Before the lightning fades and you surrender

two years ago, umalis kami sa singapore for good para pumunta rito sa amerika. on the way ay nag side trip kami sa pilipinas para magpaalam sa pamilya namin. umakyat din kami ng mount apo para tapusin ang isang project. di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta rito sa california to start our new life. july 31st – eksaktong two years na kami ni jet dito sa california ngayon.

tinanong ako ng kaopisina ko kanina kung ano ang nami-miss ko simula nang tumira kami rito sa amerika. sabi ko, nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng tunog ng kulog at patak ng ulan sa TV. minsan kasi yung pagkawala ng mga simple pleasures ang pinakamasakit sa lahat.

To hear the softly spoken magic spells

ihahatid ko si jet ngayon sa hospital dahil duty siya. habang naghihintay ako na matapos siyang magbihis ay pinapakinggan ko ang isa sa mga all time na paborito kong recording: pink floyd’s “dark side of the moon“. bigla tuloy akong nag-senti mood.

kinalakihan ko kasi ang “dark side“. una ko itong narinig sa mga party ng mga tambay sa talipapa nung 1970s. ginagamit kasi ito ng mga lalaki sa amin para bakuran ng matagal ang mga kursunada nila. pwede mo kasing isayaw ng sweet ang buong side 2 ng record, simula “us and them” hanggang “eclipse“.

ang payo nga sa tambayan eh dapat ay mag suot ka ng supporter pag ito ang tinugtog kasi pag matagal kang nagsayaw ng dikit sa babae ay baka hindi mo raw maitago na matigas na yung titi mo.

ah, to be young again.

Continue reading

BatJay in the Simpson’s Universe

BatJay in the Simpson's Universe

kung gawin akong cartoon character sa “the simpsons“, ito ang magiging hitsura ko. mahilig akong magsuot ng itim na damit. siguro dahil partially color blind ako: walang appeal sa akin ang pastel tones.

salamat nga pala kay mark para sa kalokohang ito. d’oh!

BatJay in the Simpson's Universe

BatJay in the Simpson's Universe

kung gawin akong cartoon character sa “the simpsons“, ito ang magiging hitsura ko. mahilig akong magsuot ng itim na damit. siguro dahil partially color blind ako: walang appeal sa akin ang pastel tones.

salamat nga pala kay mark para sa kalokohang ito. d’oh!

You may call me Bobby, you may call me Zimmy

kagagaling ko lang sa clinic ni doctor mary. no big deal dahil routine check-up lang naman ito para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga siya dahil di naman daw masyadong malala ang mga lab results ko. abnormal nga lang yung blood sugar ko pero mas guwapo raw ako ngayon kumpara sa huli naming pagkikita, four months ago.

Continue reading

Flying away on a wing and a prayer

habang nanonood ng “lipad, darna, lipad” sa black and white TV ng tambayan sa talipapa, novaliches:

miron: buti na lang si narda ang nakalunok ng mahiwagang bato, no?

batjay: bakit naman?

miron: eh kung si ding ang lumulon ng bato, ang magiging pangalan niya bilang superhero ay “Ganid”

ang pagbabalik-tanaw ng kaputa-putahang corny joke na ito ay hatid sa inyo ng Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal. subukan ang bagong sayote flavor na gawa sa kupal ng supot na taga baguio.