21 guns

dalawampu’t isang taon na kaming kasal ni jet ngayong araw na ito. nagugulat nga yung mga hindi nakaka-alam sa milestone na ito. una, dahil sa sobrang taas ng divorce rate dito sa california, medyo may pagka anomalya ang situation namin. ikalawa, kahit betlog brown ang kutis ko, hindi nila inaakala na mayroon akong relationship na umabot na sa 21 years dahil siguro, sa mata ng mga amerikano naming kakilala, mga baby face kaming dalawa.

simple lang gusto kong celebration – kakain kami ng paborito kong sinigang ngayon, at saka bukas ay magpapamasahe kami sa massage parlor na mahal sumingil.

happy anniversary mylab. maraming salamat sa pagmamahal at sa pagtawa sa mga corny kong jokes.

Happy Birthday Mylabopmayn

happy birthday, mylabopmayn.

alam ko, yung nakaraang taon ay medyo mahirap dahil sa lahat ng nangyari kaya ang hiling ko, sana mas maging masaya at bagong taon na ito para sa iyo. actually, kinaya mo naman lahat ng dumating at lumabas kang mas astig. reregaluhan sana kita ng bagong Wii kaya lang yung mga bwakanginang mga tindahan eh out of stock lahat. makilaro na lang tayo sa kapitbahay habang naghahanap ako. in any case, happy happy birthday.

with so much love,
jay

The circle’s been complete

seventeen years na kami ni jet ngayon. iniisip ko nga kanina kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kung hindi kami nagkakilala. wala akong ma-imagine na scenario. para kasing sinulat sa isang action packed na storya kung ano ang magiging direksyon ng buhay naming dalawa. we were meant to be – bwahaha, what a fucking cliche.

lahat ng magandang nangyari sa akin ay hindi ko hinanap, kasali na rito ang pag krus ng landas namin ni jet. basta, dumating na lang siya sa buhay ko sa takdang panahon and my world changed from then on. dylan probably said it best.

Ever since you walked right in,
the circle’s been complete,
I’ve said goodbye to haunted rooms
and faces in the street.

yung pagkakilala namin ay nangyari sa punto ng buhay namin na tamang tama para sa isang relationship. if it had come sooner, malamang ay hindi kami nagkatuluyan. if it would have come later, malamang ay para lang kaming dalawang barko na nagkasalubong sa dagat. suwerte lang siguro ako na sa dinami rami ng mga pwedeng mangyari sa buhay ko ay nagkakilala kami ni jet.

ngayon ay seventeen years na kaming kasal. seventeen fucking years. who would have thought?

mylab, kung nababasa mo ito, para sa iyo ang kantang ito. a reaffirmation of sorts, gusto ko lang sabihin, mahal pa rin kita kahit ulyanin na ako ngayon at puno na ng puting buhok. maraming salamat sa labimpitong taon.

with all my love.
jay

An extraordinary girl in an ordinary world


happy birthday mylab.

the past two years have been a struggle for you, i know, but you’ve persevered. you really are so much different. i watch you all the time and i’ve noticed that you are far more confident and content now than when we first arrived in this strange land.

it took a lot to get to where you are now and i just want to tell you how proud i am of you.

you’ll do even better as we go along. you’ll thrive and you’ll make the people around you happy in the same way that you’ve made me happy. all they need to do is hear your unmistakable laugh and everything will be ok.

thank you for everything you’ve done for me.

with so much love,
jay

PS – i look forward to the pansit bihon that you are going to cook today. we haven’t had that for a while. lab U!

IT IS THE STAR TO EVERY WANDERING BARK

happy anniversary mylab.

libreng piktyur nung party sa opis, ang kuripot ko talaga

ngayon lang ata tayo nag celebrate ng anniversary natin ng naka bakasyon. all throughout our marriage, either nagtatrabaho tayo or walang masyadong pera para makalabas. it’s about time.

Continue reading

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading

WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Continue reading

HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

jayjetfs
happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

Continue reading

25 may 2002, 11TH WEDDING ANNIVERSARY

tomorrow, 25 may 2002, holiday rin sa pamilya dahil 11th wedding anniversary namin ni jet. wow… it’s been a long trip man! pero di bad trip ah. hehehe… naalala ko pa nung kasal namin, a long long time ago. nasa labas kami ng munisipyo ng kalookan kasama ang ninong ko – ang pangalan niya ay si Dr. Boyet Silverio (kilala nyo ba siya? hehehe), at ang isa ko pang ninong na si mael (hindi siya malibog ha!).

kaming dalawa lang ni jet, kasi simpleng kasal lang ang gusto namin. ni wala ngang kamag-anak, kahit parents namin eh wala… wala kasi akong pera nung araw. nag sisimula pa lang kaming mag-ipon. reception nga ng kasal namin eh sa jolibee lang. nung panahong iyon kasi, pang jr. champ with fries at chicken joy lang ang budget namin. doon pa nga ata kami kumain sa sangandaan. at saka, kaming dalawa lang ni jet, di ko na inimbita ang 2 ninong namin – gastos lang iyon.

wala rin sing-sing, kasi walang pambili. isipin mo, ang suweldo ko nung panahon na iyon ay 2,000 pesos per month. kulang pa ngang pagkasyahin sa pamasahe at pagkain papuntang trabaho, sing-sing pa makakabili. dehins pre. inisip ko na lang, kung mayrong diyos – maiintindihan niya, dahil hindi naman siya tumitingin sa mga bagay na walang kabuluhan.