BIOLOGICAL CHANGES OVER TIME

yung state of georgia, ewan ko kung anong nakain: balak nilang i-ban ang salitang “evolution” sa mga schools. ang gusto nilang ipalit ay isang bagong euphemism called, are you ready for this… “biological changes over time”. bwakanginangyan. what’s next? a bill saying the world is flat and volcanic eruptions are caused by angry gods.

while we’re at it, paki explain nga rin tuloy sa akin: kung si adan at eba ang mga unang tao, at si cain at abel yung mga anak nila, saan nakakuha ng asawa si cain after siyang palayasin sa paraiso?

isa pang tanong. bakit di pa nilunod ni noah yung mga lamok, langaw at ipis nung magkaron ng delubyo. kakainis yung mga yon eh.

A MILESTONE OF SORTS

after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.

siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag “mey-ay-go-awt” anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko – hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, “thanks gods”. hehe.

ang isang wala rito sa singapore ay yung parang “place mat” na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.

SULAT SA PERSKASIN

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

BARKADA CALIFORNIA

si papa rodger, si andres, si ate sienna, si jet at si mariacecilia nagpapakyut sa apartment nina ate sienna
pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.

kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng “hello” ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang… CLICK HERE.

BACK IN SINGAPORE, HILONG TALILONG

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

MUNTIK KO NANG MASAGASAAN ANG 2 MATANDA SA RODEO DRIVE

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

HUWAG TATABI SA UTUTENG MAY ANGHIT SA MAHABANG BYAHE

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

SI JAY AND JET, by DENGCOY MIEL

so ok, ganyan talaga ang histura ko sa personal. para akong cartoon character. cute in a caricature kind of way. hehe. pati nunal ko sa baba na parang nora aunor eh nakuha. ang galing mo talaga boss idol dengcoy miel. ito nga pala ay regalo niya sa mylab jet ko who turned 4@#$*$!0 years old last thursday.

Continue reading

HE’S BACK…

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin’ Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he’s right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: “naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa“. hehe.

well, HE’S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in…