mang gagawa

tinatanong ng mga kasama ko rito sa opisina kung bakit walang taga asia-pacific na sumali sa conference call namin ngayong alas singko ng hapon. sabi ko, labor day ngayon sa labas ng amerika, mga hunghang.

ano raw yung hunghang? sabi ko, intsik na may malaking titi.

They aren’t talking about a Brazilian eat all you can deal, right?

akala ko may special offer na churrascaria dito eh huli na nang makita ko na hindi pala ito brazilian barbecue.

oo nga pala, tinanong ko sa may-ari kung pwedeng magpa brazilian ng buhok sa betlog. tiningnan ako ng masama.

ngo-ngo si mang ben

nagising na tulala si mang ben sa hospital. bigla siyang napasigaw nang makita niyang wala na siyang suso: “mga mutangngina ngyo, ngagmuntna ango ngito sa ngospital mara sa ngasectomy ngahil mito nga ang nganak ko” ang sabi niya sa nurse. “makit ango walang moobs?”

Unidentified Flying Catsup Soysauce

himala, may toyong pinoy na sa grocery dito sa irvine. tanda lang na kahit pakonti-konti eh pumapasok na sa local na kultura ang kapinoyan.

hinihintay ko na lang ang panahon kung saan magbebenta na sila ng balut. mga bwakanginang amerikano kasi eh ito na lang parati ang tinatanong sa akin, i.e., kung kumakain daw ako ng balut.

middle age conundrum 101

sabay sa paglipas ng panahon ang malimit na panonood sa dahan-dahang pagputi ng aking buhok. kung ano-ano nang mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. magpapatina ba ako para maitim pa rin siya? pababayaan na lang ba siyang pumuti? o tuluyan na lang kayang magpakalbo? kung magpakalbo ako, aahitin ko rin ba ang kilay ko?

yan ang mga walang kwentang problemang pilit nilulutas ng mga tulad kong malapit nang mag sinkwenta anyos.