SPOON AND FORK BLUES NORTH OF THE 49TH PARALLEL

matunog na balita ngayon yung episode na nangyari sa canada kung saan isang batang pinoy ang sinabihan ng kanyang school principal na “baboy” kasi gumagamit daw ng kutsara at tinidor imbis na tinidor at kutsilyo sa siyang common practice sa canada. sayang, sana ginamit na lang nung kupal na principal ang incident na ito para maging lesson sa cross cultural relationships.

Continue reading

BORN TO BE WILD

ang buwan ng mayo ang isa sa pinakamasaya sa amin sa novaliches nung bata ako. summer vacation kasi at nakakapaglaro kami sa labas hanggang late at night. fiesta rin sa amin sa barrio talipapa at taon-taon na lang ay mayroong dumadayo sa amin na perya. bukod sa mga regular rides ay maraming mga tents kung saan makikita ang iba’t ibang freak show – may taong pagong, babaing pinaglihi sa octopus, mga duwende at kung ano ano pa. pero ang pinakasikat doon sa mga attractions ay si “ANIWAY, ang taong bundok”. mukha talaga itong wild man dahil naka damit tarzan, balbas sarado at mayroong kadena sa kanyang leeg para hindi makawala. gabi-gabi na lang ay nagbabayad kami ng 25 centavos para mapanood namin siyang sumigaw, umakyat sa poste na parang unggoy at ang finale niya na pinakahihintay ng lahat – kumakain siya ng buhay na manok. takot na takot nga kami sa kanya dahil akala namin ay talagang wild man from the jungle siya. sino ba naman kasing normal na tao ang kakain ng manok na buhay?
Continue reading

LIONS, TIGERS AND BEARS

ang dami kong brush with wild animals last week. naglalaro kami ni pareng mon (siya yung nasa kanan ko sa picture) nung sabado ng umaga nang biglang may bumulaga sa amin na coyote. hindi yung gulay ha – sayote yon. ito yung parang maliit na fox. ano ba ang fox sa tagalog? hindi suntok – box yon eh. hindi rin kant*t – fuck yon eh. anyway, medyo natakot ako dahil naalala ko yung mga pinapanood kong cartoons nung araw. baka kasi mayroon siyang dalang ACME bazooka at tirahin kami. buti na lang wala si road runner. second brush ko na ito with coyotes. dami kasi nito dito sa southern california – in fact, mayroon akong nakikita sa gilid ng apartment namin. akala ko eh tapos na rito – after a short while, may deer naman na lumapit sa amin. it was a doe. yes virginia, doe a deer. a female deer. mukhang maamo ito kasi hindi na natatakot kahit maraming mga tao.
Continue reading

May your troubles be like the old man’s teeth – few and far between

nabanggit ko na ba na nilagyan ng bakal ang ipin ko? nung nagpa root canal ako recently ay kinabitan ng dentista ko yung dalawng ipin ng stainless steel bar para daw may kapitan yung bagong crown (o yung jacket) na ipapalit doon sa luma kong ngipin na muntik nang nahulog sa sabaw nung araw na kumalas ito sa pagka kabit. natatakot nga ako ngayon pag nag travel ako. baka kasi pag pasok ko sa airport ay mag alarm yung mga metal detector. iniisip ko nga, sasabihin ko na lang sa airport security na dati akong nagtrabaho sa saudi at may bulitas ang titi ko.

May your troubles be like the old man's teeth – few and far between