Nemesis Hypothesis

ano kaya kung bigla na lang nag decide na umuwi sa pilipinas ng sabay-sabay ang lahat ng labingisang milyon na OFW na nakakalat ngayon sa kung saan saang singit ng mundo. babagsak siguro ang world economy, no? sa hong kong at singapore lang siguro, libo-libong mga manager ang hindi makakapasok sa opisina dahil walang mag-aalaga sa mga anak nila. 

speaking of singapore, naisip ko rin – kung mayroon lang sana sa pilipinas na matinong gobyerno na tulad ng sa singapore, tapos sabayan pa ito ng pag-uwi ng lahat ng mga OFW, siguro mas maunlad pa tayo kaysa sa japan in a few years time.

kaya lang, malabo ata itong mangyari. kaya nga minsan, gusto kong hilingin sa diyos na sana may bumagsak na malaking comet sa pilipinas. delubyo lang ata kasi ang kailangan para mabago natin ang takbo ng bansa. kailangan mamatay muna lahat ng mga pinoy para yung papalit sa atin ay makapagsimula ng walang bad habits. sa madaling salita: walang corrupt, walang tamad at walang mahilig manood ng mga korean telenovela.

54 thoughts on “Nemesis Hypothesis

  1. Merong tambayan nang pinoy dito. Lahat nang kailangan mo (electronic, electrical, groceries, dry goods at ginto) nandito na. Karamihan nang may-ari nang shops marunong mag tagalog. They have only one nationality as client in mind, ang Pinoy. If all the pinoys umuwi nang Pinas, bagsak ang lahat nang negosyo dito and somehow this will have a domino effect. It will affect the city and maybe the nation in someway.

  2. dapat isakay silang lahat sa sulpicio.

    pero kung uuwi ang lahat ng OFW sa pilipinas, tingin mo kaya kakasya tayo? palagay mo? hehehe. =D

  3. the end justify the means. a machiavellian way indeed. palagay ko, di papayag ang simbahan sir.

  4. “para yung papalit sa atin ay makapagsimula ng walang bad habits. sa madaling salita: walang corrupt, walang tamad at walang mahilig manood ng mga korean telenovela.”

    Ouch, two out of three tinamaan ako. ^_^

  5. sir apollo: kahit naman hindi pumayag ang lahat ng simbahan sa pilipinas kung babagsak yung kometa wala na tayong magagawa end of days na talaga hehehe joke!!!!!
    kung dna pa rin ng lumang pinoy ang ipapanganak pagkatpos tunawin ang pinas feeling ko ganun din ang mangyayari kasi naka-imbeed sa dna natin ang katamaran at utak talangka(unless of course i-alter ang dna at kumuha ng mga pampaunlad na katangian ng ibang lahi)tapos ipanurture sa ibang lahi saka ibalik sa pinas(teka hindi na to masyadong makatotohanan)
    kung magbabalik tanaw kasalanan to ng mga kastila ang titinding bad habits na iniwan nila satin,imagine 300 yrs of bullsh***… naiisip ko minsan pano kaya kung hapon naman ang sumakop satin ng ganon katagal pano na kaya ang buhay natin? maunlad kaya tayo katulad nila ngayon?

  6. palagay ko magiging problema dahil tataas by 50 percent ang population density..ang magiging ratio nito siguro ay 100 persons per square kilometer. Moreover, makakaapekto rin to sa population rate dahil madalas magkikita kita ang mga miyembro ng household.

  7. maganda ang status ng pinas nung 50s and 60s.

    i believe nagsimula ang decline nung time ni marcos, who is considered by many as genius.

    kung si makoy lang ay naging diktador sa positibong paraan, we would be enjoying a tiger or even dragon economy by now.

    tama ka, maybe kailangan ng pinas ay isang extraordinary radical event para magbago, and i hope it would come, whatever it is, in due time.

  8. ano naman mapapala kung lahat magsi-uwi-an? prang nag harakiri lng tau non. pare-parehas tau lulubog ksama ang taga ibang bansa.

  9. mas maigi siguro pare kung lahat ng OFW meron itatayong KOMPANYA sa pinas para mag palago ng PERA at para lahat ng OFW kikita habang nasa ibang bansa.

  10. si JOCJOC Bolante ang pa uwi-in ninyo sa Pinas at babalatan natin ng buhay. gawin nating tao-tao sa palayan at pagpraktisang tiradorin.

