I believe in the faith that could save me

nabanggit ko na ba na kailangan mo ng simplicity para maging successful na OFW? ilang beses ko na nga ata itong naging topic kaya medyo nakukulitan na ako sa sarili ko minsan. naalala ko ito kasi mayroon akong kaopisina na lilipat from argentina to california this week. sigurado ako na tatanungin niya sa akin kung ano ang dapat gawin pag dating dito. alam ko na ang isasagot ko: simplify.

pag galing ka sa pilipinas at titira sa isang bansang masagana tulad ng singapore o amerika, ang tendency mo kasi ay subukan lahat. pag nakatanggap ka ng paycheck na dollar for the first time, gusto mong bilhin yung pinakamagandang cellphone, pinakamabilis na kotse, pinakamalaking bahay, pinakamasarap na pagkain at pinakamabangong pekpek (pinakamakalaking etits kung ikaw ay babae o bading).

pero mayroon itong downside even if having all these somehow projects an image of success: gagawin lang kasi nitong complicated ang buhay mo. ang secret ng maligayang buhay OFW? don’t buy things that you don’t need and live below your means. inaderwords, simplify.

29 thoughts on “I believe in the faith that could save me

  1. correct and true to the last word sir…… “if you acquire all the things that you want but not necessarily need it will eventually pile up and affect every aspect of your home and life in bad way” according sa isang topic sa oprah. sobrang commercialized pa naman ng mga bagay dyan andaming produktong iniooffer na nakakatakam bilhin… may tendency pa naman ang pinoy na maging hoarder at compulsive buyer lalo na pag may opportunity(kawawang credit card gasgas na gasgas na ang magnetic tape kakaswipe)hindi lang pinoy andami ding kano na may ganyang bad habit….
    so its a very good thing na paulit-ulitin ang mga ganitong paalala, lifesaver tip ito para sa lahat …ofw man o hindi(lalo pa ngayong krisis ang ekonomiya)

  2. But because America is a land of endless commercial choices — most of them good — napakahirap labanan ang tukso nang hindi pagbili ng mga abubot lalo na kung sale.

    Napanood mo na ba ang Wall-E, sir? I recommend it. It’s a great post-apocalyptic scenario presented in a very unusual manner.

  3. tama pare bili ng bili kaya nga minsan pag ka umuuwi nagbabakasyon ako sa pinas nahihiya akong katabi ko DH hindi dahil “DH sila” kz may naka sabit sa gilid na N95 Nokia, naka sukbit na iPOD sa leeg at heaphone sa Tenga at nag chatchat sa LAPTOP sa Airport. ang lufet! samantalang ako 5110i lang ang CELLPHONE ko kulang nalang mapagkamalan akong BARANGGAY TANOD.

  4. nicely put. kahit sa chess, di ba, simplify ang pinakamaiging tactic? Nothing beats a simple life. Walang pressure or complications that could give you a heart attack. Having lots of material things may be nice but these wear off once the novelty is gone.

  5. Ang mga OFW mas malaki ang pera. Masmalaki ang kita ng isang blue collar job na OFW kesa sa ibang Degree holder + Masters + Doctoral na Professional dito sa Pinas. Minsan mapapaisip ka rin kung kailangan mo ba talagang mag-aral given that there’s more chances of one’s life upliftment financially abroad. Pero what really counts i think is self fulfillment and a matter of contentment. Tama…You have to simplify things.

    PS. wala na pong patext na comment diyan..
    di na po me magco2ment ng parng nagttxt sa cfon.Promiz.:-)

  6. sobrang simple….ng salitang simplify…
    pero ewan ko ba ..anhirap talagang maging simple…
    ciempre pag kumita ka ng dollar , pound o dinar,,,bah sarap din magyabang diba???pero ciempre depende sa values & priorities natin sa buhay diba???
    nakakatawa lan…
    6 yrs na ko nagwowork as an OFW pero wala pa rin camera tong celfone ko…
    tuloy pag uwi ko ng pinas, laki ng mata ng mga batchmate ko sa pinas…
    at parang nagtatanong ano ba yan celfone mo???
    napansin ko nga—bonggang bongga an mga celfone nila…
    samantalang ako…pipitsuging may gasgas na celfone lan ..hehehe
    …simplify…
    gusto ko kc simpleng lifestyle lan…
    kahit s celfone —txt or makatawag lan ok na…
    while of course sometimes we hav to be updated & embrace technology…
    ___________
    pag simple ka parang mas magaan dalhin yun buhay…

  7. Never truer. Sabi nga ni Sharon Cuneta, ‘Kahit kaya kong bumili ng 1 Mercedes Benz, hindi ako bibili hanggang hindi ko kayang bumili ng 10.’ Get the drift?

