so long howlin’ dave, have a safe flight.
Monthly Archives: May 2008
The circle’s been complete
seventeen years na kami ni jet ngayon. iniisip ko nga kanina kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kung hindi kami nagkakilala. wala akong ma-imagine na scenario. para kasing sinulat sa isang action packed na storya kung ano ang magiging direksyon ng buhay naming dalawa. we were meant to be – bwahaha, what a fucking cliche.
lahat ng magandang nangyari sa akin ay hindi ko hinanap, kasali na rito ang pag krus ng landas namin ni jet. basta, dumating na lang siya sa buhay ko sa takdang panahon and my world changed from then on. dylan probably said it best.
Ever since you walked right in,
the circle’s been complete,
I’ve said goodbye to haunted rooms
and faces in the street.
yung pagkakilala namin ay nangyari sa punto ng buhay namin na tamang tama para sa isang relationship. if it had come sooner, malamang ay hindi kami nagkatuluyan. if it would have come later, malamang ay para lang kaming dalawang barko na nagkasalubong sa dagat. suwerte lang siguro ako na sa dinami rami ng mga pwedeng mangyari sa buhay ko ay nagkakilala kami ni jet.
ngayon ay seventeen years na kaming kasal. seventeen fucking years. who would have thought?
mylab, kung nababasa mo ito, para sa iyo ang kantang ito. a reaffirmation of sorts, gusto ko lang sabihin, mahal pa rin kita kahit ulyanin na ako ngayon at puno na ng puting buhok. maraming salamat sa labimpitong taon.
with all my love.
jay
The lunatic is on the grass
yung desktop daw ng computer mo tells a lot about yourself. ano ang ibig sabihin ng sa akin? that i’m a fucking dull person, perhaps. simple lang kasi ito dahil ayaw ko ng clutter at yung mga pinaka importanteng program lang ang naka display. samakatwid, typical engineer mentality of simplicity and functionality. disipulo kasi ako ng occam’s razor (or inaderwords, KISS).
Through the high times and the low times too
dalawang linggo na lang at tatakbo na ako sa rock and roll marathon sa san diego. kinakabahan na nga ako dahil ito ang una kong long race. who would have thought that i would have even attempted to run this fucking race? kahit ako, nagulat na tatakbo ng 26.2 miles – isang dating 2 pack a day smoker na 42 year old diabetic. siguro, ito ang version ko ng mid-life crisis. in a way, gusto kong patunayan sa sarili ko na kahit matanda na ako ay may asim pa rin, kahit papaano.
Where my thought’s escaping
sabi ni kuya bong, mayroon daw buyer na interesadong bumili sa bahay namin sa antipolo. binigyan ko ng price na medyo on the high side in the hope na hindi kakagatin. kinagat pa rin. from the looks of it, mukhang maipagbibili na ito. matagal na akong nagdadalawang isip kung ibibenta nga siya dahil ito ang una naming bahay ni jet. pero parang dumating na yung oras para talagang bitawan na siya.
heto na naman ako, unti-unti na namang nakakaramdam na nawawala ang kapit ng pilipinas. isa-isa na kasing inaalis yung mga bagay na nagdudugtong sa akin sa kanya. it’s as if mayroong deconstruction na nangyayari. we build new lives here in california habang nagiging ala-ala na lang ang naiwang tahanan. yeah baby, turn, turn, turn.
Where my music’s playing
hindi halatang 83 na ang mommy ko ano? maganda pa rin siya tulad ng kayang apo sa tuhod na si TJ. pinapatay kasi ang mga pangit sa lahi namin. at least yan parati ang dialog ng daddy ko nung araw pag may nagsasabing ang kukyut daw ng mga anak niya.
matalinong bata yang si TJ. talented din tulad ng mommy niyang singer at mga tito niyang rocker. baby pa lang, kumakanta na sa kung saan-saan. in fact, heto siya at 3 years old, singing bayang magiliw habang naglalaro ng salbabida. mahirap gawin yon!
nung umuwi ako sa pilipinas last month, sinama ko sila sa bahay namin sa antipolo para naman makapasyal ang mag lola. nag enjoy naman sila kahit papano. ako? makita ko lang mommy ko ay masaya na rin ako. yung lang naman ang dahilan kung bakit ako umuwi.
About Shmidt
habang nakikpagtsismisan during lunch, nabalitaan ko na yung isa sa mga kakilala kong lalaki ay umiihi ng paupo. bwakanginangyan, you learn new things everyday even if you don’t want to.
Wounded flowers were dangling from the vine
may bago kaming suking tindahan ni jet. mga dalawang kilometro lang ito sa bahay namin – nagbebenta sila rito ng mga organic na gulay at prutas. sariwang sariwa ang produce dito dahil yung taniman ay nasa likod lang ng tindahan. mura lang ang presyo kaya maraming nagpupunta rito.
Like a true nature’s child
Rich men wanna be kings
isang linggong conference sa carlsbad. over 100 powerpoint presentations showing 2000 slides. bwakanginang yan, kung di ka ba naman mahilo. kawawa naman ang mga kasama kong galing pa ng europe at asia. punta sila rito sa amerika at hindi pa nga nawawala ang jetlag ay ikukulong na sila agad sa isang malaking kuwarto ng buong araw para makinig sa walang katapusang pagsasalita.
na experience ko na rin yan nung sa singapore pa ako naka base. pupunta kami sa amerika para sa conference at hindi mo talaga maintindihan yung nagsasalita kahit anong gawin mo dahil pinipilit mo ang sarili mong maging gising, akyat baba ang ulo mo habang nilalabanan ang antok.