Boka-Boka

‎”Kilya” – title ng pinaplano kong pelikula tungkol sa saranggolang boka-boka na tagilid ang lipad.

‎”Kanggarot” – title ng pelikulang ginagawa ko tungkol sa trumpong may topak.

‎”Pengyaw!” – title ng ginagawa kong script para sa action movie tungkol sa mga batang nagbabaril-barilan.

conundrum

bola-bola with sweet sauce o bola-bola with spicy sauce? singkamas na may bagoong o manggang hilaw na may bagoong? lumpiang sariwa o lumpiang prito? banana cue o kamote cue?

yan ang mga pinakamahirap na mga desisyon na kailangan kong pag-isipan nung 8 years old ako.

corruption

mayroon akong online training ngayon tungkol sa corruption, i.e., kung ano ito, kung paano ito malalaman at kung ano ang dapat gawin para maiwasan.

sabi ko sa boss ko, dahil sa experience ko sa pagtatrabaho sa asia-pacific, ako ang dapat mag train sa mga trainers.

instant karma

may limang police car na nakaparada sa labas kaninang umaga nung pumasok ako sa opis. mukhang may tumawag ng 911 dahil may nag-aaway na mag-asawa. nakita ko na hinuli ng mga pulis yung lalaking parateng nagsisigarilyo sa ledge, kung saan pumapasok sa bahay namin yung usok. instant karma?

parati ko kasing sinisigaw, every time na maka amoy ako ng usok, na kung talagang may diyos, sana patigilin na niya sa kakasigarilyo yung kapitbahay ko dahil ayokong magka lung cancer.

rain

nung dumalaw ang mommy ko dito sa california para magbakasyon, tamang tama na may bagyo, kaya siyempre pinagyabang ko na may bagyo sa california.

“bagyo?” ang sabi niya na medyo sarcastic ang dating, “parang ihi lang ng sanggol yang ambon na yang tinatawag ninyong bagyo.”

balbon

matagal na niyang pinaghihinalaan na ang dahilan ng pagtubo ng buhok sa kanyang tenga ay sanhi ng masamang guhit ng tadhana. pag tahimik sa gabi at mayroon siyang pagkakataong magmuni-muni, parating pumapasok sa isip niya ang matagal ng sinasabi sa kanya ng kaibigan niyang si mario: “pwede mong piliin ang iyong mga kaibigan”, ani ni mario sa kanya, “pero iisa lang ang ina mo”.

sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng maging nanay, ang natapat na maging nanay niya ay balbas sarado.