  11. pongpagong: extraordinary radical event – kung may diyos lang talaga eh di sina matagal nang umulan ng palaka sa maynila.

    ray: ok lang na tumaas ang population density as long as may zoning laws. in fact, kung managed maigi ang mga cities, it’s a more viable alternative to the suburbs.

    usagi: kasalanan ng mga kastila, ng simbahan, ng geography. that may be true kaya lang.

    gail: korean telenovela? latin american telenovela? 😀

    apollo: di naman hihingi ng permission ang delubyo sa simbahan pag dumating ito sa pilipinas.

    RJ: 21 million? madali lang itong pagkasyahin. sa luzon lang, pwede na itong ilagay. kung matino ang pagpalakad sa pilipinas, mabilis itong magiging productive.

    BV: middle east, singapore, hong kong – yan ang mga unang babagsak pag umuwi ang pinoy labor force.

  12. hindi ba US, Pa? sa health care industry lang, palagay ko all hell will break loose pag nawala ang Pinoy. Ang forecast kasi nila, the nursing shortage will reach 1M by 2020.

  13. oo nga mylab. sa hospital niyo lang, pag nawala yung mga pinoy nurses, baka hindi na ito aandar.

    hmm… pwede kaya itong gawing pang bargain ng salary?

  14. naalala ko tuloy ang laging sinasabi ng biyenan ko kung pano mababago ang pinas… exactly what you have described above. yon lang daw ang solusyon, mawala lahat ng pinoy sa bansa para makaumpisa ng matino.

    btw, been a lurker for so long (from vancouver, ca)… i just needed to chime in on this one.

  15. hey zoi.

    mukhang matalino ang biyenan mo. at siguro nabasa rin niya ang noli me tangere. matagal na rin kasing hiling ni pilosopo tasyo na magkaroon ng delubyo dahil ito lamang daw ang solusyon. sabi niya kay ibarra sa chapter XIV ng noli…

    “Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo… “

    ingat,
    jay

  16. ang mwala lhat ng tao sa pinas at mapalitan ng mga taong mas maka2long sa bansa,lumubog nlng kya ang pinas tpos litaw ulit,

  17. sir batjay wag naman ang mahilig sa korean telenovela. nyahahaha!

    pero i agree dun sa delubyo.. yan na lang yata ang way para umayos na Pilipinas. haayyy walang pag asenso. 😦

  18. wala ka rin kasiguruhan kung papatayin mo lahat ng nasa pinas para makapagsimula uli, hindi nangangahulugan hindi mau-ulit ang nakaraan.

    sa puntong nangangailangan ng mahusay na pamumuno ay agree ako duon. bakit ba sa ibang bansa matino ang pilipino, sa palagay ko dahil matino ang nagpapatupad ng batas. tumawid ka nga lang tulay papasok sa subic eh masunurin agad ang nagmamaneho sa batas trapiko.

    sa pagkakaroon ng diktador ay hindi rin ako sangayon. hindi kasi tinuturo sa eskwelahan masyado ang the republic, pero panahon pa ni socrates, plato at aristotle ang style sa pag-apila ni marcos na makatarungan ang ginawa niya para mai-ligtas sa mga communista ang pilipino. sa gen x siguro mas makaka relate sila sa ginawa ni emperor sa star wars episode 1 to 3

    wag lang sana natin tignan lang ang problema, para sa akin aminado ako maraming problema na nakakainis, pero meron din naman improvements. medyo optomistic pa ako na darating ang panahon magbabago din at uunlad ang pilipinas ng walang higanteng kumeta na tatama dito. kasama na rin dun ang panalangin na sa tingin ko ay papayagan ng simbahan kung sasamahan din ng gawa sa sarili natin

