the prize we sought is won

oh captain my captain, by walt whitman – i first learned the poem in 2nd grade english class, 43 years or so ago. my english teacher, miss patao, asked me to join the school declamation contest after she heard me recite a few verses. i won gold.

i am now 50 years old and to this day, i can recite every line.

well, almost every line 🙂

Dilaw na Magaling Sumisid

dear mang boy,

di ko maalala kung ano ang pinakauna kong kanta ng beatles na narinig kasi walang patid ang pagpapatugtog ng pamilya namin sa musika nila simula nung ako’y musmos pa lamang.

19900570129_03bcb23465_o

ang naalala ko ay ang pinakauna kong paboritong kanta ng beatles at siyempre galing ito kay ringo, opolpeepol

20079315742_3775a51206_o

19466232103_4903b0c739_o

“so we sailed into the sun, till we found the see of green” – the Beatles

20079292342_9dd7c977b1_o

nagmamahal,
unkyel batjay

hubad-hubad

3574638555_b3a3a423df_onung bata kami ni Dennis Dalusong, parati kaming nakahubad (oo mang boy, once upon a time, lumakad kaming hubo sa mundong ibabaw). mainit kasi sa pilipinas at sa tingin ko, gustong ipakita ng mommy ko ang katawan naming pang romansa at ang kili-kili naming may libag.

naalala ko pa nung kinuha ang larawang ito. kung di ako nagkakamali, ihinatid namin sa airport si tiyong anas, ang uncle kong matulis. pupunta siya sa barko niya.

merchant marine si tiong anas. pogi, matangkad, chick boy, nakakatawa. siya yung tipo ng lalaki na lapitin sa mga chicks at kung ika’y lalaki, gusto mong kaibiganin. malapit siya sa daddy ko at idol ko silang dalawa.

kakamatay lang ni tiong anas. kung may dako pa roon, siguro kasama niya ang daddy ko ngayon. nambababae siguro  ang mga matutulis.

#8 Dream

nung high school ako, ang isa sa mga malimit kong nightmare ay anatomical. parati na lang sa mga panaginip ko, ang scenario ay gumigising daw ako isang umaga at pagharap ko sa salamin, bigla kong makikita na may malaking titi ako sa noo.

conundrum

bola-bola with sweet sauce o bola-bola with spicy sauce? singkamas na may bagoong o manggang hilaw na may bagoong? lumpiang sariwa o lumpiang prito? banana cue o kamote cue?

yan ang mga pinakamahirap na mga desisyon na kailangan kong pag-isipan nung 8 years old ako.

You’re comin’ thru to me in black and white

yung mga parents ko, hindi rin nila pinili para sa akin kung ano ang dapat kong maging propesyon. maswerte ako dahil hindi sila conventional na pinoy na magulang at the time na halos ipilit nila sa mga anak kung ano ang dapat na kuning course sa college.  di ba nga, yung mga ibang mag-asawa, mag-aanak ng anim para mayroon silang doctor, engineer, nurse, abogado, accountant at pari. tapos pa nga, yung mga nasa probinsya, gagawa ng sangkatutak na karatula para i-display nila ito sa labas ng bahay yung mga natapos ng kanilang mga anak. halimbawa, kung gusto ng mga magulang ko na mag paskil ng karatula sa labas ng bahay namin, pwede nilang ilagay:

Nicanor S. David, Jr.
Computer Engineer
(tumatanggap din ng labada pag linggo)

Continue reading

In the blinking stardust of a pale blue light

half day ng buong buwan ng enero nung senior year ng high school ko ay devoted sa career orientation. nag iimbita yung guidance counselor namin na si miss yap ng mga alumni galing sa iba’t ibang mga propesyon para magsalita tungkol sa kanilang mga career. ang objective ng activity na ito ay para malaman mo kung ano talaga ang gusto mong maging, pag laki mo.

Continue reading