nasa vegas ako nung thursday at friday, hindi para manood ng boksing ni pacquiao. may kinausap lang akong customer na isang sikat na hotel sa strip. tinanong ko sa engineer ng hotel kung gaano kalaki ang requirements nila sa kuryente. ang sabi sa akin eh yung energy requirements daw ng kanilang complex ay equivalent sa isang bayan na may 200,000 residents. bwakanginangyan, ang laki ‘no?
gusto ko ang las vegas dahil kahit saan ka pumunta ay puno ito ng mga pinoy. nagugulat nga yung mga kasama ko sa trabaho dahil ang dami ko raw kaibigan doon. hindi nila alam, puro mga kababayan lang ang mga katsikahan ko. malakas kasi ang pinoy radar ko at lahat ng makita ko sa kalye, casino at airport ay binabati ko at kinakausap. wala pa akong naka-encounter doon na pinoy na hindi ako pinansin. patunay lang na hindi parating tutuo na masama ang turing sa amerika ng mga pinoy sa kapwa pinoy.