I’ll follow the sun

mga pagmumuni-muni sa twitter habang nagpapa renew ng passport sa philippine consulate sa los angeles nung friday:

11:48 AM – nasa phil consulate sa LA. serving number 23 ngayon at 182 ang sa akin. mamayang gabi pa siguro ako tatawagin. tangina.

11:50 AM – 5 windows sa consulate at isang window lang ang nagaayos ng passport. tangina

11:52 AM – lunch time na at nagugutom na ko. kain muna o maghintay sa pila? tangina

12:14 PM – nasa korean resto sa la for lunch. this town feels weird, its american and yet its asian

01:20 PM – dito sa consulate ng LA para ka ring nasa pilipinas, marami ring nakatambay sa gilid na mukhang goons na fixer.

01:22 PM – mayroon ding mga sumisingit na may kilala sa loob ng consulate. putang ina.

01:48 PM – karamihan ng mga nakapila rito sa consulate ay mataba. dala siguro ito ng masaganang pamumuhay nila sa amerika

01:50 – mayroon ding picture ni gloria rito sa consulate. parang gusto ko ngang drowingan ng sungay

02:03 PM – sarap mangulangot pag naghihintay sa pila dito sa consulate. nahihiya lang ako kasi baka may makakilala sa akin.

02:08 PM – malapit nang tawagin ang number ko rito sa consulate. pag tinawag ang number ko, sisigaw ako ng “BINGO”

02:19 PM – malakas ang appeal sa akin ng linoleum na kulay gray. para kang naglalakad sa abo

02:20 PM – o may sumingit na naman sa bwakanginang pila dito sa consulate. para ka talagang nasa pilipinas, anobayan

02:22 PM – yung naningit na babae ay sakang maglakad. sabi ng teacher namin sa chemistry kaya raw ganito ay dahil pahalang ang pekpek nila

02:30 PM – BINGO!

ang limang oras na paghihintay na ito sa philippine consulate ay hatid sa inyo ng ruby blade pomade, ang pomada ng mga nag-aahit.

She’ll tell you it makes her complete


tatakbo ako para sa suso itong sunday. oo virginia, kasama ko na naman ang mga sexy ng newport beach para sa race for the cure. mga 30,000 na tao ang dumadalo rito kaya festive parati ang atmosphere. 3rd straight year ko na itong gagawin and if i may say so myself, i find it very fulfilling. kahit wala akong diyos, at least mayroon akong cause na sinusuportahan na nakakatulong pa sa aking kalusugan. ibang iba na kaysa nung nasa pilipinas pa ako: rebel without because.

baka sakaling mayroong kayong spare change at gusto ninyong mag sponsor sa akin, tutal tax deductible naman ito. punta lang kayo sa donation page ko. zero pa rin ang abuloy hanggang ngayon kaya nananawagan ako sa inyo na magbigay para mas marami tayong malamas na dyogang walang cancer sa hinaharap.

Adam lived were nine hundred and thirty years

progressive ako sa paniniwala ko tungkol sa science at religion. first of all, disciple ako ni darwin at matindi ang pananampalataya ko sa evolution. hindi ako naniniwala na 5000 years old lang ang mundo natin at hindi rin ako naniniwala na true story ang kwento tungkol kay adam at eve. nung bata ako, parati kong naiisip na kung tutuo talaga ang kwento nila, saan galing yung gagang napangasawa ni cain?

pero kahit naman medyo modern ang beliefs ko, old fashioned din naman ako sa mga ibang bagay – halimbawa, gusto ko ang music ni frank sinatra at ayoko nang walang buhok ang pekpek. sino ba kasing siraulong brazilian ang nagpauso nito?

