mga pagmumuni-muni sa twitter habang nagpapa renew ng passport sa philippine consulate sa los angeles nung friday:
11:48 AM – nasa phil consulate sa LA. serving number 23 ngayon at 182 ang sa akin. mamayang gabi pa siguro ako tatawagin. tangina.
11:50 AM – 5 windows sa consulate at isang window lang ang nagaayos ng passport. tangina
11:52 AM – lunch time na at nagugutom na ko. kain muna o maghintay sa pila? tangina
12:14 PM – nasa korean resto sa la for lunch. this town feels weird, its american and yet its asian
01:20 PM – dito sa consulate ng LA para ka ring nasa pilipinas, marami ring nakatambay sa gilid na mukhang goons na fixer.
01:22 PM – mayroon ding mga sumisingit na may kilala sa loob ng consulate. putang ina.
01:48 PM – karamihan ng mga nakapila rito sa consulate ay mataba. dala siguro ito ng masaganang pamumuhay nila sa amerika
01:50 – mayroon ding picture ni gloria rito sa consulate. parang gusto ko ngang drowingan ng sungay
02:03 PM – sarap mangulangot pag naghihintay sa pila dito sa consulate. nahihiya lang ako kasi baka may makakilala sa akin.
02:08 PM – malapit nang tawagin ang number ko rito sa consulate. pag tinawag ang number ko, sisigaw ako ng “BINGO”
02:19 PM – malakas ang appeal sa akin ng linoleum na kulay gray. para kang naglalakad sa abo
02:20 PM – o may sumingit na naman sa bwakanginang pila dito sa consulate. para ka talagang nasa pilipinas, anobayan
02:22 PM – yung naningit na babae ay sakang maglakad. sabi ng teacher namin sa chemistry kaya raw ganito ay dahil pahalang ang pekpek nila
02:30 PM – BINGO!
ang limang oras na paghihintay na ito sa philippine consulate ay hatid sa inyo ng ruby blade pomade, ang pomada ng mga nag-aahit.
tol,
tawa ako ng tawa habang binabasa ko ang time table na ginawa mo. did you get your passport kagad? kung nakuha mo agad eh masuwerte ka pa rin dahil dito sa DFA sa pinas eh you will spend about the same time or even less pero 3 weeks bago mo makuha yung renewed passport mo. kaya lang wala ka naman magagawa kundi sumunod dahil mawawalan ka ng travel documents kapag hindi mo pinarenew ung passport mo. at meron din diyan na mga tambay na parang mga fixer? brod, are you sure nasa los angeles ka at hindi sa roxas blvd tabi ng cuneta astrodome?? tol, balitang balita na nireject ng US congress ung bail out proposal ni bush? i dont worry about you and ma’am jet dahil bago pa lang kayo diyan at hindi pa masyadong nakapasok sa system ninyo ang american way of life kaya konting tipid for the rainy days ahead ( if i may say so).
have a nice day brod!
warm regards (as always)…..bong
6 weeks para sa bagong machine readable passport dahil sa pilipinas pa ito ginagawa at kailangan na ngayon ng personal appearance. hindi na pwede by mail.
5 hours of waiting sa phil consulate sa LA? Aba eh may time pa ako niyang bumiyahe sa Gardena, CA at mag pamasahe at mag relax sa mga massage parlor doon… tsk tsk tsk ang gaganda pa naman ng mga bebot na Korean at Vietnamese diyan hehehehehehe
omg, unkyel!!!!! “pahalang yung pekpek nila” LOL! im easily amused. kailngan ko ng depends if and when i see you. i could barely hold my pee laughing.
i finally got my NC driver’s license. my heart broke and i cried when i surrendered my CA driver’s license. that process would have taken me three to four hours in CA. i finished it in less than an hour. took the test, passed, took my picture, and off i went. the dmv employees are amazingly super duper nice and very professional. unlike their arrogant sobs counterparts in CA (especially in the Bay Area, and the pinoys – whoo weee!) think they are god sent to human…..errr, they think they are god!
I wrote the dmv in mt holly, nc a very nice letter expressing my gratitude for such a wonderful experience. a wonderful experience that I had never and will never, ever have in CA dmv offices.
jay, panalo talaga mga posts mo. naaliw na naman umaga ko dito sa vancouver. bakit kaya ganon ang sistema, kasi dito sa vancouver, ganyan din kabagal ang proceso. at of course, ang mga sumisingit eh hindi nawawala. kumuha kami ng canadian passport namin recently, it was so easy. fill-up ka ng form online, print, then, bring it to their passport processing center, wait for 2 weeks, ayon, nasa mail mo na kaagad sa bahay. it was so quick and painless. hehehehe.