    Naalala mo ba yung kasama ko sa trabaho na lumipat ng bahay? Wala na siyang mapaglagyan ng mga gamit niya, at kahit nag-garage sale na siya, di pa rin maubos ubos ang gamit. Kaya ayun, nagbabayad pa siya ngayon ng 2 storage space para sa mga gamit na di naman niya napapakinabangan. Yung ibang gamit hindi pa natatanggal sa package, buong buo pa rin pero naluma na sa pagkakatago, parang excess stock na binentang sale item. I don’t get that. Lagi ko ngang sinasabi, ‘You can’t have everything in life. I mean, where would you put them?’

  8. oo nga mylab. naalala ko yung kasama mo sa hospital. actually, yung asawa niya ang parating sabi ng sabi na “simplify”. hanggang ngayon, para itong mantra na parati kong naririnig kahit tulog ako.

  9. yes, sir! that is what ive been doing for the last couple of weeks. shaving…tossing out crappy things that take up space and collect dust. we tend to buy things we want but not necessarily need. so i always pray that i may get all the things i need and i wont cry (that much) if i dont get the things i want. =)

  10. nung I stayed with a couple sa New York, hindi raw maka-bisita yung lalake sa magulang niya dito sa Pinas kasi compulsive shopper yung asawa niya! Kawawa talaga! Simple nga yung lalake, yung asawa lang ay parang si imelda marcos!

  11. tapos pag nalaman na ng mga sharks na marami kang pera, marami kang eklat, kukulitin ka na ng mga credit card people. at kung uto uto ka lulubog ka sa utang. ahay.

  12. dapat bumalik na tayo sa ating pinagmulan…iyong gaya ng dati .. simple pero rock..masyado nating ikinababahala iyong presyo ng crudo sa world market tuloy lalong nagmamanipulate iyong mga ganid na oil producer . dapat talaga sa ating mga ofw save more and spend less for the rainy days ahead.. di natin alam masyado na kasing exploited ang kalikasan..eh paano kaya kung matuyo ang mga rivers due to climate change and environmental abuse pag patuloy ang ganitong trend. pag nawalan tayo ng potable drinking water at ang pinag awayan ng mundo ay ang tubig na maiinom , kaya nating mawalan ng crudo ng isang linggo pero di natin kaya ang di makainom ng tubig ng isang linngo yari na tayo nun…bili tayo ng bili ng mga bagay na kung talagang iisipin mo di naman natin kailangan eh paano kung presyo ng isang basong tubig ay one hundred dollars na…

  13. So true. Unfortunately, there are some people who can’t tell the difference between the phrases “what they can buy” and “what they can afford.” That’s why a lot of people with seemingly good incomes still find themselves in dire financial straits.

  14. Kaya nga ginupit ko yong ibang plastic ko. Isa na lang ang natira na hindi malaki ang credit line para at least alam ko saan ang limit ko. Ang hirap kasi sa credit cards pag ginamit sa shopping akala eh hindi mo babayaran, pagdating ng bill, lagot.

    Simplify – ito din ang motto ng company namin. Kaya naki-join na rin ako.

  15. tol,

    ang hirap talagang maging ofw. you want to be simple but the opportunity and means does’nt give you a way to be simple as what you want to be. you worked abroad (opportunity) and earned dollars (means) so what’s left but to taste material things you won’t experience having if you are in the philippines.

    from a fellow ofw (10 years ksa veteran plus 2 years asia) to another…….
    set your PRIORITY and always keep in mind WHY you are an OFW!!!!! you won’t get wrong.

    all the best……bong

  16. Gusto ko rin yung “live BELOW your means”… not within, but below. Dati “within my means” ako mamuhay but I learned from my husband. Hindi ka naman nagpapaka-deprived. You just learn to take stock and make conscious, informed purchase decisions. This lifestyle makes you feel more blessed and bountiful kase may sobra ka. It makes you less stressed knowing may madudukot ka kapag biglang nangailangan.

  17. Yan ang palagi kong sinasabi sa misis ko. Live a simple life and buy only what we can afford and really need. Que si huda kung ano ang sasabihin nang kung sinong tao. Particularly here where some ofw family see it like a competition. Ayaw palamang sa mga Joneses. Basta my take is when “rainy days” comes meron kaming mahuhugot sa bulsa at hindi umasa sa iba.

  18. ang laking bagay naman nitong notes nato, simplify!…tama ang suma tutal!,kasi kung ano ang income mo ganun din ang way of living mo…so maliit o malaki,kulang parin…pero kung isimplify palagay ko may matitira.

  19. tama yan, simplify. Dami ko kilala mataas naman sweldo (mas mataas pa sa sweldo ko, tiyak yun) pero laging sinasabi eh “kulang pa rin”. Paanong di magkukulang eh sa kada sweldo may bibilhin na namang bago, gasgas na si credit card tapos uutang pa sa kaibigan. Gusto ko nga sanang sabihin sa kanila, “kung ganyan ang paggastos mo sa pera, kahit ibigay sayo ang pinakamataas na sweldo sadyang magkukulang pa rin dahil sa bawat pagtaas ng sweldo mo syang pagdami din ng luho mo”.

  20. simplify…………thats right pag simple less complicated ang buhay.mhirap nga gwin pero accomplishment nman pag nkasanayan na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.