Show a little faith, there’s magic in the night

mga ginawa ko ngayong taon para maging mas malusog:

  1. pumunta sa gym 3 times a week
  2. mag bisikleta papasok sa opisina
  3. tumakbo ng 5k every other day
  4. maging sex machine

kailangan kong gawin next year para madagdagan ang pogi points:

  1. i-finetune ang diet (ie, more fish less meat, more vegetables)
  2. ibaba pa ng 5 pounds ang timbang
  3. tumakbo pa ng mas mabilis para pag binato ako ng tsinelas ng misis ko ay makakailag ako.

my dream:

  • to run the rock and roll marathon – as god is my witness (habang naka pose na parang si scarlett o’hara). if i have to lie, steal, cheat or kill – i will run in san diego this coming june.

Show a little faith, there's magic in the night

mga ginawa ko ngayong taon para maging mas malusog:

  1. pumunta sa gym 3 times a week
  2. mag bisikleta papasok sa opisina
  3. tumakbo ng 5k every other day
  4. maging sex machine

kailangan kong gawin next year para madagdagan ang pogi points:

  1. i-finetune ang diet (ie, more fish less meat, more vegetables)
  2. ibaba pa ng 5 pounds ang timbang
  3. tumakbo pa ng mas mabilis para pag binato ako ng tsinelas ng misis ko ay makakailag ako.

my dream:

  • to run the rock and roll marathon – as god is my witness (habang naka pose na parang si scarlett o’hara). if i have to lie, steal, cheat or kill – i will run in san diego this coming june.

Tender Strong and True

25th year na namin sa 2008, and most of us have been close friends for 37 years. una kaming nagkakilala nung 1971 when we first entered notre dame of manila as 5 year old uhugin kindergarten students. a lot of us went to college together and a few have even worked together at one time or another.

Continue reading

Thunder on the mountain, fires on the moon

kanina ko pa iniisip yung pinaka unang recollection ko ng pasko. hindi na masyadong malinaw dahil 40 years na ang nakakaraan at pag ginugunita ko ngayon ay para na siyang black and white video na out of focus: 1967, sa isang bahay na bato sa pasay city, nakahiga ako sa kahoy na sahig at kinakalikot ang laruang truck na niregalo sa akin habang sa paligid ko ay masayang nag-uusap ang buong pamilya. nung panahong iyon, 42 years old na ang mommy at daddy ko. exactly my age now. imagine that.

IMITATION OF LIFE

dear unkyel batjay,

ano po ang maipapayo ninyo sa mga taong ngayon lang sasapit sa tamang edad? yung anak ko kasi ay magiging 13 years old na ngayong december at gusto kong malaman kung ano ang mga pwede kong sabihin sa kanya.

marami pong salamat.
gentle reader


Continue reading

Sundown, yellow moon, I replay the past

nag record ako ng cover ng “If you see her, say hello“, dedicated sa lahat ng mga member ng SMAP. galing ang kantang ito sa “blood on the tracks” masterpiece ni dylan na punong puno ng kasentihan. halos lahat ng mga kanta sa plakang ito ay tungkol sa heartache, dala ng paghihiwalay nilang mag-asawa nung 1974. pero kahit tungkol sa sama ng loob ang mga kanta ay marami pa rin ang nag enjoy sa pakikinig nito. isa na ako roon.

Continue reading

If you see her, say hello

dear mommy,

kanina lang, naisip ko na naman kayo at bigla akong nalungkot. isang taong mahigit na kasi tayong hindi nagkikita at matatagalan pa bago kami makauwi. pasensya na lang po kayo sa amin dahil di tayo magkasama ngayong pasko. minsan, hindi ko na nga alam kung ano ang tamang gagawin – gagastos ba ako para makauwi at makita kayo, o ipapadala ko na lang yung pera para masaya ang pasko ninyo.

ngayong taon, pinili ko na merry christmas sa pilipinas without me. pero next year hindi na pwedeng hindi kami uuwi. ngayon pa lang nga ay hindi na ako makapaghintay. kamusta na lang po sa lahat.

with so much love,
jay

BUTSEKIK

BokChoy-02

bok choy with garlic na sinamahan ng tokwa na may sawsawang suka at toyo. simple lang itong lutuin at magaan sa tiyan dahil walang karne. bagay na bagay bilang hapunan, lalo na kung nagpapapayat, high blood o kaya ay para sa tulad kong pogi pero diabetic.

Continue reading

Pay me my money down

ang baba ng palit ng dollar ngayon, bwakanginangyan. 41 pesos to a dollar na lang nung nagpadala kami last week. malamang eh bababa pa ito once pumasok na sa pilipinas lahat ng pera galing sa mga ofw. nakakainis nga kasi kailangan magdagdag ka ng pera para makabuo ng equivalent ng dati mong ipinapadala.

Continue reading