torture

bilang parusa sa pagnanakaw niya ng hot pandesal sa panaderia, ikinulong siya ng hukom sa isang madilim na bodega. sa loob nito’y isang malaking telebisyon na walang tigil na nagpapalabas ng mga video footage ni steven seagal nung siya’y tinubuan ng pangalawang baba.

spinach tokwa

walang sablay pag pinagsama mo ang tokwa at spinach. ito yung pagkaing sobrang sarap pero ang daling gawin. parang salamangka talaga ang pagluto – ihagis mo lang ang mga rekado sa palayok at isalilalim sa apoy sandali. presto! pagkaing masarap.

Spinach con Tokwa 001