hello mylab.
kamusta ka na? miss na kita. sana narito ka rin sa singapore dahil mas masaya sana kung kasama kita rito. nakita ko ulit ang mga kaibigan natin nung isang gabi. kumain kami sa kiong siak ng fish head curry at yung paborito nating shrimp paste fried chicken.
tapos the other day, pumunta kami si office at napadaan sa dati nating tinitirahan. nakita ko yung neighborhood at yung mga kalyeng nilalakaran natin nung dito pa tayo nakatira. nakita ko rin yung blue mosque sa likod ng bahay natin, yung school sa tapat nito at yung loyang point na madalas nating binibilhan ng grocery. bigla lang akong nalungkot. ewan ko ba. pakiramdam ko kasi, bisita na lang ako rito – wala nang claim of ownership sa lugar na itong minahal natin ng husto.
tawag na lang ulit ako mamaya. pahinga ka na.
lab U!
jay
p.s. nag email nga pala sa akin si emman na taga philippine daily inquirer – lalabas daw bukas sa global pinoy section yung interview niya sa akin tungkol sa libro at pagiging OFW. magpapabili ako ng copy sa mommy. sabihan mo rin ang mga taga jordan na bumili ng sunday inquirer bukas.
Like this:
Like Loading...