BUS! Magic Bus!

pinakauna kong pag-gunita: dalawang taong gulang, pilit binubuo ang laruang bus habang nakapalibot sa akin ang pamilya sa silid tulugan ng aming munting bahay na bato sa kalye villaruel, lungsod ng pasay.

Magic BUS

Happy Birthday Mylabopmayn

happy birthday, mylabopmayn.

alam ko, yung nakaraang taon ay medyo mahirap dahil sa lahat ng nangyari kaya ang hiling ko, sana mas maging masaya at bagong taon na ito para sa iyo. actually, kinaya mo naman lahat ng dumating at lumabas kang mas astig. reregaluhan sana kita ng bagong Wii kaya lang yung mga bwakanginang mga tindahan eh out of stock lahat. makilaro na lang tayo sa kapitbahay habang naghahanap ako. in any case, happy happy birthday.

with so much love,
jay

With a love so hard and filled with defeat

binalita ng mommy ko kahapon na lumayas daw yung kanyang long time assistant sa bahay kamakailan tangay ang dalawang libong piso na dapat ay pang tuition ng apo kong si TJ. may bago raw itong bopyren na may drug habit at kinailangan yung pero pambili ng kung ano man yung ginagamit ng kumag. gusto kong hangaan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig. sa isang banda ay gusto ko rin siyang kutusan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig.

ang perfect example ng love is blind ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”

Won’t you meet me out in the moonlight alone?

pag sanay ka na may katabi sa higaan ay medyo mahirap pag bigla itong nawala. iba ang tulog ko pag duty si jet ng pang gabi. nagigising ako parati sa madaling araw at hindi ako agad nakakatulog. minsan nanonood na lang ako ng mga late night soft porn sa cable TV o kaya ay nagbabasa ng burikak na bastos magazine. pero kadalasan ay pumipikit na lang ako at hinihintay ang pagbalik ng antok.

after 17 years kasi na pagsasama, hinahanap hanap mo na yung mahinang hilik at yung katawan na nakaakap sa iyo habang pareho kayong nakatalukbong sa kumot. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman ng isang taong biglang nawalan ng asawa.

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 3

nag graduate ako ng engineering nung summer ng 1988. buhay pa ang daddy ko nung time na yon and in fact, nag blowout siya ng dinner after the graduation ceremonies sa PICC. nagpunta kami sa isang seafood restaurant sa ermita, tapos nag order siya ng malaking sweet and sour na lapu-lapu. habang kumakain kami…

DADDY: oy, dahan dahan kayo sa pagkain ng isda, ha!

AKO: bakit po?

DADDY: eh baka matini.. [FUNNY NOISES, UBO, UBO]

AKO: ano pong nangyari sa inyo?

DADDY: natinik ako.

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang “circle game“, naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can’t because he’s gone forever.


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “circle game” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading

I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan – takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.
Continue reading