the misfits

I joined #Wonderware because of the rebels in the leadership team and the crazy ones in the rank and file who dreamed dreams. It’s been over 30 years. Most of them are gone, either dead or have left. It’s 2019 and I’m still here – the misfit and sometimes the troublemaker. Happy New Year.

A rabble rousing mission

august 1, 2016. today is a personal milestone.

it’s my 15th year anniversary at (INSERT COMPANY NAME HERE) and the longest that I have been employed in any one organization. what can I say, I love what I do.

more than that though, today marks the 15th year that I’ve been an overseas filipino. many things have changed but 2 countries, 6 house moves, 8 job functions and 1 citizenship change later, in my heart of hearts, I still am the rabble-rouser, subversive, troublemaker, loud, incendiary, provocateur, rebel kid.

‪#‎OFW‬ ‪#‎Pinoy‬ ‪#‎StrangerInAStrangeLand

nabuhusan ng kape

nabanggit ko na ba na nasira yung office laptop ko last month? nagtatrabaho kasi ako rito sa bahay, medyo inaantok at nabangga ko yung mug ng kape at natapon ang laman sa keyboard. to make the short story longer eh hindi ko na-save yung computer kaya kahit nakakahiya ay nag request ako sa boss ko na palitan ng bago. ang good news lang ay hindi na-damage ang hard disk kaya na retrieve ko lahat ng mga dokyumento ko.

fast forward a month later…

dumating na yung bago kong laptop. it’s a much bigger and more powerful machine. great graphics and lots of goodies. ang isa sa mga goodies na kinuha sa akin ng aming IT department ay hardened ang case kasi ginagamit ko ito sa mga business trip at ang pinaka importante sa lahat: splash proof ang bwakanginang keyboard.

It makes a firery ring

mainit dito sa desyerto. umaabot ng 106 degrees sa hapon. hindi ko nga alam kung paano nakakatagal ang mga taga rito sa palm springs. siguro mayroon talagang taong mahilig sa mainit. hindi ako isa sa mga ito. siguro, dala na rin ito ng kadahilanang pinanganak ako’t lumaki sa isang bansang bilad sa araw.

naalala ko tuloy yung boss ko sa singapore: hindi siya nagbubukas ng aircon sa kotse at pag nakikisakay ako sa kanya, halos mahimatay ako sa sobrang init. tawag ko nga sa kotse niya ay honda impyerno.

With insufficiency my heart to sway

pagpasok ko kaninang umaga, walang kalaman laman yung opisina ko. tanggal lahat ng mga gamit. simot yung bookshelves. tanggal din yung mga certificates, posters, pictures at calendaryo sa dingding. pati yung name plate ko sa pinto ay nawala. bigla kong naisip kung nasibak ako sa trabaho nung christmas break at walang nagsabi sa akin. posibleng mangyari dahil masama ang economy. pero bakit naman gumana yung security access ko? bigla akong natawa ng malakas.

Continue reading

The working, the working, just the working life

balik na naman sa opisina bukas pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. sabi ko nga, i’m not exactly thrilled. kaya lang naisip ko rin, i should be thrilled dahil may trabaho pa ako in spite of the downturn in the economy kung saan kaliwa’t kanan ko ay puro retrenchment at lay offs. ano ba ang pagkakaiba ng retrenchment sa lay-off?

ang mga unang oras sa opisina pagkatapos ng bakasyon ang pinakamahirap. pilit mo kasing ina-alala kung ano ang gagawin mo. tapos, pag naisip mo kung ano na talaga ang gagawin mo, ayaw mo naman itong gawin dahil tinatamad ka pa. tanginang buhay yan.

When work becomes fun

pag yung pinapasukan mong kompanya ay pumapayag na mag enjoy kayo sa opisina, work becomes play and everybody is happy. last thursday ay “wear your workout clothes to work day”. nagtayo kami ng obstacle course sa campus grounds at mayroong mini health fair.

napatalon ako sa saya.

Leaving Las Vegas

simula nung linggo ng hapon, ngayon lang ulit ako nasinagan ng araw. yan ang hirap pag sa las vegas ginawa ang conference ninyo: nasa loob ka ng hotel for the whole time at pag tumingala ka, all you see is a hand painted sky. part of the trick of making people stay longer inside casinos is to make you forget if it’s night or day kaya ang ginagawa ng mga tusong may-ari ay pipinturahan yung dingding ng bughaw na langit at cumulus clouds. drinks are free if you’re gambling because the more alcohol you have inside your body, the easier it is for them to take your money. you can’t help but be impressed on how las vegas makes sure that the house always wins.

nasa california na ulit ako and i am so happy to be back home.

Viva Las Vegas

nasa vegas ako hanggang wednesday para bumisita sa customer, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa strip. ang sarap pag customer ang nag arrange ng hotel room dahil parating may libreng upgrade sa mas magara at malaking accomodation. muntik na nga akong maligaw sa loob ng kwarto ko dahil parang bahay. sa sobrang laki nga ay mayroon itong dalawang toilet at tatlong TV.

ang nakakainis lang ay dahil trabaho ang pinunta ko rito, pag dating ko sa kwarto ay late na. pagod na ako at gusto ko nang matulog. tapos maaga gigising kinabukasan kaya hindi ko ito masyadong ma enjoy. alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang gutom na lalaking binigyan ng isang lata ng masarap na corned beef pero wala naman siyang can opener.