madam auring

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

mahalagang balita: tutulong na rin daw ang pilipinas sa paghanap ng nawawalang malaysian airlines flight MH370. ayon sa isang senior official sa malacanang, ipapadala raw ni presidente noynoy aquino sa kuala lumpur si madam auring ngayong linggo, pagkatapos ng matanglawin.

ang balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.

tawag ng kalikasan

nadiskubre kamakailan ng department of health na extreme confusion ang side effect ng LBM. nadiskubre rin ito ni mang boy kamakailan nung muntik na siyang magbawas sa loob ng dresser ng misis niya dahil sa matinding pagkalito dala ng malakas na tawag ng kalikasan.

Like a dog that begs for something sweet

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

BANGKOK, Thailand (AP) — Thai policemen who break rules will be forced to wear hot pink armbands featuring “Hello Kitty,” the Japanese icon of cute, as a mark of shame, a senior officer said Monday. Police officers caught littering, parking in a prohibited area, or arriving late — among other misdemeanors — will be forced to stay in the division office and wear the armband all day, said Police Col. Pongpat Chayaphan.

sana gawin din yang “hello kitty armband” gimmick sa mga pulis ng pilipinas. kaya lang ang suggesion ko (para naman magkaroon ng kaunting nationalistic epeks) ay ito: ang lahat ng pulis na mahuhuli na nango ngotong ay magsusuot ng darna costume ng isang linggo.

ang video balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.

MANANANGGAL’S REVENGE

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

Garlic Research Shows No Effect on Cholesterol. Although garlic and garlic supplements are widely promoted as cholesterol lowering agents, a randomized study published Monday has found no evidence that garlic works any better than a placebo in reducing blood lipid concentrations.


packingsheet, kain pa naman ako ng kain ng bawang para bumaba ang cholesterol ko. wala naman pala itong ibinibigay sa akin kundi bad breath, malasang ulam at protection laban sa aswang.

HINDI NA RAW BADING SI REV. HAGGARD!

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DENVER – One of four ministers who oversaw three weeks of intensive counseling for the Rev. Ted Haggard said the disgraced minister emerged convinced that he is ‘completely heterosexual’


paano daw napatunayan ng mga ministro na nawala na ang pagka bading ni rev. ted haggard? ang balita ko eh pinabasa raw kay rev haggard ang latest copy ng playboy at tinigasan daw ito.

A soul in tension thats learning to fly

isang araw, sa pila ng customs and immigration sa los angeles international airport…

CUSTOMS OFFICER: “did you bring in any food from the philippines?”

BATJAY: “yes sir, canned goods.”

CUSTOMS OFFICER: “what kind of canned goods?”

BATJAY: “ah, baby crabs. sir”

CUSTOMS OFFICER: “what?”

BATJAY: “20 cans of fermented baby crabs, sir”

CUSTOMS OFFICER: “is that a science experiment?”

BATJAY: “no sir. in da philippines, we call it burong talangka”

ang true story na ito ay inihatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang gatas na may gata”

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

In your eyes of mourning the land of dreams begin

mayroong mini review tungkol sa libro ko doon sa latest sunday inquirer magazine. sinulat ito ni ruel de vera. hindi ko siya kamag-anak pero may sinabi siya na katumbas sa pagkain ng tatlumpung kilong haligi ng talangka dahil nakakataba ito ng puso.

Continue reading

One kind word can warm three winter months

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TOKYO. lumapag si spiderman sa tokyo ngayon upang imbestigahan ang isa sa pinaka importanteng invention ng mga hapon – ang electronic fully automated toilet seats. napag-alaman na muntik nang mahulog si spiderman sa loob ng inodoro pero sa pamamagitan ng kanyang special spidey sense ay naagapan niya ito. ang automated toilet sa japan ay tunay na kinagigiliwan ng mga tao sa tokyo dahil sa kanyang kakaibang epeks – umaandar itong mag-isa pag umupo ka sa trono.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas ng dalagang ina.

Continue reading