nag donate ulit ako ng dugo kanina. parang panata ko na yata ito. every two months kasi ay nagpupunta ako sa kung saan ang blood drive ng red cross sa city namin at nagbibigay ako ng dugo. gustong gusto kasi ng mga bampira ang dugo ko dahil type O (as in okray) , i.e., universal donor. ibig sabihin kung mayroong nabaril sa daliri habang nangungulangot at nangailangan ng dugo, pwede nilang gamitin ang dugo ko, kahit anong blood type pa sila.
nakakainis lang dahil minsan aabutin ka ng isang oras sa dami ng mga kailangang gawin sa iyo . una muna, mayroong question and answer sa computer. tatanungin ka ng kung ano-ano: mayroong ka bang aids, tulo, malaria. nakipagsiping ka ba sa bading, galing ka ba ng africa, etc. etc. kinunan ko nga ng litrato yung isang tanong dahil natawa ako habag binabasa ko.
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
pagkatapos ng mga tanong sa computer, mayroon namang lalapit sa iyo na taga red cross para sa isang maikling interview. typical questions – what’s your name, where do you live, what’s your birthday, what’s your sex? “always” ang parating sagot ko. hehehe. tapos tinanong din ako kanina kung galing ako sa labas ng USA during the past 12 months.
sabi ko – “yes, singapore and philppines”
tapos pinasok ng taga red cross ang information sa computer. after 10 minutes ng paghihintay, tinawag niya yung isa niyang kasama dahil wala raw siyang makita na siyudad sa pilipinas na “singaporen” ang pangalan.
sabi ko “gago. singapore AND philippines. i was in two countries last april.”
“ah, ok” sabi ng taga red cross. tapos pinahiga na niya ako at kinuhanan ng dugo. masakit ang tusok ng bwakangina.
hello po sa inyo…mr. batjay…matagal na akong lurker and fan ng site niyo…halos ihampas ko na ang sarili ko sa pader sa kakatawa sa mga posts ninyo…anyway, more power sa inyo… also, check out the site of nakanampucha.wordpress.com (a compilation of everything hilariously and irritatingly Pinoy…) I think you will like it too! Ciao!
hehehe. ayos, natawa ako sa site. salamat sa pagbisita. malaki na ba ang bukol mo?
wala pa namang bukol…nagkukulay blue lang ako sa dami ng pasa…
ah ok. ingat na lang.
tol,
ok lang yung mga tanong sa iyo before they get your blood. gusto lang nilang makasiguro kung ayos ang dugo mo. very much the same ang procedure dito sa atin ng philippine red cross. ang mahalaga you are donating blood to help somebody and not selling it. at its good for your health because your body will be producing new blood to replace what was donated. just be sure to drink cerveza negra (kung meron diyan) and eat at least 3 balots (kung meron din diyan) and a good rest to regain your strength. in no time you will be your old self. have a nice day bro!
as always….bong
magkano ba bentahan ng dugo sa pilipinas? titinda ko next time kaming uuwi para may pang sine.
500 pesos ang isang bag though not sure kung ilang cc yun…. meron nga rin ditong nagbebenta ng ngipin(as in nagpapabayad para bunutin ang ngipin nila.. pinagpapraktisan ng mga dentistry students),bato, atay at who knows kung ano pang ibang lamang loob o parte ng katawan
nung nagkaroon ng blood donation drive ang red cross sa school na pinasukan ko nung college gelatin ang pinakain samin…..hindi ko alam kung bakit
500 pesos, hmm… magkano na ba ang sine ngayon sa pilipinas?
dugo, ipin at atay. baka sa susunod na mababalitaan ko, pati kulangot ay ibinebenta na.
sa mga sosyal na sinehan tulad ng mall of asia around 200 to 300 ata… pero sa karaniwang mall 200 max so ganun pa rin… mane na lang at palamig instead of popcorn and soda ang madadalang pagkain sa loob kung 2 kayong manonood ehehehe
mahal na rin pala.
dito sa amin, $11 ang main event, $15 ang imax, but i cant get if for $6 sa opis namin. kaunti na lang ang diperensya.
Salamat Kuya BatJay for making me laugh out loud today!
hehehe.
tol,
dito sa festival mall cinema sa alabang, 120-130-140 pesos ang bayad sa sine (depende sa palabas) at free seating pa (wala ng orchestra or balcony). the cinema management here is also adapting yung sistema sa singapore and america na you watch the movie at the assigned time at me seat number pa. in this way, maiiwasan yung mga natutulog lang sa loob ng sinehan at everybody will be watching the movie very comfortably at maiiwasan na rin mga nakatayo sa ailes dahil after the movie lalabas lahat ng mga tao.
tama si usagi, almost all parts of a human being here can be sold complete with an agent (middleman) who arranged everything for a fee (of course). sad to say but that’s how desperate filipinos are now! you can ask ma’am jet when she returns. well, that is life. just remember it when you feel like coming back (read: come back to pinas when you retire and ready to die). take care bro!
as always……bong
buti nalang di ka tinanong kung TULE ka na ba? at saan ka nag pa tule SA DOCTOR o sa ILALIM ng NYOG? or yong tanong na: Dati ka bang BABAE? o kang babae ang Donor: Dati ka bang Lalaki?
dito sa amin walang seat number ang ticket. di masyadong high tech kaya kailangan mong pumila ng maaga para makakuha ng magandang silya sa sinehan.
pag naovercome ko na ang takot ko sa karayom at dugo, pwede na rin ako magdonate. hehehe. =D astig kayong walang takot sa tusok!
yung katabi ko sa blood drive, putlang putla – first time niya ata kaya kabado.
matagal tagal na rin mula nung napadalhan ako ng red cross ng aking 2-gallon donor pin. lagi lang busy sa opisina kaya pag dumadating ang blood drive bus, pass muna ako.
O ka pala. alam mo yung super tt entry mo, sabi ko me naalala ako. oo nga, ikaw yun. naalala ulit kita bossing, sampu ng iyong O, nung nakita ko yung t-shirt na suot ng isang noypi sa downtown. sabi ga, “malaki ang titik O”.
Ispeeking of bampiras…
Si Drakula, parang napansin ko sa lahat ng pelikulang ginawa tungkol sa kanya, hindi s’ya mashadong nag i -i screen ng taong sisipsipan ng dugo sa leeg. Hindi kaya punong puno na sya ng sarisaring sakit?
yan ang premise ng red rain na storya ng dracula vs batman
I guess you can call me Dracula. Si misis kapag nangalabit sa akin… regardless kahit na meron siyang “buwanang bisita” ino oral ko pa rin just to show my love and deep passion sa relationship… hehehehehe I know it’s sort of kadiri to death pero minsan lang tayong mabuhay sa mundo… yun lang!!!!!
omg!
Pare tulong naman for a 1 million question: SAAN GALING ANG SAKO?
hey C. malaki ang titik “O” – BWAHAHAHAHAHA.
Saan galing ang sako? Teka… ang sako eh ginawa para lalagyan ng palay na pinangtutuka sa manok na galing sa itlog… then, ang itlog eh galing sa manok na tumutuka sa palay na nanggaling sa sako… ahaaayy ano bang klaseng cycle yan… ang gulo ng utak ko… hehehehehe
Pare ikaw ata ang galing sa itlog.
very depressed at hindi ako makatulog, nabasa ko ang “the walls of my room are closing in” and I could not help laughing. It was around 2:30 a.m. at bigla na lang akong napahalakhak…thank you for the temporary relief.
magkano na ba talaga and bentahan nang dugo ngayun? to be specific AB+? anyone?