  19. pongpagong: i totally disagree with you regarding your perception that what happened to our country started with marcos??? on the contrary, marcos started almost everything to keep the philippines at par with the rest of our asian neighbors: for example
    1. when he declared martial law, wala kang nabalitaan na patayan, holdapan, rape or even a simple nuisence na lasing na nagwawala sa kalsada. there was even a time na when lim seng (convicted drug lord) was shot in fort bonifacio by firing squad, all the drug lords lalu na ung triad gang and bamboo gang left the philippines in a hurry. and what do we have now??? drug lords moving freely doing their illegal trade here and to top it all even established their own shabu laboratories here so they can supply their produce to neighboring countries?
    2. marcos established PETRON. for what purpose? so it can give big oil companies like shell, caltex and mobil stiff competition on oil price thereby protecting the filipinos and the philippines as a whole from unscrupolous price increases from these big 3 companies. how? by buying from other oil source and not dependant from OPEC countries which by the way saudi arabia is a member. by buying from other sources, it can effectively compete with these companies in terms of prices. what did our dick heads done??? they sold PETRON and who is now at the helm? a saudi arabian guy. do you think PETRON will buy their oil from another source? to add more salt sa nagnanaknak na sugat, the dick heads deregulated the oil industries para daw meron competition? para bang sinabi na iba-ibang source ang kinukunan ng big 3 oil companies. how stupid these morons are…kaya nga merong cartel ngayon.
    3. marcos established OPSF (oil price stablization fund). what was the purpose??? to cushion up sudden oil prices movement. the morons repealed the law and what do we have now? unabatted oil price increase on a weekly basis.
    4. during marcos, we have developed and perfected masagana rice and i don’t recall our country having rice shortages as huge as what we are having right now. now, we resolved in importing rice from countries we just taught rice planting in the past.
    5. at the height of marcos time, corruption was also present but what i heard was that he instructed his people that when there is a gov’t project, they should only take 10 centavos per one peso and give to the people 90 centavos because “wala naman kayong puhunan diyan kundi laway”. that is if it is true. is that whats happening now?

    i can go on but i don’t want to sound like a marcos loyalist but marcos is not a bad person as other people perceived he was. compared to the presidents that these country had after him, marcos has a vision, has a dream, love this country, has ambition to make this country great.
    lets just pray and hope that it is not yet too late.

    tol jay, sorry kung napahaba ang comment ko. nadala lang ako but i am not a marcos loyalist (true!).

    all the best…..bong

  20. Hanga naman ako na mukhang idolo mo si Ka Pepe… mukha kasing iilan na lang ang nakakaalam o nakakaalala ng kahalagahan ng halimbawa niya. Nasabi ko ito kasi sumusulpot siya paminsan-minsan sa mga lathala mo.

    Of course I know you recognize his faults too… you’ve made comments na chickboy siya… ay hindi ko pala alam kung kino-consider mong fault yon:)

  21. kailangan natin ng diktador na hindi korupt at may bisyon may kamay na bakal pero hindi kriminal na gaya ng politiko dyan na may kamay na bakal na may bahid naman ng dugo ang kaliwang kamay. ibat-ibang kultura kasi dito sa pinas di gaya sa singapore na isang kultura lang at di over populated na gaya ng pinas ,tangna kasi mga pari dito nakikialam sa family planning na programa, sa totoo lang iyong kanta ni heber na buhay pinoy relevant pa rin hanggang ngayon…ganyan ba talaga ang buhay ng pinoy …isipin niyo!

  22. sa totoo lang yang relihiyon na yan ang isa pa sa mga nagpapahirap sa ating bansa. Ewan ko ba, ang hilig makisawsaw sa pulitika ng simbahan dito sa Pinas. Mabuti na lang etong si Gov Fr Panlilio ay maayos naman at hindi corrupt. Kung ipagpapatuloy pa nya ang kanyang matinong gawain at gagayahin ng lahat ng opisyal ang kanyang halimbawa, maari na sigurong magsiuwian ang mga OFW sa Pinas. Speaking of OFW, magiging OFW na rin ako in a few months.

  23. if the billions of dollars MARCOS pocketed are just ten percent of what they gave the filipino people, then why we are still poor DURING his term? or baka 90% yung binulsa tapos 10% ang ibinigay kay juan.

  24. bong a. if there’s one filipino whom i knew and liked to be installed as our leader (even to be a dictator at that) ‘twud be none other than marcos himself. but a big caveat is that he should at least, also try to possess the good qualities of his immediate predecessors (magsaysay, garcia, macapagal).

    nanghihinayang lang ako dahil despite of his brilliance, nalugmok sa kahirapan ang pinas, at ang pakiwari ko yun ang turning point sa pagbulusok at pagbagsak ng pinas na hindi pa rin makabawi hanggang ngayon.

    you have a few valid points as to some of marcos’ achievements. in fact i used to ask anu na nga ba ang nangyari sa masagana 99 at sa bnpp?

    ito ba ang sagot?
    http://www.larouchepub.com/other/2008/3520wto_v_philippines.html

    at ang malaking tanong, pilipino lang ba ang may kasalanan sa kanyang kahirapan?

