mabentang mabenta ang “REBELS WITHOUT BECAUSE” ngayon kasi ang topic ay tungkol sa sex. kamusta ba ang sex life ng mga pinoy na nasa late 30’s at early 40’s? tumatayo pa rin ba? may asim pa rin ba ang mga butihing ginang ng tahanan? lahat ng ito ay mababasa ninyo sa topic na tinawag naming “SEXY MINDS“. guest writer sa topic na ito si boss jim paredes ng APO hiking society at nagsulat siya ng interesting na essay na sigurado akong magugustuhan ninyo. may tula ring ginawa si toni na napaka sensual ang dating. mayroon ding nakakatawa pero tutuong kwentong sex galing kay lara. para naman sa mga talagang malibog, mayroon ding mga kwentong erotica galing sa mga kaibigan kong si gianel at mari. bigla ngang nagsikip ang pantalon ko sa kababasa ng mga storya nila. ok nga eh, at least patunay yan na kahit over 40 years old na ako eh tumitigas pa rin siyang parang bakal. oo nga pala, toka ko ngayong araw na ito kaya gumawa ako ng “TOP 10 LIST“.
Category Archives: BLOGKADAHAN
I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer
milestone talaga ang pagdating ko ng 40 years old. pakiramdam ko, parang may bago na naman akong bundok na aakyatin. mas mahirap kaya ito kaysa doon sa mga inakyat ko na? natatakot ako dahil hindi na ako kasing kisig at kasing tigas titi nung binata pa ako. baka kasi hingalin ako at mahirapang umakyat. 20 years ago, ang pakiramdam ko sa sarili ko ay indestructible – kahit ano kaya kong gawin basta marating lang yung mga pinapangarap ko sa buhay. ngayon kaya? pero, enough of this “climb every mountain” figures of speech and let’s move on.
I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween
dear mommy,
kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.
Well, I’m leaving in the morning as soon as the dark clouds lift
ang topic ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga multo. malapit na kasi ang holloween at araw ng mga patay. kaya kung may oras kayo, imbis na magkamot ng galis eh baka gusto ninyong basahin ang mga entry doon. toka ko ngayon kaya nag post ako ng top 10 places kung saan magandang makakita ng multo – sana matakot din kayo tulad ko.
A good meal ought to begin with hunger
ang topic ngayon sa “the rebels without because” ay pagkaing pinoy. toka ko kaya gumawa ako ng listahan ng mga pagkain na gusto kong kainin kung bibitayin na ako bukas. minsan pag wala akong magawa, imbis na mangulangot ako eh iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung ako si jose rizal nung mag-isa siyang nakakulong sa fort santiago at alam na niya na kinabukasan siya’y babarilin. pagtapos ng matagal na pagmuni-muni, tatlo ang naisip kong pwedeng gawin. UNA, hihiling ako na kung pwede akong mamboso doon sa mga naghahalikan na magsyota sa pader ng fort santiago. IKALAWA, gagawa ako ng tula (hindi mi ultimo adios, gago. kailangan ay original) – gagawa ako ng huling tula tungkol sa palaka. at IKATLO, oorder ako ng paborito kong mga pagkaing pinoy. heto ngayon dear prens, ang menu ng aking last meal…
There’s a battle outside and it is ragin’
mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:
kung ako ang presidente ng pilipinas…
A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION: 20 questions on blogging and life in general
1. kailan ka nagsimulang mag blog? nagsimula ako nung september 2001, right before the 9/11 tragedy. first time kong mag abroad para magtrabaho, kakadating ko pa lang sa singapore at inabutan bigla ng matinding lungkot. naisip ko, imbes na mag-iiyak ako ng buong magdamag, eh di isulat ko na lang ang aking mga experiences bilang isang OFW. baka kako, pwedeng pagkakwartahan someday.
2. ano ang nakukuha mo sa pagsulat ng blog? sanity. dito ko kasi nilalabas ang mga demonyo ko para pag balik ko sa real world ay patuloy akong makapamuhay ng maligaya at matino.
3. sino-sino bang nagbabasa ng blog mo? nanay ko at si jet. mga kapatid ko rin paminsan minsan.
4. sinong mga hinahangaan mong bloggers? naku marami. sa talent ng pagsusulat, nariyan sina mona, sassy, Mrs. P, si Cat, lara, si doc emer, jop, yasmin, si tito rolly, ate sienna at siyempre si jet. lahat sila ay magagaling magsulat at pag hinambing ko sila sa akin, parang garapata lang ko.
5. kung hindi ka magblog, ano ang alternative mo? ewan ko, mga ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol. pangungulangot at pambubwisit sa mga baby na nakasakay sa bus.
6. kung may malunod na synchronized swimmer, malulunod din kaya ang mga kasama niya? gago.
7. Is the “human voice” a defining characteristic of weblogs, or merely desirable in most cases? in a lot of cases the human voice is an essential and defining characteristic of a weblog. i know in my case it is. i write what happens to my life in a personal and very human way. there is no other alternative.
