santong kabayo

ang balitang matunog ngayon dito sa los angeles ay tungkol kay cardonal mahoney na nagtakip sa katarantaduhan ng mga pari niya sa LA ardiochese. di ko alam kung bakit may naniniwala pa sa diyos na pumapayag na gahasain ng mga kaparian niya ang mga musmos sa pangalan niya.

Your old road is rapidly aging

naghihintay pa rin ako ng progress report tungkol sa nireklamo ko na racist employee ng philippine airlines. pagkatapos nilang sumagot doon sa mga una kong sulat ay bigla na lang tumahimik lahat. 7 weeks na ang nakakaraan at wala pa rin akong naririnig kung ano na ang nangyari doon sa bastos nilang empleyado sa los angeles international airport. nagtatrabaho rin ako sa isang customer oriented business kung saan ang responsiveness sa mga cliente ay importante kaya sensitive ako sumagot at umaksyon sa mga reklamo.

kung after 7 weeks ay wala pa rin silang reply, they are either really fucked up, just plain insensitive o kaya ay napikon dahil na feature sila sa article ni sassy sa manila standard tungkol sa reverse racism.

A FUCK YOU PHILIPPINE AIRLINES STORY

paminsan-minsan lang ako nakakaramdam ng racism sa amerika. nakakainis nga, kasi sa kapwa pilipino ko pa ito na experience kahapon. tinutulangan ko si jet na magbuhat ng mga bag pauwi ng pilipinas at hinarang ako ng isang taga PAL and in a very rude way na parang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo said, para sa mga pasahero lang ang linya sa counter (sabay finger point repeatedly sa isang maliit na sign that says “for passengers only”). to add insult to injury, pagkatapos niya kaming bastusin ay bigla siyang naging pakyut doon sa dalawang amerikano sa likod namin. sa sobrang pagkainsulto ay hindi ako nakapagsalita at naiinis ako sa sarili ko dahil ang dami kong naiisip ngayon na sabihin sa kanya na mga mabulaklak na salita na hindi ko nasabi kahapon. 

doon sa matabang lalaking ticket inspector ng philippine airlines sa Los Angeles International Airport: putangina ka, ang bastos mo. sana kunin ka na ni lord. dahil sa iyo, hinding hindi ako sasakay sa philippine airlines kahit kailan at mas gugustuhin ko pang lumangoy na lang pauwi sa pilipinas kaysa sumakay sa eroplano ninyo.

– – – – – – – –
pakinggan ang audio podcast ng blog na ito sa iTunes

Oh the seas will split – A Ferry Tragedy Time Line

  1. customers buy cebu ferry ticket
  2. boards ship at north harbor
  3. big typhoon approaches
  4. captain asks boat owner – shall we still sail?
  5. owner asks how much will be lost if voyage is cancelled.
  6. accountant says – a large amount of money.
  7. owner tells captain to go ahead.
  8. Continue reading

Mister I ain’t a boy no I’m a man

kinuhanan ako ng dugo nung friday ng umaga para sa up-coming kong doctor’s appointment. i’m not looking forward to the appointment kasi ito yung annual physical ko. bwakanginangyan, iniisip ko pa lang, lumiliit na ang betlog ko. ipapasok kasi ni doctor mary ang daliri niya sa pwet ko para sa prostate exam, and i hate people poking at my asshole (even if it’s done by a nice lady with a lubricated finger).

Continue reading

THE NOISE NAZI

may kapitbahay kami rito sa bagong bahay na kumakatok sa amin everytime na may naririnig siyang kakaibang ingay. nung bagong lipat kami, nag complain na kumkalabog daw sa itaas. sabi ko, what do you expect, naglilipat nga kami. one time naman nung may kausap ako sa labas, sinabihan ako na huwag daw kaming maingay at hindi raw siya mapalagay. nung isang beses, nakabukas ang pinto sa likod at narinig niya si springsteen na kumakanta sa CD player, malakas daw masyado ang bass. sabi ko – hey lola, you can’t play born to run with the bass down but i’ll lower the volume just for you.

kung si seinfeld ay may soup nazi, kami naman ay may noise nazi.

welcome to condo living in southern california. dikit dikit ang mga bahay ninyo kaya malas mo na lang kung ang may-ari ng katabi mong unit ay mayroong nana sa tenga.