Roti Pratah sa Umaga. Tangina, sarap


on my way back to manila from california via singapore.

kakalanding ko lang sa changi at diniretso na agad ako ni eder at leah sa 24 hour roti pratah. ang sarap, bwakangina. it feels like i’ve died and went straight to heaven. ewan ko ba, singapore pulls me, tugs at my heart. perhaps because it feels like my second home. and now i’m on my way back to the place where i was born. apat na taon din akong hindi nakauwi. parati ngang nasa isip ko lately ang concept ng tahanan.

ano ba ang tahanan? ito ba yung lugar kung saan ka pinanganak o ito ba yung lugar na kung saan ka nakatira? hopefully masasagot ko ito habang nasa manila ako ng 2 weeks, but in the meantime…

here i am in singapore and i am loving the food, my friends and everything in between.

Fuckin’ up the scenery, breakin’ my mind

kinuhanan ko ang picture na ito sa ibaba ng flat namin two years or so ago. oo virginia, marami talagang bawal sa singapore:

  1. bawal ang sapatos na may gulong
  2. bawal maglakad ng patagilid na may bola (habang nakataas ang kaliwang kamay)
  3. bawal mag motorsiklo na walang driver
  4. bawal pumulot ng papel ang putol na kamay

In the chill of night at the scene of a crime

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SINGAPORE. lumusob si spiderman sa singapore kamakailan upang mag apply bilang isang tourist guide. habang umaakyat si spidey sa isang hotel ay may nakita siyang lalaking nakatambay sa balcony. kanya itong ginulat at muntik nang maihi sa takot ang kawawang lalaki. buti na lang at walang nakatingin.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.


Continue reading

SEE THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

hello mylab.

kamusta ka na? miss na kita. sana narito ka rin sa singapore dahil mas masaya sana kung kasama kita rito. nakita ko ulit ang mga kaibigan natin nung isang gabi. kumain kami sa kiong siak ng fish head curry at yung paborito nating shrimp paste fried chicken.

tapos the other day, pumunta kami si office at napadaan sa dati nating tinitirahan. nakita ko yung neighborhood at yung mga kalyeng nilalakaran natin nung dito pa tayo nakatira. nakita ko rin yung blue mosque sa likod ng bahay natin, yung school sa tapat nito at yung loyang point na madalas nating binibilhan ng grocery. bigla lang akong nalungkot. ewan ko ba. pakiramdam ko kasi, bisita na lang ako rito – wala nang claim of ownership sa lugar na itong minahal natin ng husto.

tawag na lang ulit ako mamaya. pahinga ka na.

lab U!
jay

p.s. nag email nga pala sa akin si emman na taga philippine daily inquirer – lalabas daw bukas sa global pinoy section yung interview niya sa akin tungkol sa libro at pagiging OFW. magpapabili ako ng copy sa mommy. sabihan mo rin ang mga taga jordan na bumili ng sunday inquirer bukas.

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.
Continue reading

One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

I like flowers, I also like children

bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

We could learn a lot from crayons

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

Continue reading