  25. fafa, ayaw ko!!!!!!!

    paano na yung mga pampangkin ko at mga syofatiders ketch???? intayin mo munang makapunta sila sa canada tapos pwede na pasabugin ang pinas. hehehehehe

  26. oo nga ninang – pwede bang yung mga gago na lang ang maapektuhan ng delubyo. kung tutuong may diyos, kaya naman niyang gawin yung ginawa niya sa egypt di ba?

  27. bossing, may kumakalat nga palang e-mail na may prediction na earthquake sa pinas on 18th of july. malay natin kung magkatotoo pero wag pa din sana.

  28. hi Ukyel, i was going to say, although it’s radical and necessary….(may be inevitable)….sana iligtas yung mga mabubuting tao, kasi i know for sure meron pa ring mabubuting tao sa pinas…..(crossing fingers). oh, im having fun! don’t take me so seriously.

    ….di ba sa Sodom and Gomorrah, meron nakakuha ng pass pero yung worldy wifey ni Lot na maliligtas na nga lumingon pa so di na rin sya naligtas….yung ganun scenario na lang…hahaha!

    enjoy your 4th of July celebration!

  29. kelan nga kaya mare reverse ang brain drain ano? Sana nga mangyari kasi ang daming magagaling na pinoy. Actually, hindi lang naman ang mga politiko ang bwisit. Minsan mga mamamayan din na wala nang ginawa kundi ang uminom, umistambay at kung anu ano pang kabalbalan. Magmaneho lang ng tama e nanggugulang pa eh. Paano tayo aasaenso? The change should begin with everyone.

  30. o kaya may isang virus na ang tanging inaatake lang eh yung may Pinoy DNA para kahit nasaan man sila siguradowng teypowk.

  31. kkatakot naman yan delubyo na yan, kelangan maalis lng tayo sa spanish culture if u remember rizal’s indolence of the filipinos, bakit k nmn magtrabaho mabuti kung mga politiko ang bwisit na makinabang sa tax money . hindi nmn talaga tamad ang pinoy as proven ng mga OFW nagbubunga ang effort, kelan nga kaya mare reverse ang brain drain ano? ipadala yung mga politiko na korap sa abroad at mamuno ang mga professional.

  32. Nung una ang inisip na solution ay gunawin ang population ng pilipinas sa pamamagitan ng isang babagsak ng kumeta, ngayon naman isang napaka-hiwagang tagapag-ligtas sa pamamagitan ng isang diktador.

    Sa panukala sa mga achievements sa rehimen ni Marcos, bilang tax payer ay yun naman talalaga dapat ang trabaho ng public servant, pero sang ayon ako sa sinabi ni apollo na ang pagpapayaman sa sarili ay hindi na kasali sa usapan. at kung talagang napaka-husay niya eh bakit pa rin bumagsak ang ekonomiya nung panahon ng kanyang panunungkulan. paano ka nga naman makakbalita nuon ng baho niya eh controllado niya ang media at ang pwede lang ilabas ay pawang mga propaganda. magkano ba ang sweldo ng presidente sa 20 taon na panunungkulan at magkano ngayon ang claim ni imelda na ari-arian nila. sinong gago naman ang maniniwala na nakuha nila yun sa yaman ng yamashita. nagbayad ba naman sila ng buwis nun kung sakali nga. matagal ng amoy sunog yan kaya pwede ba?

    marami sa atin naniniwala na napaka talino ng pilipino, pero ang nakalungkot na ang mga problema na natukoy na sa panahon palang nila plato ay naloloko pa rin ang karamihan. hangang nagyon umiiral pa rin ang oligarchy na iilan na makapangyarihan pamilya ang nag-iimplwensiya ng policy ng bansa. bakit sa 87 million na population wala kang mapagpilian, at yun at yun pa rin ang mga political dynasty ang lumilitaw sa election

    Sa uri ng demokrasya natin ay yun pa rin ang natutukoy na nuong panahon na mob rule na napaka daling matangay ng matamis na dila. na kung ano ang husto sa pandinig o panlasa ay napaka-dali para sa isang “tagapagligtas ng tao” ay maging isang diktador.

    behind politcal problems lies the nature of man

    like man like state

    we need not expect to have better states until we have better men

    masakit man aminin ang gobyerno ay reflection ng ating sarili

    kaya ang pagbabago ay nasa atin

  33. tonyvalenzuela: brod, singapore is composed of 4 cultures namely; malay
    british, indian and chinese. try to get hold of their currency and you will notice that the wordings are traslated in 4 languanges. the only reason why singapore is wealthy is because their citizens has DISCIPLINE!!

