Oh my God, Sales the Lady!

BABY-IN-YOSI

sa singapore, pag bumili ka ng sigarillo, heto ang makikita mo sa kaha – sanggol na nag aagaw buhay. pero wala roong sumisigaw ng “oh my god, save the babies”. sa aking pananaw, mas malakas kasi ang tulak ng pagyosi kaysa sa pag intindi ng kalusugan.

Continue reading

BABY SEAT

ang isa sa paborito kong pinakikinggan na podcast ngayon ay ang lefsetz letter ni bob lefsetz. si bob (naks naman, on first name basis as if he’s my bespren) ay isang magaling na music critic at pareho kaming mahilig magmura. ang feature niya this week ay isang kanta ng barenaked ladies na, i hereby declare based on the facts that cannot be denied, ay bago kong favorite song – “baby seat“. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na discover ang kantang ito at ang bwakanginang saksakan ng galing na bandang gumawa nito. it’s everything i ever wanted in a song – intelligent lyrics (that will make you stop and wonder – hmm, why didn’t i think of that) and a catchy tune na kahit na maging biktima ka pa ng last song syndrome eh ok lang sa iyo.
Continue reading

RAGE AGAINST THE DYING OF THE LIGHT

naalala ninyo pa ba yung feeling ng being in your late teens to early 20’s? yung wild, reckless and free feeling na akala mo indestructible ka. yung kahit ano pwede mong gawin, tikman, hititin at subukan dahil alam mo walang masamang mangyayari sa iyo. invincibility – ha! hindi naman ako sumagad nung bagets ako although marami rin akong napag daanan. i did smoke a lot and i started early. for the longest time, gusto ko itong tanggalin but i didn’t have the will to stop it. when i was in my 20’s ang sabi ko ay i’ll quit by age 30. it came and went pero hindi ko nahinto. i finally did at age 38 and it’s one of the things i’ve done that i’m really proud of. heto ako ngayon at age 40, progressing into the “boring life”. no more smoking, less drinking, no more late nights. impak, my idea of a good time now is sleeping on the couch (probably snoring loudly) habang naka unan kay jet who is laughing heartily at enjoy na enjoy sa panonood ng mga sintunado sa american idol.

Sunrise doesn’t last all morning

around this time last year, umuwi kami sa pilipinas ni jet kasi 80th birthday party ng mommy ko. medyo masama ang pakiramdam ko nung time na yon dahil 2 days nang sumasakit ang aking tiyan. akala ko eh bulate lang o kaya impatso. i will find out later na hindi pala at kahit anong dami ng inumin kong combantrin eh hindi ako gagaling. my dear brother en sister, exactly one year ago today, pumasok ako sa hospital para magpatuli dahil sumabog ang appendix ko. at kasabay nito ang paghinto ko sa paninigarillo. en teyk nowt, huminto ako ng cold turkey baby, cold turkey. major milestone sa buhay ko talaga yan kasi i’ve been a smoker for over 20 years and have been trying to quit for the longest time at hindi ko magawa. parati na lang akong may excuse – kesyo maraming pressure sa trabaho, kailangan ko sa pag entertain ng mga customers, kesyo masarap tumae pag naninigarillo, etc. etc. my dad and my brother died of smoking related illnesses and i knew that if i didn’t stop, i’d probably die from it as well someday. there’s nothing like being hospitalized to make you start thinking about your mortality. perhaps, that was the reason why i was able to stop – i didn’t want to die just yet. happy anniversary to myself. bilang regalo sa sarili ko, bibili ako ng isang kahang marlboro reds. BWAHAHAHAHAHAHA.

Drink with me to days gone by, To the life that used to be

“A team from the University of Santiago de Compostela in Spain found each glass of red wine a day reduced the risk of lung cancer by 13% compared to non-drinkers.”

hmmm… interesting na balita. ano ang ibig sabihin nito? na pwede na ulit akong bumalik sa pag sigarillo as long as maging alcoholic ako. what’s next? bagong findings na nagsasabi na makakatanggal ng wrinkles ang pagkamot ng betlog. na gamot pala sa high blood ang pagkain ng chocnut. na nakakataba pala ang pag-inom ng tubig. aray. seriously, the only way to lower the risk of lung cancer is to stop smoking. period. incidentally: ngayon nga pala ang ika-limang buwan ng aking paghinto sa pag yosi. parang ang tagal na pala ano – truly, a life that used to be. a toast then: to past lives and brand new days. salud! cheers!

KAMPAAAAAAAAAAAI!!!

THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE

WARNING: TOBACCO SMOKE CAN KILL BABIES

simula august 1, 2004 ay nakapaskil na sa lahat ng kaha ng mga sigarillo dito sa singapore ang iba’t ibang graphic pictures ng masamang epekto ng smoking. talaga namang nakakabagabag ng puso. yung kuha ko rito ay isang still born baby na agaw buhay. part ito ng shock campaign ng gobyerno para patigilin na ang population na manigarillo. buti nga. pero ewan ko kung effective ang bagong campaign na ito. sabi ng mga kausap kong smokers, wala rin daw effect. gumanda pa nga raw ang kaha dahil nagkaroon ng picture. hehe. mga ulul. huminto na kasi kayo eh.

Continue reading

‘CAUSE TRAMPS LIKE US, BABY WE WERE BORN TO RUN

kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.

Continue reading