8. ano ang pinaka driving force kung bakit ka may blog? nung una nga gusto ko lang gawing diversion dahil nalulungkot nga ako rito sa singapore. nung panahong iyon nagsusulat ako para may history ako ng struggling years ko as an OFW. pero nang lumaon, naging interactive na. may bumibisita na kasi bukod sa mga kamag anak ko. nagsusulat ako, hindi naman para sumikat. gusto ko lang sabihin sa mundo na – hoy, mga ulul, narito ako! oo virginia, parang “Kilroy Was Here” ang dating.
9. Why do people point to their wrist when asking for the time, but don’t point to their crotch when they ask where the bathroom is? i don’t know.
10. Ano ang Blogkadahan? group ito ng mga pinoy bloggers from all over the world. mayron silang website and they post entries based on a particular agreed upon topic. iba ibang personalities kaya sigurado ka na mayrong diversity sa opinion, sa point of view at sa paraan at style ng pagsusulat. for that alone, the website is an interesting read. karamihan sa mga members ay nasa 30 to 50 years old. pero mayron ding tulad ko na nasa early 20’s. twenty years nang namamasukan.
11. Why do people look into tissues after they blow their nose ? What are they expecting to see? ewan ko. tinitingnan nila siguro kung may free.
12. What’s the best thing that blogging has brought you since you started? naging sikat ako at maraming nga babae ang pumipila sa labas ng bahay para dugasin ang underwear ko. dumami rin ang mga kaibigan ko na pwedeng utangan. paminsan minsan nababanggit sa newspaper kaya huwag kayong magtaka kung minsan makita ninyo ang mukha ko sa pinagbalutan ng tinapa.
13. what do you hate most about blogging? visiting blog sites that don’t have any content. ang mga blog sites na walang content ay parang mga empty shells. simple lang naman ang sikreto para bumalik ang mga tao sa site mo parati. here’s the secret: write interesting and compelling posts. it doesn’t have to be about “deep topics”. as long as it is written very well, it will stand out.
14. what is the most you like about blogging? na panabla ito. you can be the simplest person in the world, but if you’ve published a good enough post, people will notice and your visitors will increase. you don’t need to be the heavyweight champion of the world (ika nga ni dylan), if you’ve got a great site, people will come. hindi ba napakasarap marining ang “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, I’M COMING”.
15. May is national masturbation month, what are you going to do about it? wala na. retired na ako sa masturbation for now.
16. anong masasabi mo sa mga taong ngayon lang balak mag blog? pakabait kayo’t magsulat ng mga interesting na post. tama na yung mga entry na “today, i have nothing to say, that’s why i want to talk about how my dirty socks smell”.
17. ano ba ang advise mo tungkol sa appearance ng mga template? ah yan importante rin – kailangan simple lang. hindi cluttered. dapat din walang mga lumilipad na animation. dapat walang automatic music na tutugtog. dapat hindi rin masakit sa mata ang color combination – walang purple text on orange background. yung mga pictures dapat maliliit lang ang file size para hindi matagal mag load. ano pa ba? ah, kailangan simple lang. ay – nabanggit ko na pala. paandarin parati ang pilosopiya ng “Occam’s Razor“. inaderwords, KISS – ie, keep it simple stupid.
18. anong nagpapasaya sa iyo sa pagblog? pag may OFW na sumulat sa akin at sinasabing nakakapag identify siya sa mga kinukwento ko.
19. may standard practices ba sa pag blog para maging successful ito at maraming bumisita? wala. anything goes basta interesting at hindi nakakasakit ng ibang tao.
20. ano ang mangyayari pag nag ahit kayo ng kilay sa kaliwang mata? magmumukha kang mataray
THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”
baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.
yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.
ANG MGA BATANG KANING LAMIG
ako nga pala si batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk. thirty nine years old na ako (pero tinitigasan pa rin) at labintatlong taon nang kasal (buti na lang talaga, tinitigasan pa rin). kaliwete akong magsulat (pero ang paghugas ng pwet ay kanan) at partially color blind (may mga shades of red and green akong hindi ma distinguish). apat na taon na akong nakatira sa singapore kasama ang misis kong si mylabopmayn jet. ayaw ko sanang umalis sa pilipinas dahil mahal ko ang aking bayang magiliw kaya lang nasilaw ako sa pera.
dahil kyut ako at malakas tumawa ay sinuwerte ako na mapabilang sa isang e-group na walang magawa sa buong magdamag kung hindi magtsismisan at magpatawa sa email. sa sobrang dami ng mga kwento namin sa isa’t isa ay nabuo tuloy ang – “Blogkadahan.com: The Rebels Without Because“. ang title na ito ay galing sa pelikula ni redford white. napaka angkop dahil ang site na ito ay tungkol sa mga kwento ng mga taong matino na walang magawang matino. pero don’t get me wrong, sila ay mga respetado sa kani kanilang mga propesyon and you can never find a more kind hearted, intelligent, funny and not to mention beautiful group of people anywhere else. isa pa, wala silang mga anghit. ito ang pinakadahilan kung bakit ko sila nagustuhan.