lunes. pasok na naman. medyo na late nga akong nakarating sa opisina. ang tagal ko kasing naghintay bago ko na feel na umupo sa trono. morning ritual ko kasi yan at hindi ako comportable pag hindi ako na ebs sa umaga. impak, ang magandang tanong pag nakita mo akong mainit ang ulo ay “kulang ka ba sa sex?” “hindi ka na naman natae ano?”
Monthly Archives: January 2005
SONGS IN THE KEY OF LIFE
1. “Suicide Is Painless” from the M*A*S*H movie soundtrack
2. “Organ Grinder“, Mark-Almond
3. “Born To Run“, Bruce Springsteen
4. “Imagine“, John Lennon
5. “In My Life by The Beatles
6. “Deacon Blues by Steely Dan
7. “(Sittin on) the Dock of the Bay” by Otis Redding
8. “It Ain’t Me, Babe” by Bob Dylan
9. “ Helplessly Hoping” by Crosby Stills Nash Young
10. “Himig ng Pag-ibig” ni Lolita Carbon
Ito ang top 10 list ng mga importanteng kanta sa buhay ko. Nagpapalit ito from time to time kaya hindi yan permanent “greatest hits”. Isasama ko rin sana ang “Voltes V Theme” at “Magellan” ni Yoyoy pero di na kasya. Special mention din yung “Imitation of Life” ng R.E.M. For more information on my music list CLICK HERE.
MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG
teka muna, bago kayo tumawa, hulaan nyo muna kung ano itong nasa picture. sabi ng iba, para daw ito yung pinamimigay kasama ng mcdonalds value meal. yung iba naman, ang sabi eh ito raw si donatello doon sa ninja mutant turtles. mayron ding nagsabi na mukha raw baby unanong komang. ano sa tingin ninyo?
Teach not thy lip such scorn
GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang medical benefits ng kissing? nabasa ko kasi na ang halik daw ay isang magandang form of excercise.
BATJAY: dear gentle reader, medical benefits ba kamo? siguro si doc emer lang ang makapagbibigay linaw riyan. di ko alam kung magaling siyang humalik (ay ayoko rin namang malaman. yuck! hehe) pero doctor siya at makapagbibigay ng sceintific explanation. pero baka nga masama sa katawan ang paghalik. sabi kasi sa isang report: “more than 40,000 parasites and 250 types of bacteria are exchanged during a typical French kiss“. bwakanginngyan. siguro, times two ang germs kung bad breath ang partner mo. gaano kaya karaming parasites at bacteria when you “kiss ass”? hehe. at eto pa, the same study also says that couples exchange 0.7 grams of protein, 0.45 grams of fat and 0.19 grams of other organic substances. packingsheet, nakakataba pa yata.
Teach not thy lip such scorn, for it was made for kissing, lady, not for such contempt.

INSTANT PANSIT NA GAWA NG DIYOS
so, eto na nga yung isa sa mga iniisip kong ilabas na negosyo – instant noodles. sample lang ito ng packaging na gagawin namin. siyempre dapat catchy ang pangalan at makulay ang wrapper. ang iniisip ko ngayon ay yung “key differentiator”. sa tagalog, ano ang meron sa produkto ko na kakaiba sa mga produkto ng kalaban. funky flavors, i guess: ube tinapa? bagoong honey? chocolate daing? pero ang iniisip ko ay talagang kakaiba. tatanggapin kaya ng food and drug administration kung maglalabas ako ng viagra flavored noodles? ang slogan para sa advertising campaign ay dapat catchy rin. papasa kaya ang: “Subukan ninyo ang Unkyel BatJay Pansit Canton, Titigasan kayo sa sarap!”
ANG PANSIT NA NILUTO NG DIYOS
OK, OK. hindi na kailangan pang sabihin sa akin: matagal ko nang alam na mas bagay talaga kung ako’y may pekpek imbes na pototoy. sabi nga ng mga kaibigan ko eh kamukha ko raw si donita rosa kung naging babae ako (siyempre, you have to ignore the fact na kutis betlog ako’t hindi mestiza tulad ni donita). iniisip ko na nga kung ano ang ok na showbiz name: “Donita Sampaguita” or “Donita Gumamela“. finally, napag desisyonan namin ng manager kong si SuperPolo na “Donita Talampunay” na lang. there’s a certain wacky charm in the name na parang gusto mong mag hallucinate at tumakbo sa kalye ng nakahubo. hehe. ito nga pala ang bago kong iniisip na negosyo: instant noodles. ayoko na ng pansitan kasi mayroon na si ninang kong ate sienna nito. ano sa tingin ninyo, bebenta kaya ang: “BatJay’s Pansit Canton, Ang Pansit na Galing sa Langit“.
PROVE TO ME THAT YOU’RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL
minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”
PROVE TO ME THAT YOU'RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL

BAD SNEAKERS AND A PINA COLADA MY FRIEND
TIP OF THE WEEK: kung gumagamit kayo ng firefox sa pag browse ng internet (and you should if you haven’t) then it makes sense to visit chin wong’s “digital life” site para makakuha ng tips on how to tweak firefox and make it run even faster. sinunod ko ang mga instructions sa site niya na parang utu-uto and i shit you not, talagang bumilis. pakiwari ko eh parang uminom ng speed ang aking PC. at before i forget, eto nga pala ang isa pang importanteng tip: huwag na huwag ninyong pagsasamahin ang glue at eye drops sa cabinet. bakit kamo? eto basahin ninyo ang balita galing england: “A grandmother ended up in hospital when she confused her eye drops with superglue.” ang sabi sa report eh nagdikit daw ang pilik mata ni lola. gusto kong matawa pero hindi ko magawa.