dear unkyel batjay,
ako po ay isang 25 year old na lalaki na malapit nang ikasal. gusto ko lang malaman kung paano po ba pwedeng ipahiwatig sa magiging asawa ko na gusto ko pong makipag sex?
nagmamahal,
gentle reader
—————–
Continue reading
dear unkyel batjay,
ako po ay isang 25 year old na lalaki na malapit nang ikasal. gusto ko lang malaman kung paano po ba pwedeng ipahiwatig sa magiging asawa ko na gusto ko pong makipag sex?
nagmamahal,
gentle reader
—————–
Continue reading
sabi sa CNN, mas kaunti na raw ang nagmamaneho ngayon sa amerika.
“…in the first four months of this year, Americans traveled 40.5 billion miles less compared with the same period in 2007.”
napansin ko nga, etong nakaraang dalawang buwan, mas marami na akong kasabay sa kalye na nagbibisikleta. last year, halos ako lang an nasa bike lanes pero ngayon, marami na – bata, matanda, may ipin, wala. mataba, payat, babae, lalaki, parang babae na lalake, etc. it’s as if all of a sudden, biglang napuno ang orange county ng commuting bikers. yung nakasabay ko nga kaninang umaga, lolo na pero ang galing sa akyatan. iniwan niya ako nung paakyat na kami sa bundok.
nagluto ako ng sinigang na pork ribs at ito ang weekend special namin ni jet. masarap ang ribs dito dahil lean meat. hindi ko na hinahanap yung pork belly na puro taba na parati naming nilalagay sa sinigang nung nakatira pa kami sa pilipinas at singapore. wala na rin kaming sawsawan na patis. what a difference a few years make. dati rati, hindi ko palalampasin ang sinigang kung walang patis at baboy na maraming taba. pero iba na ngayon, under new management na kasi ang katawan ko. besides, at 42 years old, nagiging sakang na ang lakad ko na pag marami akong nakain na asin.
dear unkyel batjay,
anong po ba ang pinakamagandang oras para makipag sex?
nagmamahal,
gentle reader
—————–
Continue reading
isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.
ngayong umaga ay typical sa mga araw ng summer na hinihinling mo sa diyos ng mga bumbay na sana ay ma experience mo araw-araw. medyo malamig na simoy ng hangin galing sa pacific ocean, kaunting init pero hindi humid. ang sarap tuloy maglakad. mayroong mga maliliit na park in and around where we live na konektado ng mga running trail at ang typical sabado ko ay lakarin ito ng dalawang oras pagkatapos naming mag breakfast ni jet. sanity check ko na ito at pampababa ng blood sugar. exercise kasi ang isa sa pinaka importante para sa aming mga diabetic.
isa sa mga paborito kong larawan ni howlin’ dave, taken in his typical macho dj pose. kuha ito ni drea sa isang broadcast booth, a place that gave him comfort and purpose. happy birthday dante.
isa sa mga natutunan ko through the years ang mag tanga-tangahan minsan. sa buong professional life ko kasi, parati akong nasa vendor side. ibig sabihin – nasa grupo ako ng mga engineer na gumagawa ng mga produkto, as opposed to the other group na gumagamit ng produkto. kausap namin ay mga customer na kadalasan ay may kaunting superiority complex, kaya advantageous para sa iyo kung pakiramdam parati nila na mas may alam sila sa iyo, kahit hindi.
nabanggit ko na ba na kailangan mo ng simplicity para maging successful na OFW? ilang beses ko na nga ata itong naging topic kaya medyo nakukulitan na ako sa sarili ko minsan. naalala ko ito kasi mayroon akong kaopisina na lilipat from argentina to california this week. sigurado ako na tatanungin niya sa akin kung ano ang dapat gawin pag dating dito. alam ko na ang isasagot ko: simplify.
puerto rico is a fun place. maraming mga similar na characteristics ang lugar na ito sa pilipinas. dati rin silang sinakop ng mga kastila at naging colony sila ng amerika. in fact, hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sila kay unkyel sam. mixed race ng espanyol at african kaya mga tisoy rin silang tulad natin. maganda rin ang pag crossbreed kaya maraming kaakit-akit dito tulad ng sa pilipinas. mahilig din silang uminom, kumanta at sumayaw tulad nating mga pinoy. at mahilig din sila sa boksing. nakakatawa nga kasi yung mga ibang taga rito, mas alam pa ang stats ni manny pacquiao kaysa sa akin.
puerto rican: ah, you filipino?
ako: si senor.
puerto rican: you know manny pacquiao?
ako: he’s my next door neighbor in cotabato.
uuwi na ako ngayon pabalik kay jet. aga ko nga nagising dahil naihi ako sa sobrang excitement. nakunan ko tuloy ang bukang liwayway.