PUTRAGIS

mga bagong biling pelikulang DVD na nakaabang at di mapanood dahil sa sobrang antok… minority report, bourne identity, XXX, my big fat greek wedding, proof of life, beetlejuice, casablanca, bankok haunted, 9 1/2 weeks, lolita, ballistic, road to perdition, signs, notting hill, die another day, (para ka namang) the others, iris at in the bedroom.

oo nga pala, sama mo na yung putragis – hehehe… filipino for “poltergeist”.

PEACE AND QUIET

ngayon lang nabakante ang flat namin. since chinese new year kasi eh maraming mga bisita ang pumunta rito. ngayon, may peace and quiet na. sarap nga eh. kaming dalawa na lang ulit at tahimik na’t malinis ang buong bahay.

kakadating ko lang galing sa opisina. eight thirty – wow, sobrang ot ah. sa tutuo lang eh pagod na ako. nararamdaman ko nang mga symptoms eh… short attention span, medyo feverish, at nanlalata nang mga kamay at medyo nanginginig pag itinaas. di bale, 2 araw na lang at weekend na. makakatulog na akong matagal at di na masyadong mag-iisip. in the meantime – meeting bukas ng 7:30 ng umaga, training till lunch, lunch meeting, training ulit at dinner with guests sa gabi. friday? training pa rin. hirap maghanap-buhay.

ngayon alam ko na kung bakit bihirang mag-hire ang mga engineering companies ng mga taong above 40 years old – ang laking bagay ng stamina na dala ng kabataan.

ADOBO POWER, PART II

naalala nyo pa ba yung kwento ko tungkol sa adobo two days ago? kagabi kasi, sinerve ni jet yung natirang adobo sa mga bisita namin. hehehe… hit na hit ito sa mga instik. ang sarap daw – wala ngang natira doon sa tira namin. ahh… kahit ano pang mangyari sa pilipinas, di tayo papahuli sa pagkain. adobo at kanin lang eh pamatay na sa mga banyaga. hehehe…siyempre, depende iyan sa adobo kasi not all adobo’s are created equal. may nagpapanggap lang na adobo at mayrong tunay na adobo. yung kay jet eh tunay yon at talaga namang masarap.

SOMEONE TOLD ME LONG AGO

calm before the storm ngayon dahil nasa training ako. in two weeks time, i’ll be travelling again. this time to india for a week’s visit to delhi and possibly mumbai. all hell will break loose then as i have to prepare for a series of trips all over asia for a major show. all in all not bad really – at least, magiging busy ako. by the time i am through, it will be june at uuwi kami ni jet sa maynila.

maynila, maynila…

CHILI CRABS

Singapore Pepper and Chili Crabs – sa sobrang sarap, mapapa-shit ka!

ano bang silbi ng pagpapakasipag sa isang bayang inampon, malayo sa sariling bayan at di nakikita ang mga mahal sa buhay? para makaipon ng pera para makauwi paminsan-minsan. para makapagbakasyon sa mga ibang lugar. mahirap na masarap ang magtrabaho sa ibang bansa. magkasabay kang turista at empleyado. marami rin mga komplikasyon. ang pinakamagandang payo siguro na maibibigay ko sa sarili ko eh to simplify my life.

Continue reading

ADOBO POWER

linggo ngayon ng gabi sa singapore. umalis ang mga bisita namin para kumain at magshopping. dalawa lang kami ni jet dito sa flat. masaya – tahimik eh. at saka may oras na akong magpahinga kahit papano. maaga kaming natapos kanina sa training. sarap ngayon ng aking free time. madilim na sa labas, pinapanood ko si bata reyes sa star sports habang hinihintay na maluto ang kanin. nagluto si jet ng adobo at sigurado na marami akong makakain ngayon. sarap…bukas, kayod na naman pero matagal pa iyon eh. ngayon, lalasapin ko muna ang baboy na may halong taba, malinamnam na sarsa at mainit na kanin.

WORK BLUES

12 days non-stop work…6 days to go before i can rest. ano pa bang masasabi ko, di naman ako pwedeng mainis dahil may trabaho at tungkol sa trabaho ang ginagawa ko. mas mahirap kung walang trabaho at tambay lang ang inaatupag. bad yon.

kaya eto ako, ala-una ng madaling araw at nag-aaral ng sasabihin ko sa madlang people bukas… este mamaya pala.

NOT IN MY NAME

the united nations daw risk being a footnote in history if they do not agree to the us and uk’s terms to wage war in iraq. damn, such fucking arrogance. kaya maraming naiinis sa kanila eh. porke sila ang pinakamalakas na bansa sa mundo, akala nila pwede na nilang i-bully lahat ng mga maliliit na bansa.

Continue reading

EAT CURRY FISH HEAD, OR GIVE PEACE A CHANCE!

ok… now that i have rested, i think that i can think a lot clearly now. di ako nakatulog agad pagdating ko kahapon dito sa singapore from japan. naidlip ako ng mga 6 am at nagising ng 7 am. isang oras lang na tulog at back to work na nanam.

mabilis ang takbo ng mundo ko ngayon. maraming bisita dito sa singapore at kung ano-ano ang ginagawa ko’t kung saan-saan ako napupunta. kagabi nag-dinner kami ni jet kasama ang sangkaterbong mga bisita galing sa australia, china, thailand at indonesia. masarap pag multi-national ang kainan, iba-iba ang salita at iba-ibang paraan ng pagkain. siyempre, pag multinational na grupo kayong kumakain, ang pag-uusapan ninyo ay ang pagkain sa inyong sariling bansa.

Continue reading