ang isa sa paborito kong pinakikinggan na podcast ngayon ay ang lefsetz letter ni bob lefsetz. si bob (naks naman, on first name basis as if he’s my bespren) ay isang magaling na music critic at pareho kaming mahilig magmura. ang feature niya this week ay isang kanta ng barenaked ladies na, i hereby declare based on the facts that cannot be denied, ay bago kong favorite song – “baby seat“. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na discover ang kantang ito at ang bwakanginang saksakan ng galing na bandang gumawa nito. it’s everything i ever wanted in a song – intelligent lyrics (that will make you stop and wonder – hmm, why didn’t i think of that) and a catchy tune na kahit na maging biktima ka pa ng last song syndrome eh ok lang sa iyo.
Continue reading
Monthly Archives: May 2006
SALT CREEK
OCCAM’S RAZOR
yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.
OCCAM'S RAZOR

Dreamers may leave, but they’re here ever after
ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.
Continue reading
Dreamers may leave, but they're here ever after

FROM A HEATHEN AND A PAGAN ON THE SIDE OF THE REBEL JESUS
ang balita galing sa pilipinas ay ipapalabas daw ang “Da Vinci Code” kaya lang R-18. ano ba yung R-18? parang euphemism ata ito sa “yung mga taong may bulbul lang ang pwedeng manood nito”. pero ang sabi ng mga sources ko within the government ay ipapalabas din naman daw ang “da vinci code” ng may PG rating – kaya lang paatras daw ang andar ng pelikula. ie, from ending to beginning.
BWAHAHAHAHA (tawang demonyo).
While we’re on our way to there, why not share
i know this is a shameless plug but what the heck, they need all the support they can get. if you love classic rock, tune in to ROCK 990 on the AM band. they have a live online feed kaya pwedeng makinig even if you’re out of the country. this is your chance to listen to intelligent rock music played on the air. pag sabado ng hapon, you can catch howlin’ dave do his pinoy rock show. it’s like going back to the good old rock of manila days. my brother does his show from 1-4 PM every monday to saturday. and he does do a great job. a lot better than most of the jocks we have in manila. you can call him up to make requests. the telephone number to dial is 8171316.
While we're on our way to there, why not share

PIGGY BANK BLUES
nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you’ve done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.