Your old road is rapidly aging

naghihintay pa rin ako ng progress report tungkol sa nireklamo ko na racist employee ng philippine airlines. pagkatapos nilang sumagot doon sa mga una kong sulat ay bigla na lang tumahimik lahat. 7 weeks na ang nakakaraan at wala pa rin akong naririnig kung ano na ang nangyari doon sa bastos nilang empleyado sa los angeles international airport. nagtatrabaho rin ako sa isang customer oriented business kung saan ang responsiveness sa mga cliente ay importante kaya sensitive ako sumagot at umaksyon sa mga reklamo.

kung after 7 weeks ay wala pa rin silang reply, they are either really fucked up, just plain insensitive o kaya ay napikon dahil na feature sila sa article ni sassy sa manila standard tungkol sa reverse racism.

I’ll follow the sun

mga pagmumuni-muni sa twitter habang nagpapa renew ng passport sa philippine consulate sa los angeles nung friday:

11:48 AM – nasa phil consulate sa LA. serving number 23 ngayon at 182 ang sa akin. mamayang gabi pa siguro ako tatawagin. tangina.

11:50 AM – 5 windows sa consulate at isang window lang ang nagaayos ng passport. tangina

11:52 AM – lunch time na at nagugutom na ko. kain muna o maghintay sa pila? tangina

12:14 PM – nasa korean resto sa la for lunch. this town feels weird, its american and yet its asian

01:20 PM – dito sa consulate ng LA para ka ring nasa pilipinas, marami ring nakatambay sa gilid na mukhang goons na fixer.

01:22 PM – mayroon ding mga sumisingit na may kilala sa loob ng consulate. putang ina.

01:48 PM – karamihan ng mga nakapila rito sa consulate ay mataba. dala siguro ito ng masaganang pamumuhay nila sa amerika

01:50 – mayroon ding picture ni gloria rito sa consulate. parang gusto ko ngang drowingan ng sungay

02:03 PM – sarap mangulangot pag naghihintay sa pila dito sa consulate. nahihiya lang ako kasi baka may makakilala sa akin.

02:08 PM – malapit nang tawagin ang number ko rito sa consulate. pag tinawag ang number ko, sisigaw ako ng “BINGO”

02:19 PM – malakas ang appeal sa akin ng linoleum na kulay gray. para kang naglalakad sa abo

02:20 PM – o may sumingit na naman sa bwakanginang pila dito sa consulate. para ka talagang nasa pilipinas, anobayan

02:22 PM – yung naningit na babae ay sakang maglakad. sabi ng teacher namin sa chemistry kaya raw ganito ay dahil pahalang ang pekpek nila

02:30 PM – BINGO!

ang limang oras na paghihintay na ito sa philippine consulate ay hatid sa inyo ng ruby blade pomade, ang pomada ng mga nag-aahit.

Like a band of gypsies we go down the highway

mahirap magkaroon ng LBM habang nasa gitna ng pagbibisikleta paakyat ng bundok papasok sa opisina. gusto mong huminto pero wala namang banyo. ito yung pagkakataon na hinihiling mo na sana’y isa kang aso para pwede kang makipag sex at umebs sa kalye at hindi ito babagabag sa iyong konsensya.

ang makahulugang pagmumuni-muning ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk, ang gatas na may gata.

Holy Water

naghuhugas ng pinggan si jet nung linggo nang bigla akong lumapit sa lababo. nakita ko na puno ng tubig yung isang malaking tasa kaya ang ginawa ko ay isinawsaw ko ang daliri ko sa tubig at nag sign of the cross. binatukan niya ako.

ang true to life storyang pang mag-asawa na ito ay hatid sa inyo ng “ruby blade pomade, ang pomada ng mga mga nag-aahit.”