2 weeks. ang galing – gawa ba sa maple leaf ang mga passport ng canada?
hey mye. ayan, talagang taga NC ka na ngayon. i keep hearing good things about north carolina. it’s a place jet and i would probably want to visit in the future. i did have a bad experience with the person who was with me during my actual driving test in santa ana. he was borderline rude.
nagrenew din ako ng passport bossing sa minnesota. luminya ako ng alas-onse ng umaga (sabado) natapos ako linggo na, alas-dos ng madaling araw! simot nga kulangot at pasensya ko.
talaga? anong bansa ba ang kinuhanan mo ng passport?
pilipinas kong mahal, bossing pero baka akala ng mga taga konsulada e passport going to mars ang inaaplayan ko. dokleng na nga ako sa pagod, gutom at puyat muntik pang paulit yung thumbmark. muntik na tuloy akong mapa-tangna!
wow, hanggang madaling araw. sana mayroong pasayaw para naman hindi nainip yung mga aplikante.
kawawa naman kami. kailangan pumunta ng washington para mag-renew at kailangan nga daw ng personal apirans. balak ko drive na lang kami, kaso mga 675 miles mula amin.
sabi ko nga ke esmi, dapat winala na lang niya sa pinas bago pumunta rito, mas madaling gumawa ng affidavit. 🙂
nung ginala kami ni utol sa el ey at sa holiwud, ano ba yan feeling ko eh nasa recto at quiapo kami, merong stall na nanunungkit ng naka-display na damit para sa mga customer, parang sa atin.
ang layo pala. so wala palang excuse kahit out of state, kailangan mag appear sa embassy o consulate.
hirap yon sa inyo.
tol,
is the american passport machine readable? dito kasi sa pilipinas eh ginawa ng DFA na machine readable yung mga passport na ini-issue nila to prevent faking the real passport. ang tanong ko lang eh yung bang machine readable passport natin eh compatible ba sa mga machine ng immigration officer ng bansang pupuntahan ng pinoy? or kung meron bang machine yung airport na pupuntahan ng pinoy to read those passport?? i remember my first passport, brown na rectangle na 2 years lang ang validity when other countries ay 5 years ang validity. then lumiit yung passport up until before this machine readable eh naging 5 years ang validity when other countries ay 10 years na ang validity. what am i trying to say? gumagawa lang ng PERA ang DFA. another thing is when securing a local driving license. saan ka naman nakakita na requirement na magpa drug test ka before you can apply or renew a driver’s license. gago ka ba naman na gagamit ka ng drugs a day before you renew your driving license? 350 pesos ang bayad sa drug test. di ba maliwanag na gumagawa lang ng PERA ang LTO? buti na lang suspended ang drug testing sa latest na balita ko. nakakainis talaga! anyways, just enjoy life while you can. have a nice day brod!
as always…..bong
oo, machine readable ang US passport, at oo machine readable na rin ang bagong RP passport at compatible ito sa lahat ng mga machine na nagbabasa ng mga machine readable passports.
hay fafa, nagtataka ka pa ba? eh kahit naman nasa ibang bansa na sila, kung mga pinoy pa rin ang nagpapalakad, eh di para pa ring pilipinas yun.
nung kumuha ako ng canadian passport ko, wit na ako apir, send lang ng application and photos. and to think nagrereklamo pa ako nun kasi iba ang requirements nila ng passport photos kesa sa US kaya hirap akong maghanap ng kukuha ng picture sa size-requirement nila. pero painless pa rin, kumpara sa pagkuha ng pinoy passport.
pero now that i think about it, nung asa canada pa ako at hindi pa ako canadian citizen (mga 7 years ago?), hindi pa nun required ang personal appearance. pinadala ko lang ang passport application ko sa vancouver tapos ok na.
I guess the more red tape, the more money. hayyyyyyyyyy
NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
pero in fairness naman doon sa mga nasa bintana, mababait naman sila at madaling kausap. yung ambiance lang doon sa waiting area ang pinoy na pinoy. tapos sinabayan pa ito ng matagal na paghihintay.
i hate waiting dahil kung ano-ano ang napapansin ko at nakikita. para tuloy akong nasisiraan ng ulo.
Hi Jay…. your post is really funny. Keep it up!
Maiba usapan, are you still running? I was gonna sign up for the Long Beach marathon (Oct 11), pero I wasn’t able to keep up with training….
Ooops, sorry! I should have read your previous blog regarding “Race for the Cure.”
ok lang dyan idol batjay…phil. embassy dito sa singapore ala mo naman siguro kasi galing ka dito..parang bahay kubo lang at sigurado tulo pawis mo dito sa kahinhintay kasi nasa labas ka lang 🙂
ay oo nga pala kailangan ko rin mag renew ng pasaporte…buti napadaan ako dito..hanggang oct 7 2008 nalang yun.
kapag naaalala ko ang mga siste-sistema ng mga dokumento sa pilipinas eh doon ko naaalala na gusto kong umalis.
sa singapore, puro online na lahat.
Buminggo ka naman pala eh. Ano napanalunan mo? Sakit ng ulo at asim ng sikmura ano? PAra ka ngang nasa pinas nyan. Old habits never die no?
Hahahahaha!
Maswerte ka pa rin sa akin. Nung nagpa-renew ako sa L.A. Consulate last year, sabi sa akin, ‘Sir, hintayin nyo na lang, i-rerelease po namin ngayong araw na ito”. Hintay ako from 1 pm to 430 pm. Nung tinawag na number ko, sabi sa akin, “Ay, sir, pinadala na po namin by mail sa bahay nyo.” WTF?????
ung tito ko tiga winnepeg canada at misis nya lumipad tungo sa toronto
phil consulate para kumuha ng ecard, tas nung andun na sa konsulado
sa toronto, sinabihan na bumalik na lang daw na para bang kapitbahay
lang ang winnepeg… kasi….
sira daw ang photo reader machine nila.
tangina talaga! buset