ALL THAT IS OF THE SOUL AS DREAMS AND VAPORS

THIS IS THE FUTURE OF AUSTRALIA! HEHEHEHEHE. nakakainis pala ang mga binitawang mga salita ng gobyerno ni howard the duck ano? funny, dahil kagagaling ko lang sa sydney at wala akong na encounter na ano mang predijuice – este prejudice from the natives. in fact, one of the reasons why i love australia ay dahil napaka warm ng mga tao rito. everybody was great, period. credit din sa mga australians – maraming tao ang opposed sa aggressive stance nina howard. pero siyempre, hindi ito excuse sa binitawan ng gobyerno nila, at tama lang na mapikon tayo doon sa “marshmallow” comment ng kupal na downer na iyon. tangina kasi, akala mo kung sinong mga bully. kinokopya ang style ni dubya at gustong mag hari-harian dito sa asia-pacific. at tanginang ka puta putahan ng inang yan, gusto ata ng mga ulul ay tinitingala natin sila.

“Do you hear that, Mr. Anderson? That is the sound of inevitability”
-Agent Smith, The Matrix

pero huwag kayong mag-alala mga kabayan. may balik lahat yan. nakita ko na ang ganti natin: sa australia ngayon, ang pinaka mabilis na population growth rate ay mga asians. at nakita ko ito sa sydney first hand – australia is changing its face. it is inevitable and resistance is futile… in one or two generations, the australians will be us. BWAHAHAHAHAHAHA! tawang demonyo.

SHE KISSES ME WINDY

the opera house kasama ko ang pamilyang pon sa pamamasyal last sunday. si norman ang aking kaopisna. si le-an naman ang kanyang asawa, at sina candice at caitlin, ang kanilang 2 anak. nag ferrry kami para makaikot around sydney harbor. nakakatuwa ang storya nila. sina norman ay of chinese origin. ang kanyang ama ay taga shanghai. nakagat ito ng travel bug at nag decide mag migrate. pero di niya alam ang exact destination, kaya nag toss coin ang kanyang tatay kung saan pupunta. heads: west towards africa, tails: go east to the USA. as luck would have it, heads won at naglakbay nga si tatay papuntang south africa. dito ipinanganak at lumaki si norman. nakilala niya si le-an at biniyayaan ng 2 anak. dahil sa rising crime rate ng africa ay nag decide silang mag migrate sa australia. ngayon ang buong pamilya ay australian citizens na. they are really and truly children of the earth.

TAKE ME TO THE PLACE I LOVE

a syndey harbor bridge sunset kuha ito habang palubog na ang araw, nasa ferry kami at papalapit sa tulay. ang galing talaga sa syndey ano? napakaganda ng ginawa nila sa kanilang bayan. credit to the tenacious australians who’ve strived hard and made it good down under. kahit kupal ang kanilang gobyerno, hinahangaan ko ang mga australians sa kanilang sipag, tiyaga at pagharap sa buhay ng may sense of humor. in fact, napakaraming mga similiraties sa traits ng mga aussie at mga pinoy. and australia today is what should have happened to the philippines kung di lang tayo nadapa.

WATCH ME WALLABY FEED MATE

natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo – 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa “finding nemo“. hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong – ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah, eh – say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “did you say kamatis mate?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah… what is the difference between my first and second example!”

aussie: NGYET!
batjay: “shit ka rin!”

pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.

WHERE WOMEN GLOW AND MEN PLUNDER

hulaan ninyo kung nasaan ako? hehe. dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito – una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako – kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh – “you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head” (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).

ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir – mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa… boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!

‘CAUSE TRAMPS LIKE US, BABY WE WERE BORN TO RUN

kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.

Continue reading

'CAUSE TRAMPS LIKE US, BABY WE WERE BORN TO RUN

kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.

Continue reading

HELLO, I LOVE YOU LET ME JUMP IN YOUR GAME

dahil magkakamukha ang mga tao sa south east asia, minsan mahirap kilalanin kung pinoy ang kaharap mo rito sa singapore. pero may mga tell tale signs na pwede mong gamitin para makilala mo sila. balita ko nga eh ginagamit ito ng FBI sa mga imbistigasyon. hehe.

HETO ang ISA – pag may nakiraan sa harap mo at nagsabi ng “excuse me”. malaki ang probability na pinoy siya. dito kasi pag makikiraan ang mga singaporean, ang kadalasan nilang sinasabi ay “hello”. as in – “hello! hello! hello!” – tapos dadaan na sila. weird nga nung una ko itong marinig. maghe-hello na rin sana ako at akala ko long lost friend. kung mga matatanda naman kadalasan ay “SQ”. as in “SQ, SQ, SQ” – short cut ito ng “excuse me” dahil di sila masyadong marunong mag english. parang ngang flight ng singapore airlines. pero ito, sigurado ako – pag may taong nag “excuse me” para makiraan, tapos itinaas ang dalawang kamay sa harap ng katawan niya na parang arms forward raise, at biglang iniyuko ang ulo. pinoy yon.

DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR

dengcoy miel's cartoon sa star

ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang “McBayan” ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan – sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.

I DON’T BELIEVE IN GOD, BUT IF I DID, HE WOULD BE A BLACK LEFT-HANDED GUITARIST

tatlong pelikula ang pinagpilian namin na panoorin ni jet last weekend:

1. Super Size Me. “[A] gripping, often funny, unfailingly gut-wrenching burp of a documentary about America’s fast-food industry and one man’s (his) greasy descent into its cholesterol-clogged bowels.” – James Adams, GLOBE AND MAIL

2. The Other Side of the Bed. “A satire of contemporary sexual warfare that leaves you smiling but also stung.” – Stephen Holden, NEW YORK TIMES

3. The Dreamers. “ang daming sex. tirahan ng tirahan, umaga hanggang gabi. ang galing, nagsikip tuloy ang pantalon ko” – BatJay, Singapore, SAMAHAN NG MGA MATUTULIS

eventually, “the dreamers” won. maganda kasi ang review dito sa singapore at gawa pa ito ng idol kong bernardo bertolucci. “I don’t believe in God, but if I did, he would be a black left-handed guitarist” – packingsheet, with lines like that, you can’t help but fall in love with this film. panoorin nyo ang “the dreamers”. it’s disturbing, exciting and full of sex. my kind of film. hehe. mamamatay nga pala silang lahat sa ending. bwahahaha.