    apollo: the billion dollars that marcos amased (as they say) are product of 20 plus years in power. buhay ka na ba during marcos time? well, kung hindi pa or toddler ka pa lang i will tell you during marcos time, he was responsible in connecting 2 islands faving the way for SAN JUANICO bridge,
    during his time, hindi palaging nagre-repair ng mga national roads dahil hindi substandards ang materials na ginagamit. ngayon, laging meron nirerepair dahil source of corruption ito. dito nga sa atin ang tila motto ng mga taga DPWH ay yung hindi sira eh sirain at ung sira na ay sirain pa lalu.
    now, we are hearing some people wants bataan nuclear power plant to open? god save bataan and its neighboring provinces. btw, BNPP was also one of the source of marcos billions (as they say).

    pongpagong: brod, sabi nga nakakalasing ang kapangyarihan. i believed marcos down fall started on his extended second term (just about 4/5 years after declaring martial law). many will agree that during his 1st term after beating macapagal in 1965, the philippines was a country to reckon with at we were doing much better a few years after proclamation 1081.
    we again had the chance to be great again after EDSA 1 but we let it slip away. to be great must start from within the citezentry no matter what kind of government the philippines has!!! chio

    tol jay, pacencya na ulit at medyo na carried away na naman ako. my regards to ma’am jet.

    all the best…..bong

  34. aysus, kung politikahan at relihiyon ang pag-uusapan, maski na abutin pa kayo ng 10 pages dito sa comments ni batjay ay walang mananalo. ginawa na naman ninyong forum itong blog ni batjay tsk tsk

  35. from comet to marcos….. i’m not a marcos loyalist and i was’nt around during macoy’s time but i try my best to see every side of the story. if im not mistaken nagkasakit na si marcos on his second term(hindi simpleng lagnat but the illness was’nt specified) and from what i understand kaya nagsimulang bumagsak ang regime nya is because of his cronies and his wife.. nalibang sila sa pagmamanipulate at pangungurakot…. but one thing is for certain marcos is a very intelligent man and has a strong sense of leadership so nakakahinayang talaga… as for his “pagmamalupit sa bansa”….isang masamang ugali ng tao na pag gumawa ka ng 10 mabuti 1 lang ang pinagbubunying tama at pag gumawa ka ng 10 mali 20 ang eekisan sayo..

  36. san juanico bridge? well, didn’t you know that it is just one example of a white elephant? sabihin na nating matibay sya pero many years after the bridge was constructed, very few vehicles has used that. as the people there says, more carabaos has crossed that bridge than cars. botomline: wasted money. come to think of it? naging source of income yan ng mga higher ups noon.
    yes i was a toddler when that bridge was constructed. but i know my history well.
    BNPP, well marcos commisioned here through his brother in law. fyi lang. up to now, the case is still in court.

  37. excuse me…andito pa ako at pamilya ko sa Pinas 🙂

    meron pa naman talaga dito trying their very best to keep it afloat. Although gusto na ng tatay kong humimlay dahil nga wala na raw pag-asa itong bayang Pinas.

    Once naka-usap ko si Irene Marcos at agree naman daw siya na dapat itali ang mga opisyal sa mga lugar na dapat nilang pag-lingkuran rather than sit in air-con offices. Kaya ayaw daw niya ng pulitika kasi mas-enjoy siya na maging isang private person. Sa luob ko lang, buti pa siya…dapat din siyang itali sa isang kubo para maintindihan niya kung anung nagawa ng yumao niyang tatay at buhay na nanay.

  38. In fairness eh super sipag ang mga pinoy ah… maski tingnan ninyo ang mga ancestor natin dahil sa sipag nila eh mas gugustuhin pa nilang magtrabaho ng ilang daang taon para patagin ang mga bundok na naging rice terraces ngayon samantalang mas madali yatang maglakad na lang papuntang kapatagan sa ibaba hanggang pampanga or bulacan para magtanim ng palay… hehehhee super sipag ang tawag dun o di ba?

  39. Dalawa lang ang gusto kong baguhin para mapaunlad ang ating bansa.

    Culture – If we could change our mindset and disregard all the negative traits nang ating kultura (bahala na, pwede na yan, clannish mentality. religous doctrines atbp).

    Education – If we could educate our citizen to at least in a level where they could think how an economy works and decide intelligently in choosing a good leader.

    Forget the past, stop pointing fingers to whose fault it was. Let’s have a clean slate. Sa totoo lang, we deserve the leader we elected.

