All the vampires walkin’ through the valley

last saturday, nag sponsor ang company namin ng indoor skydiving sa perris, california. ito yata ang mecca ng skydiving sa southern california. ang daming sira-ulo roon na tumatalon sa eroplano.

IDSkyDive-043

ang sarap pala ng pakiramdam ng skydiver, kahit simulated lang ang ginawa namin sa loob ng wind tunnel. feeling mo, para kang si darna. sa murang halaga na $20 ay binigyan kami ng tatlong 1 minute “flying time” sa loob ng tunnel. i must say, it was breathtaking and i can’t wait for the real thing. ang isa kasi sa mga matagal ko nang pinapangarap ay mag solo skydive, hopefully before i turn 45 – habang tigas titi pa.

Continue reading

PLANTS AND BIRDS AND ROCKS AND THINGS

nandito kami ni jet sa palm springs for a week of work and pleasure. ako para mag work, si jet para sa pleasure. may conference kasi kami at sinama ko siya para naman makapag relaks. first time ni jet dito sa desyerto ng california kaya enjoy siya. habang sinusulat ko nga ito, nasa balcony siya ng kwarto namin at nagbabasa ng libro. may view siya ng golf course na pumapalibot sa hotel namin. sarap no? sana ako rin. kaya lang hindi pwede dahil in a few minutes, babalik na naman ako sa walang katapusang meeting at death by powerpoint.

Continue reading

So you think you’re a romeo, playing a part in a picture-show

nagpalit na ng daylight savings time dito last sunday kaya alas siyete ng gabi ay mataas pa rin ang araw. medyo umiinit na rin. in fact, parang summer na nga ang feel dahil nung weekend ay umabot na sa 100 degrees farenheit ang temperature sa southern california. ‘tanginangyan, mukhang nakakalimutan ko na ata ang metric system. ano na nga ba formula? teka… 100 degrees maynus 32 equals 68 dibaydibay 1.8 equals 37.78 degrees C. piso na lang, impyerno na.

sa sobrang init nga ay nagkaroon ng malaking sunog dito. galing kami nina jet sa las vegas at nadaanan namin yung brush fire sa anahein hills. malaki ang sunog kaya sinara nila yung toll road na papasok sa city namin at kinailangan ko pang umikot para makauwi. pero ok lang, sabi nga ng supertramp – “take the long way home.”

Continue reading

How to use the Hoover Dam to take a shower

HOOVER DAM kung engineer ka at nasa las vegas para mamasyal, hindi pwedeng hindi mo puntahan ang hoover dam. malapit lang ito sa las vegas strip – mga 30 to 40 minutes by car. exciting kasi dadaan ka sa scenic na desyerto ng nevada (mas maganda nga kung nagpunta ka rito sakay sa kabayong walang pangalan – tangina, ang corny ko). para sa akin, comparable ito sa pagpasok sa simbahan para magdasal. para sa isang engineer na interesado sa elegance ng design, it is a religious experience. constructed in just five years (two years ahead of schedule) during the depression, testament ito sa galing ng mga engineer nito sa pagplano at pag construct ng isang mega structure. although hindi na ito ang pinakamalaking dam sa buong mundo, it still is an imposing structure na admirable, hindi lang ng laki ng size kundi pati na sa ganda ng design nito.

Continue reading

Life springs eternal on a gaudy neon street

VIVA LAS VEGAS! nagpunta kami sa las vegas nung weekend. mini vacation at regalo sa isa’t isa after a very tough holiday season. may pasok kasi si jet sa hospital ng pasko at bagong taon kaya hindi kami nakpapag celebrate. iba talaga ang dating ng las vegas. para sa akin kasi, ito ang lugar na puno ng vulgarity at excess (it’s screaming in your face, asamateropak, pero in a nice way). you have to go to las vegas and experience the place to know how it really feels like – kailangang malakad mo ang strip kahit na sobrang lamig at hindi mo na maramdaman kung nasaan ang ilong mo. kailangang matikman mo ang walang katapusang eat all you can buffet, makita mo yung ilaw, yung mga tasteless reproductions ng mga famous na landmarks, marinig ang mga elvis impersonators sa bawat kanto, makapasok sa mga wedding chapel, makapanood ng mga nude girls para sa mga boys at nude boys para sa mga girls (pwede ring nude boys para sa mga boys, charing!), maka attend ng mga concerts and of course, kailangang makapagsugal ka sa mga casinos.

Continue reading

Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa’t Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

Image

BAGONG TAON NA NAMAN

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

“I refer to jet lag as ‘jet-psychosis’ – there’s an old saying that the spirit cannot move faster than a camel” – Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.

Continue reading