Winding them down on her clock machine

tumakbo ako ng 12 miles nung sabado. ito ang pinakamahabang takbo ko simula nang tinuli ako ni doctor paras nung 1974. bawat linggo na lumilipas ay palapit na ng palapit sa june 1st date ko with destiny. tanginangyan, nagiging madrama na yata ako. kunsabagay, sa tingin ko naman ay may karapatan akong magdrama dahil ito ang aking magiging first marathon.

Continue reading

Never Missed a Beat

liverpool 8 ang pamagat ng bagong labas na CD ni ringo starr. yung title song ay typical ringo: simpleng musika at parang grade 1 ang gumawa ng lyrics. malayo ito sa sophistication ni lennon at melodyfic genius ni mccartney pero malakas ang appeal nito sa akin. kanta kasi ito ng isang taong nagse-senti dahil umalis siya sa bayang mahal niya para sundan yung tulak ng kanyang puso.

Continue reading

Push the fader, gifted animator

may bagyong parating ngayong linggo. habang sinusulat ko nga ito ay pumapatak na ang ulan sa labas. sa mahigit dalawang taon namin dito ay ngayon lang bumuhos ang ulan ng ganito. buti naman. pero hindi siya kasing lakas ng bagyo sa pilipinas. pag sinasabi nga ng mga weatherman dito na may bagyo, natatawa lang ako. kadalasan kasi, ang ibig sabihin nito ay malakas lang na ambon. kung ihahambing nga sa bagyong pinoy, parang ihi lang ito ng sanggol na may balisawsaw.

Continue reading

Long Lost Cousins

ang isa sa mga pinaka interesting na nakikilala ko rito sa amerika ay yung mga 2nd at 3rd generation na anak ng mga pinoy immigrant. karamihan sa kanila ay hindi na nakakapagsalita ng pilipino at kaunti na lang ang nakaka intindi. pero, ang interesting dito ay pinoy pa rin sila in so many different ways at unmistakably pinoy pa rin sa kanilang pagkain – mahilig pa rin sila sa lumpia, adobo, pansit, kropek, burong talangka at manggang hilaw na may bagoong.

Continue reading

Putangina, Ang Daming Magnet

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }

ang magnet na kinabitan ng refrigerator. collection ito ni jet na lumaki over the years. every major country at tourist destination na pinupunatahan namin ever since naging OFW kami ay mayroong representation dito. can you tell where in the world we’ve been?

Continue reading

Sikmurang walang tibay

hindi ko na nami miss masyado ang pilipinas. habang tumatagal, nararamdaman ko na nawawala na ang kapit ng bayan ko sa akin. pakiramdami ko minsan, ang tangi na lang na nagdudugtong sa pilipinas sa akin ay ang mga mahal ko sa buhay. parati kong naiisip ang mommy ko, pero, hindi ko na nakikita ang sarili ko na titira pa sa maynila. ewan ko, parang mali. sana pansamantala lang ito.

Continue reading

Boogaloo dudes carry the news

kung manonood kayo ng sine this week, make it juno. palabas pa rin yata ito sa mga sinehan ngayon. pinanood namin ito ni jet nung christmas break at para sa akin, isa ito sa pinakamagandang pelikula na ginawa ng 2007 kahit tungkol ito sa teen pregnancy (or perhaps dahil tungkol ito sa teen pregnancy). pagpapatunay lang na hindi mo kailangan ng high tech gadgetry, sikat na artista at malaking budget para gumawa ng magandang palabas.

Continue reading

An extraordinary girl in an ordinary world


happy birthday mylab.

the past two years have been a struggle for you, i know, but you’ve persevered. you really are so much different. i watch you all the time and i’ve noticed that you are far more confident and content now than when we first arrived in this strange land.

it took a lot to get to where you are now and i just want to tell you how proud i am of you.

you’ll do even better as we go along. you’ll thrive and you’ll make the people around you happy in the same way that you’ve made me happy. all they need to do is hear your unmistakable laugh and everything will be ok.

thank you for everything you’ve done for me.

with so much love,
jay

PS – i look forward to the pansit bihon that you are going to cook today. we haven’t had that for a while. lab U!

Staring out on the southland in the twilight

nag register na ako para sa rock and roll marathon sa san diego itong darating na june 1st. excited ako at takot at the same time. outside of kinky sex kasi, ngayon lang ako magiging involved sa isang extreme endeavor na kakailanganin ang aking physical capabilities.

Continue reading