Unraveling wherever I’m traveling

narito na si jet sa bahay kaya hindi na ako member ng SMAP. sinundo ko siya nung huwebes ng gabi sa los angeles international airport. dumating siya via a philippine airlines flight. oo, same airline na may fucking racist na nag walanghiya sa amin, three weeks ago. hanggang ngayon ay wala pa ring action ang PAL doon sa reklamo ko. sinulat nga sila ni sassy sa column niya sa manila standard.

ang sarap palang mag abang sa airport dahil ang dami mong makikita. una, nakita ko si KC concepcion (oo yung anak ni sharon at gabby) na kasabay pala ni jet sa flight. may dalawang bodyguard ang bruha at isang katerbang mga fans na bigla na lang sumulpot na parang kabuti sa arrival area. may nakatabi rin akong russian na shuttle driver na may bad breath. tanginangyan, ang daming bakanteng silya sa paligid, sa tabi ko pa umupo ang bwakanginang amoy imburnal ang hininga.

Lovers they walk by, holding hands two by two

holiday ngayong lunes dahil labor day dito sa amerika. traditionally, the last day of summer. para sa mga nakatira sa mga northern states, ito na yung huling pagkakataon para ma enjoy ang init ng araw. in a few weeks time, magbabagsakan na ang mga dahon sa mga puno at bigla na lang liliit ang titi mo sa lamig. in a month or so, it will start to snow at maaga pa lang ay magdidilim na. fall and winter will set in at tataas na naman ang suicide rate.

mahirap mabuhay ng nag-iisa. mas mahirap mabuhay ng nag-iisa sa malamig na lugar. naisip ko tuloy yung mga kwento sa buhay ni Marcelo H. del Pilar during his last months in spain. it must have been tough. OFW rin si plaridel that’s why i could identify with the pain.

The walls of my room are closing in

nag donate ulit ako ng dugo kanina. parang panata ko na yata ito. every two months kasi ay nagpupunta ako sa kung saan ang blood drive ng red cross sa city namin at nagbibigay ako ng dugo. gustong gusto kasi ng mga bampira ang dugo ko dahil type O (as in okray) , i.e., universal donor. ibig sabihin kung mayroong nabaril sa daliri habang nangungulangot at nangailangan ng dugo, pwede nilang gamitin ang dugo ko, kahit anong blood type pa sila.

Continue reading

11 Tracks of Whack

pag wala ang asawa mo sa bahay, magulo ang buhay. simula nung umuwi si jet sa pilipinas, nag-iba ang oras ng pagkain ko, nakakatulog ako ng wala sa oras at nagigising ng madaling araw. tanginangyan. tapos pagdating sa opisina, gusto mong magtrabaho na lang kasi wala ka rin namang dadatnan pag-uwi mo. sulit tuloy ang ibinabayad ng boss ko sa akin, may interest pa. out of whack ata ang tawag ng mga amerikano rito. i am out of whack at ang mission ko for the next few days is to get back into the rhythm of the conga.

but for now, it’s 2 in the fucking morning and i am still awake. manonood na lang siguro ako ng soft porn sa HBO. gardenget.

A little girl with a trophy so soft to buy her way

isa sa mga nami miss ko simula nung lumipat kami rito sa amerika ay ang mamalengke. puro kasi mga costco, grocery at supermarket ang makikita mo rito. mga malalaking tindahan na although malinis at efficient ay wala namang masyadong kaluluwa. tapos, hindi ka pa pwedeng makipag landian sa mga tindera at bawal din tumawad.

at ewan ko ba, mas gusto ko ata yung amoy ng bagong katay na baboy at yung mabagsik na lansa ng daing at tinapa. gusto ko rin napuputikan yung tsinelas ko habang naglalakad ng paikot ikot sa isang maingay, magulo at puno ng taong palengkeng pinoy.

Reductio ad absurdum

this weekend, eksaktong tatlong taon na kami ni jet dito sa america. parang kisap-mata lang. naalala ko pa nung pagdating namin, exciting at nakakatakot at the same time dahil hindi ko alam kung ano ang dadatnan dito sa amerika. pakiramdam ko, para kaming mga bagong panganak ni jet – walang kamuwang muwang sa takbo ng buhay amerika. naalala ko tuloy ang nakakatawang circumstances na typical na nangyayari sa mga tulad naming kakarating lang dito sa california.

Continue reading