  40. dapat pare merong malaking CRANE tapos e-angat ang pinas kahit mga kasing taas ng Mt. EVEREST tapos isa-isang ihulog ang mga salot tapos ilipat ang Pinas sa BANGLADESH o kaya INDIA.

  41. batjay,ganyan din sinabi ng prof ko dati sa UP, ang solusyon lang sa lahat ng Pilipinas ay isang nuclear holocaust, para pati kaugat ugatan na tumtubo sa lupa ng Pinas mapalitan na.

  42. masyado namang harsh yung delubyo.. ha ha. ok ako dun sa idea nung RJ. isakay ang mga namomolitiko sa sulpicio. 🙂

  43. Duon sa post mong nakaraan tungkol sa sulpicio nag-post ako nito:
    Ewan ko kung anong kinalaman ng Sulpicio sa sinabi ko. Dapat pala ni-save ko na lang para dito. Mas appropriate ata.. Anyway, heto ulit, medyo edited.

    —————————————

    Nung natuklasan na corrupt is Marcos, Ibagsak daw. Ibinagsak nga.
    Nung napansin na mahina si Cory, Ibagsak daw. Munting nang maibagsak ng mangilan ngilan din na pagtatanka.
    FVR’s time was quiet….
    Pero nung si Erap na, nung nahuling nagnanakaw, ibinagsak.
    Ngayon, si Gloria… ibagsak nanaman ang naririnig rinig ko…

    Pero ala din… nakakadismaya na. Kasi, anong mangyayari? Wala.

    …. bawat isa sa Pilipino ay may kasalanan sa pagkalubog ng bansa.
    Mula sa bawat estudyanteng nangongopya gamit ang text, hanggang sa BIR agent na nanghihingi ng lagay, hanggang sa mga shipping lines gaya ng Sulpico na hindi man lang maisip na wag nang mag layag pag grabe ang bagyo, sa pulis na nangongotong, sa taong naglalagay, sa may aso na hindi nililinis yung tae ng aso nila, sa may ari ng sasakyang smoke belching, sa estudyante ulit na naglagay sa ROTC kasi tamad at ayaw magtraining ng simpleng army drill, sa opiser na nagpapalagay…

    wala nang katapusan..

    Pagka kaya napalitan ang pamumuno, mababago na kaya?

    Magbabago na kaya yung mga mayor at kapitan na nangungupit sa kabang bayan? Mababago na kaya yung mga botanteng ibinoto si mayor o kapitan dahil sa impluwensya at pamilya imbes na dahil sa galing na leader? Titigil na kaya ang pag e-elect ng tao ng sikat na artista na naiboto dahil sa kasikatan? Mababago na kaya yung laman ng television at entertainment industry na puro intriga na lang at walang katuturan? Mababago na kaya yung mga magulang na imbes na i-babysit na matino ang anak, ginagawang babysitter yung videogames? Titigil na kaya tayo sa mga outdated na paniniwala at pamahiin? Matututo na rin kaya tayong wag makinig sa corrupt na leaders ng simbahan at sa wakas mag birth control na?

    Nakakaiyak na…

    Neutron bomb na nga lang ata ang sagot…

  44. hindi kelangan ng bansang ito ang mga trapong politiko na 18 taon na sa senado na sobrang katandaan di na makapagsalita ng maayos..o mga batang politiko na puro papogi at kala mo artista kapag humingi ng tawad sa mga nakalaban nun huling eleksyon. di rin natin kelangan ng mga rallyista na walang ginawa kundi sumigaw, manisi at magreklamo pero di marunong magbanat ng buto. di rin makakatulong ang mga empleyado ng gobyerno na walang ginawa kundi magtsismis at tumanganga habang oras ng trabaho. lalo na ang mga taong puro pansariling interes ang iniisip na walang ginawa kundi ang magnakaw at mandugas sa kaban ng bayan

    pero wala ng sisihan..umpisahan ang pagbabago sa sarili mo.bumoto ng tama, magtrabaho ng maayos at wag manlamang ng kapwa.sa huli lahat din naman tayo makikinabang.

  45. hindi kaya lumubog ang Pilipinas dahil sobrang madidikdik yung lupa at magdidikit-dikit, mawawala yung hangin sa gitna ng lupa, mamamatay ang mga bulate, bababa ang level ng lupa, tataas ang level ng tubig at babahain lahat ng wala sa bundok?

Comments are closed.