I’m not there

naglalakad ako sa montreal nung makita ko ang sign na ito. may “Jay” kasi kaya naintriga ako pero di ko agad naintindihan kung ano ang ibinebenta. mayroon kasing suggestive picture ng isang babaeng may hawak na saging kaya nung una akala ko condom o sex toy ang tinitinda. rolling paper lang pala. naalala ko tuloy nung bata ako, ang isa sa mga paborito kong libangan ay dilaan yung rolling paper na tinatago ng kuya ko sa kuwarto niya. matamis kasi. matagal pa bago ko naintindihan kung saan ang gamit nito.

Like a band of gypsies we go down the highway

mahirap magkaroon ng LBM habang nasa gitna ng pagbibisikleta paakyat ng bundok papasok sa opisina. gusto mong huminto pero wala namang banyo. ito yung pagkakataon na hinihiling mo na sana’y isa kang aso para pwede kang makipag sex at umebs sa kalye at hindi ito babagabag sa iyong konsensya.

ang makahulugang pagmumuni-muning ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk, ang gatas na may gata.

Holy Water

naghuhugas ng pinggan si jet nung linggo nang bigla akong lumapit sa lababo. nakita ko na puno ng tubig yung isang malaking tasa kaya ang ginawa ko ay isinawsaw ko ang daliri ko sa tubig at nag sign of the cross. binatukan niya ako.

ang true to life storyang pang mag-asawa na ito ay hatid sa inyo ng “ruby blade pomade, ang pomada ng mga mga nag-aahit.”

Keys that jingle in your pocket

nung una kaming nagkita-kita ay mga 6 year old kindergarten students kami sa notre dame nung 1971. si marcos pa ang presidente at wala pang martial law. magkabarkada at sanggang dikit hanggang mag graduate sa high school nung 1983.

Continue reading

Crimson flames tied through my ears


pwede kayong bumili ng kaning lamig sa darating na international bookfair na gagawin sa bay area (sa pasay hindi sa san francisco). makikita rin ninyo roon yung mga kapamilya kong mga libro. kung gusto ninyo ng horror, naroon yung palalim ng palalim.  kung gusto ninyo naman ng mga kwentong kalibugan, naroon yung personal favorite ko na dagta. mura lang ang mga ito, lalo na yung batang kaning lamig dahil alam naman ng lahat na cheap naman talaga ako.

Viva Las Vegas

nasa vegas ako hanggang wednesday para bumisita sa customer, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa strip. ang sarap pag customer ang nag arrange ng hotel room dahil parating may libreng upgrade sa mas magara at malaking accomodation. muntik na nga akong maligaw sa loob ng kwarto ko dahil parang bahay. sa sobrang laki nga ay mayroon itong dalawang toilet at tatlong TV.

ang nakakainis lang ay dahil trabaho ang pinunta ko rito, pag dating ko sa kwarto ay late na. pagod na ako at gusto ko nang matulog. tapos maaga gigising kinabukasan kaya hindi ko ito masyadong ma enjoy. alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang gutom na lalaking binigyan ng isang lata ng masarap na corned beef pero wala naman siyang can opener.

Unraveling wherever I’m traveling

narito na si jet sa bahay kaya hindi na ako member ng SMAP. sinundo ko siya nung huwebes ng gabi sa los angeles international airport. dumating siya via a philippine airlines flight. oo, same airline na may fucking racist na nag walanghiya sa amin, three weeks ago. hanggang ngayon ay wala pa ring action ang PAL doon sa reklamo ko. sinulat nga sila ni sassy sa column niya sa manila standard.

ang sarap palang mag abang sa airport dahil ang dami mong makikita. una, nakita ko si KC concepcion (oo yung anak ni sharon at gabby) na kasabay pala ni jet sa flight. may dalawang bodyguard ang bruha at isang katerbang mga fans na bigla na lang sumulpot na parang kabuti sa arrival area. may nakatabi rin akong russian na shuttle driver na may bad breath. tanginangyan, ang daming bakanteng silya sa paligid, sa tabi ko pa umupo ang bwakanginang amoy imburnal ang hininga.