Racin’ with the wind

two weeks na akong nagbibisikleta papasok ng opisina. nag decide kasi ako na gagawin kong alternating ang pagtakbo at pag bike to work. nag-iingat lang ako dahil ever since nag basketball ako two weeks ago eh sumakit ang kaliwang tuhod ko. ok naman kasi mas low impact ang pag bike at mas mabilis akong nakakarating sa opisina.

medyo nakakapanibago lang. kasi, pag matagal kang nakaupo sa bisikleta, masakit yung part ng katawan mo na nasa pagitan ng butas ng pwet at betlog. ano na nga ba ang tawag dito?

Racin' with the wind

two weeks na akong nagbibisikleta papasok ng opisina. nag decide kasi ako na gagawin kong alternating ang pagtakbo at pag bike to work. nag-iingat lang ako dahil ever since nag basketball ako two weeks ago eh sumakit ang kaliwang tuhod ko. ok naman kasi mas low impact ang pag bike at mas mabilis akong nakakarating sa opisina.

medyo nakakapanibago lang. kasi, pag matagal kang nakaupo sa bisikleta, masakit yung part ng katawan mo na nasa pagitan ng butas ng pwet at betlog. ano na nga ba ang tawag dito?

MUSIC 101 – RUNNING ESSENTIALS

pitong kantang masarap pakinggan pag tumatakbo:

  1. think, aretha franklin
  2. rockin’ in the free world, neil young
  3. world wide suicide, pearl jam
  4. what’s the frequency kenneth, REM
  5. dani california, red hot chili peppers
  6. pay me my money down, version ni springsteen
  7. your wildest dreams, the moody blues

ewan ko kung bakit, pero lalong bumibilis ang takbo ko pag tumugtog ang mga ito during my run to work. siguro, yung rhythm ng kanta ay nagbibigay ng pitter patter regularity sa cadence ng bawat hakbang ng paa. hindi ako magtataka kung may magsasabi sa akin na masarap din itong patugtugin while having sex.

I thought that I heard you sing

pag ganitong tax season lumalabas ang kademonyohan ko at hindi ko tuloy mapigilang pag-isipan na itayo yung matagal ko nang binabalak na church group (i.e., “Saksi ni Phantom”).

maganda kasing negosyo ang religion: kailangan mo lang ay mensahe na kapupulutan ng aral at siguradong maraming tao ang lalapit at maniniwala sa iyo. para magbuo ng isang successful na simbahan, kailangan mo lang ng mga essentials, tulad ng:

  1. magaling na music ministry
  2. kaunting talent sa pagdasal (pray over epeks)
  3. isang sistema sa pagkolekta ng pera
  4. gimmick na wala ang mga ibang simbahan, katulad ng speaking in tongues na kunyare ay nasasaniban ka ng santo nino (“ala ala ala ala ala eh oh – mga kapatid, ako si santo ninyow!”)

Continue reading

Declare the pennies on your eyes

deadline ngayon ng pag file ng buwis dito sa america. siguradong maiinit na naman ang ulo ng mga taong tulad ko na kailangang magbayad ng karagdagang buwis over and above yung withholding tax na binabawas sa sweldo every payday. nakakainis nga, wala kasi kaming tax shelter ni jet. hindi pa kami nakakabili ng bahay at wala rin kaming anak kaya todo-todo (kasama pati pamato’t panabla) ang buwis na pinatong sa amin ni unkyel sam. buti pa nga yung mga TNT rito dahil tax free ang mga suweldo ng mga ulul.

THE GYPSY SWORE OUR FUTURE WAS RIGHT

dear FutureMe,

easter sunday ngayon, april 8, 2007. nag-iisa ako rito sa apartment dahil duty si jet at walang masyadong ginagawa kaya imbis na mag jakol ay sumulat na lang ako sa iyo. i’m sure you’re suprised to receive an email coming from a much younger you. nakalimutan mo na siguro na 20 years ago, bigla kang tinopak at sinulat mo ito, hoping that somehow, it will reach in you in the future.

it’s the year 2027 and you are now 61 years old. kung binabasa mo ito, rejoice! ibig sabihin ay malinaw pa rin ang mata mo and more importantly – buhay ka pa rin. packingsheet, how were you able to pull that off? nag work siguro ang pag hinto mo ng paninigarillo at hindi ka namatay dahil sa lung cancer.

Continue reading

Rage, rage against the dying of the light

nakikinita ko na… darating ang araw tatanda ako ng husto at lahat ng sentence ko ay magsisimula sa “ano kamo?” pagtapos, tutubuan na ako ng mahabang buhok sa tenga, lalabo na ang mata, magiging kulubot na parang betlog ang balat, malalaglag ang lahat ng ngipin, hindi na titigasan at magiging matandang utot (“old fart” in english).

Continue reading

Jack the Rabbit and Weak Knee Willie

during the past two fridays, sumasali ako sa lunch time pick-up basketball games dito sa office namin. hindi ko nga alam kung bakit ko naisipan maglaro ulit after 20 years. siguro, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kahit matanda na ako ay kaya ko pa ring makipag compete sa mga batang half my age.

Continue reading