Tora! Tora! Tora!

sa southern california ka lang makakakita ng tank crossing… with an actual tank. hehehe.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


rain

nung dumalaw ang mommy ko dito sa california para magbakasyon, tamang tama na may bagyo, kaya siyempre pinagyabang ko na may bagyo sa california.

“bagyo?” ang sabi niya na medyo sarcastic ang dating, “parang ihi lang ng sanggol yang ambon na yang tinatawag ninyong bagyo.”

And it burns, burns, burns

sobrang init ngayon. tangina. pakiramdam ko tuloy, piso na lang impyerno na. sabi ni amado pineda, nasa 100 deg F na raw habang sinusulat ko ito. ano ang ibig sabihin ng F? ang ibig sabihin ng F ay it’s Fucking hot. napansin ko rin, at medyo peculiar nga ito: kanina pa ako utot ng utot. may koneksyon kaya ito sa heat wave? siguro, naiinitan yung katawan ko kaya mataas ang production ng gas. nahihiya na nga ako sa mga nasa cubicle sa labas ng opisina ko. kanina pa sila nakakarinig ng pag kulog pero wala naman silang nakikitang kidlat.

Continue reading

Wile E.

may nakasalubong akong coyote nung isang gabi sa street namin. bigla ngang nagpunta yung betlog ko sa ngala-ngala dahil sa matinding gulat. pero nagulat din yung kumag nung nakita niya ako kaya pareho kaming tumakbo in opposite directions. hilarious now but scary when in happened. halos 5 feet away lang siya nung nag eye to eye kami.

ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ni road runner.

Working on the highway laying down the blacktop

napansin ko etong mga nakaraang dalawang linggo na may increase siguro ng mga 200% sa mga naglalakad at tumatakbo sa kalsada dito sa irvine. pakiwari ko eh ito yung mga mayroong new year’s resolution na magbawas sa pagkain at mag exercise. mahahalata mo naman yung mga ngayon lang nag simula: tabingi ang takbo at hinihingal na halos tirik ang mata sa paghabol ng hininga. good luck sa kanila.

Continue reading

Thank you Lord for my big mouth

inimbita kami ng pamilya nina ceci for thanksgiving.  tulad ng ginawa nina eder at leah sa amin ni jet sa singapore, ang pamilya ni ceci ang umampon sa amin dito sa amerika at umalalay sa amin ni jet since coming off the boat 3 years ago. kaya nga pag may okasyon, tulad ng thanksgiving at pasko ay naroon kami sa kanila at nakikikain.

1000 Extra Pogi Points

pag tumama ako sa lotto, bibili ako ng dalawa.

ang tesla ay ang pinaka unang commercially available na electric sports car. mura lang ito, just slightly over $100,000. it runs on batteries and is really creepy dahil walang engine sound pag umaandar. pero sabi ko naman, wala yan sa lolo ko: yung makina ng kotse niya ay singer. natawa lang yung may-ari. tinanong ko nga kung pwedeng gamitan ng eveready flashlight battery. natawa lang yung may-ari. mabilis din siya, 0-60 miles in less than 4 seconds at ang top speed niya ay 125 MPH.

Continue reading

These are the days of miracle and wonder

fall na rin dito sa california kaya may topak na naman ang panahon. di mo tuloy alam kung papunta ng summer or paalis ng winter. this week, nasa upper 90’s (35 deg c) pag araw at nasa upper 50’s (12 deg c) pag gabi. tapos dumating na naman yung bastos na santa ana winds early this week. ito yung nagkalat sa backyard namin ng dahon. dala rin niya yung malalaking sunog in and around los angeles.

nabalatan din ng hangin yung mga eucalyptus trees around irvine kaya parang may malaking higante na kumain ng halls menthol candy ang dumighay sa city namin. kaninang umaga nga pag pasok ko, naka bukas ang bintana ng kotse. sinisinghot ko yung natural menthol smell ng paligid kaya umaga pa lang, masaya na ang araw ko.

On the side of twelve misty mountains

friday ng umaga, naglinis ako ng backyard na puno ng dahon dahil mahigit 2 weeks na akong hindi nagwawalis. proud na proud nga ako at binuhusan ko pa ang yard ng tubig para extra clean.

sabado, humangin ng malakas at pag gising ko ng umaga, puno na naman ng dahon ang backyard. ok lang, winalis ko ulit at binuhusan ng tubig kaya malinis na naman siya.

linggo ay humangin na naman at pag gising ko sa umaga, puno ulit ng dahon ang backyard. napamura ako ng mahina dahil parang walang silbi yung bwakanginang paglilinis ko. winalis ko ult at binuhusan ng tubig and if i may say so myself, i did a good job.

ngayong monday ay mas malakas ang hangin at… you guessed it right: puno na naman ng dahon ang backyard. mamayang gabi, ipapaputol ko yung tanginang puno sa likod ng bahay namin.

She’ll tell you it makes her complete


tatakbo ako para sa suso itong sunday. oo virginia, kasama ko na naman ang mga sexy ng newport beach para sa race for the cure. mga 30,000 na tao ang dumadalo rito kaya festive parati ang atmosphere. 3rd straight year ko na itong gagawin and if i may say so myself, i find it very fulfilling. kahit wala akong diyos, at least mayroon akong cause na sinusuportahan na nakakatulong pa sa aking kalusugan. ibang iba na kaysa nung nasa pilipinas pa ako: rebel without because.

baka sakaling mayroong kayong spare change at gusto ninyong mag sponsor sa akin, tutal tax deductible naman ito. punta lang kayo sa donation page ko. zero pa rin ang abuloy hanggang ngayon kaya nananawagan ako sa inyo na magbigay para mas marami tayong malamas na dyogang walang cancer sa hinaharap.