret sex life si ultraman. hehehe… hiniram ko kahapon ang mga pamaskong laruan ng mga pamangkin ko at ako naman ang naglaro. gago. hindi ko nilaro ang sarili ko. nilaro ko si ultraman at ang kanyang partner (sino ba ito?) at nag role playing ako habang umiinom kami ng Carlos I dito sa antipolo nina kuya bong. punta kayo doon sa twisted kong website na “Where in the world is Spiderman?” para makita ang pinaka latest pics. showing ngayon ang ultraman doggy style.

TOP 10 LIST NG MGA PWEDENG IPALIT SA PAPUTOK ITONG BAGONG TAON:

10. for 3 straight days, kumain ng kambing o kaya tupa na may curry sauce
09. magpunta sa iraq na nakasuot ng t-shirt na may american flag
08. huwag maligo at magpalit ng damit simula dec 26 hanggang bagong taon.
07. bumisita sa presinto at sumigaw ng “pulis, pulis, pulis, titi mong matulis”
06. maglagay ng sibuyas sa kili-kili at tumayo sa gitna ng init ng araw ng 2 oras
05. patugtugin ng full volume ang kantang “eruption” ng van halen sa madaling araw
04. amuyin ang pekpek ng bagong panganak na kalabaw
03. huwag tumae ng dalawang araw at…
02. kumain ng isang malaking nilagang kamote.
01. mag-arkila ng sampung nagsasayaw na bumbay para sa new year’s party

UPSTREAM, IN THE MIDST OF THE OUTER WAVES, YOUR PARALLEL BODY YIELDS TO MY ARMS

CLICK TO ENLARGE: MAYNILA, MY MAYNILA kung minsan, naiinis ako sa mga title ng mga pelikulang may double meaning. tingnan ninyo ang palabas sa sinehan last week – “salat“, “kalabit“. ano bang ibig sabihin niyan? kwento ba ito tungkol sa mga bulag na masahista? kung ako ang gagawa ng pelikula, tatanggalin ko ang lahat ng mga ambiguities. imbis na “kalabit“, mas bagay kung ang title na lang ay “nagjakol siya at nabulag“. imbis na “salat“, gagawin ko na lang “dinilaan ko ang pekpek niya, di man lang siya nangiti“.

YOU SWALLOWED EVERYTHING, LIKE DISTANCE. LIKE THE SEA, LIKE TIME. IN YOU EVERYTHING SANK!

CLICK TO ENLARGE: warik-warik from the ilocanos huwag na kayong magtaka sa mga balitang maraming inaatake sa puso pag pasko. nung panahong nasa heart center pa si jet nagtatrabaho at sinusundo ko siya, nakita ko na around christmas time, ang emergency room ng hospital ay standing room only. hindi ito exaggeration. mahilig kasi tayo sa mga party at ang mga pagkaing hinahanda natin ay heart attack food. tulad nitong “warik-warik”, ang ilocano version ng sisig. hitsura pa lang ay magpapabilis na sa tibok ng puso mo. simple lang itong gawin – hinalong crispy pork liempo na maraming taba, pinakuluang utak ng baboy, calamansi at sibuyas na hilaw. masarap siya, kaya nga lang eh sa bawat subo ay parang ibinabaon ka nang dahan-dahan sa hukay. merry christmas sa inyong lahat. sana hindi tayo magkita-kita sa hospital ngayong kapaskuhan.

Good friends, good books and a sleepy conscience: this is the ideal life

CLICK TO ENLARGE: from left to right - Sassy, Tito Rolly, Belle and BatJay

isa sa highlights of the week ang makasama ang mga hinahangaan kong mga bloggers – from left to right: si sassy lawyer, si tito rolly, si makatang belle at ako. dumalo sila sa munting salo salo sa aking version ng house on a hill sa antipolo. ang galing… parang pelikula ni dolphy ang nangyari – maraming kwentong may drama, may action, may kantahan, sayawan at punong puno ng katatawanan. eto ang mga quote nila:

TITO ROLLY: “Ang sarap ng buhay pag walang iniintindi no? You have a wondrful house. Thanks for accomodating us during our lunch. Ang saya saya. At ang food, ang sasarap. Naubos yata yung Carlos I ni Jay e dadalawa kaming uminom. First time i’ve been drunk for a long long time. Thanks again and happy birthday.”

BELLE: “ang galing talaga ni kuya batjay. naturuan niya akong gumamit ng chopstick sa pamamagitan ng kanyang world famous kulangot excercises.”

SASSY LAWYER: “Sorry there aren’t more (PHOTOS). Conversation was too good (hilarious) to stop and take more photos.”

JET: “enjoy ako kasi nagustuhan ni sassy at belle ang aking tiramisu

BORN FREE, TAXED TO DEATH

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nasaan ka ba at ano ang ginagawa mo nung mabalitaan mong namatay na si FPJ?

BATJAY: dear gentle reader. siguro may gustong iparating sa akin ang tadhana. nasa singapore ako’t nakasakay sa taxi nang marinig sa radyo na namatay na si da king. papunta ako sa internal revenue authority dahil gusto nila akong idemanda – sa tutuo lang, nakatanggap ako ng court summons kaya medyo kinabahan ako. di raw kasi ako nagbayad ng taxes during my first year in singapore (which isn’t true). eventually, i was able to clear my name. pero ang experience na yan, kasama ng pagkamatay ni FPJ ay nagpatunay sa akin ng mga sumusunod: UNA, magaling maningil ang singapore sa mga may utang sa kanya na buwis. PANGALAWA, “Nothing is certain but death and taxes“.

ANG MGA KWENTONG KAPASKUHAN

ang isa sa aking mga unang ala-ala ng pasko ay yung time na bumisita ang aking mga pinsang sina bobby and bennet from the US. mahilig sila sa mga hayup kaya parati nila akong kasama kaya parati silang ipinapahuli ng daddy ko ng mga palaka sa kalaro kong si danteng duling. basahin ninyo ang aking kumpletong storya sa extra spesyal bery hot – PINOYEXPATS. mayroon ding sinulat si jet doon na tungkol sa kanyang christmas recollection. excellent writing as usual on her part. buti na lang nariyan ang asawa kong magaling na writer, at least complementary sa aking kwentong barbero.

if you have some free time today, imbes na mangulangot ay bakit di kayo magpunta roon. leave a note and say hi.