memories in bits and pieces, part 2

mom and dad, probably around 1964 during the 18th birthday of their eldest daughter, my sister gigi. my dad looks good in his barong and my mom is in her usual very pretty self.

i will be born a year or so later.

Saba Di Ha!

hindi lahat ng saging ay pantay-pantay. kung saging na saba rin lamang ang pag-uusapan, pinkamasarap pa rin ang dito galing sa bayang magiliw. di ko alam kung bakit, pero lahat ng may phallic shape na pwedeng isubo sa bibig ay masarap dito sa pilpinas.

sabi ni pastor mang boy, ito raw ay patunay na ang diyos ay pag-ibig.

korean kimchi memories

isang linggo na akong nakatigil dito pero ngayong gabi ko lang nalaman na mayroon pala kaming HBO sa bahay. simula kasi umaga, hanggang gabi eh pinagpatong-patong na balita at telenovela and pinapanood dito sa casa angela.

naiinis na nga sa akin ang mommy ko, kasi ginagawan ko ng sariling bastos na dialog ang mga koreanong umaarte sa telebisyon. kadalasan kasi ang plotline ko ay tungkol sa paglagay nila ng kimchi sa pwet.

senior citizen aerobics

mainit sa basketball court nung martes ng umaga pero parang hindi ito napapansin ng mga miyembro ng senior citizens club ng villa marcos. sa katunayan, handang-handa na sila sa kanilang lingguhang aerobics class.

limang minuto pagkatapos nilang magsimula ay biglang dumating si aling kres. agaw hininga ito at paiyak niyang isinigaw: “patay na si manang saturnina. inatake siya sa puso habang naliligo kanina!”

nahinto ang aerobics bigla at parang isang barangay silang sabay-sabay na humagulgol sa iyak. kasama kasi nila si manang saturnina at sa maraming pagkakataon pa nga eh siya ang promotor ng kanilang mga aktibidad.

pagkatapos ng animo’y walang katapusong pag-iiyak eh dumating naman si celia, agaw hininga rin at halos mawalan ng malay. “hindi pa patay si manang saturnina” ang sabi niya, “malubha pa lamang daw at agaw buhay sa lanting general hospital ngayon”

nangiti si rosanna at pasigaw na sinabing, “yehey, tuloy ang aerobics!”

mangga sa talipapa

my mom’s mango tree.

hitik na hitik sa bunga pag summer. hilaw pa lamang eh pwede nang isawsaw sa bagoong. pag nahinog eh sobra ang tamis.

kasabay kong lumaki ang punong ito. para ko siyang bunsong kapatid.

mga munting dalaw

kung minsan, ang tingin ko sa mga munting dalaw sa mga kaibigan ko’t kamag-anak sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay tulad ng pagbagsak ng maliit na bato sa karagatan. bigla na lang kasi akong sumusulpot sa buhay nila’t bigla ring mawawala.

Super Duper Fish Head Curry at Kok Sen

lumipat na ako sa amerika pero muli kong binabalik-balikan ang aking pinakamamahal na fish head curry sa kok sen.

dumating kami ngayong gabi at punong-puno ang restaurant pero yung auntie na hindi ako nakita ng tatlong taon ay bukas kamay na sumalubong, nag bigay agad ng lamesa at alam na agad niya kung ano ang gusto kong kainin. hindi nagtagal at naluto na rin ang inorder, kakainin namin ito sa labas ng kalye, pinapawisan dahil sa anghang pero enjoy na enjoy.