Holy Water

naghuhugas ng pinggan si jet nung linggo nang bigla akong lumapit sa lababo. nakita ko na puno ng tubig yung isang malaking tasa kaya ang ginawa ko ay isinawsaw ko ang daliri ko sa tubig at nag sign of the cross. binatukan niya ako.

ang true to life storyang pang mag-asawa na ito ay hatid sa inyo ng “ruby blade pomade, ang pomada ng mga mga nag-aahit.”

13 thoughts on “Holy Water

  1. wahahaha that was very funny tindi talaga ng sense of humor nyo sir!!!
    sa simbahan dito sa pinas…mga bibihirang pagkakataon na pumapasok ako sa simbahan walang tubig yung malaking tasa sa entrance ng simbahan hndi ko tuloy mabasa ang noo ko pag nag-aantanda…naiisip ko minsan nagsoshort na ba ang supply ng holy water??o hindi pa nakakapagdeliver ang water purifying center nila? o hindi sila nakapagbayad sa maynilad? weheheehehehe

  2. Kung kunwari merong blessing na nagaganap, at hindi ka napatakan ng holy water, hindi ka ba na-bless n’on? Kung nabasa naman yung katabi mo ng todo-todo, mas blessed ba siyang matuturing kaysa sa’yo?

  3. sabi nung isang sira-ulo sa amin na iglesia ni phantom na pinapa convert namin sa catholicism – ayaw na raw niyang maging katoliko kasi mahilig daw magkamot ang mga ito lalo na pag dumaan sa harap ng simbahan. kamot noo, kamot tiyan, kamot magkabilang balikat.

    ang hirap daw.

  4. Tungkol doon sa tanong ni mark i. kung mas blessed yung taong nabasa ng todo todo sa holy water, may kwento dyan eh…

    Meron isang babae na ubod ng bait pero kapos na kapos sa pera kaya isang araw ay nagdasal siya at humiling na sana eh patamain siya ng lotto. Tapos bigla na lang may boses na sumagot mula sa ulap anya, “Ineng dahil sa super bait kang tao eh pagbibigyan kita basta magpahid ka lang ng holy water sa katawan mo!”. Laking tuwa ng pobreng babae kaya’t nagpunta siya kaagad sa pinakamalapit na simbahan at nagpahid kaagad ng holy water.

    Noong gabi na iyon ay lumabas na ang resulta ng lottery winning pero hindi siya tumama. Kinabukasan, inulit niya ang ritual pero para makasigurado eh hindi lang pahid ang ginawa niya kundi naghilamos pa ito ng holy water. Pero katulad ng dati eh hindi pa rin siya tumatama sa lotto. Ikatlong araw ay ginawa na naman niya ang ritual pero this time eh naligo na siya ng holy water pero wala pa ring nangyayari.

    Sa asar ng babae eh tinanong niya ang boses sa ulap kung bakit sinunod naman niya ang pinagagawa nito eh bakit hindi pa rin siya tumatama sa lotto? Sa isang iglap ay sumagot ang boses sa itaas anya, “Ineng, papaano ka bang tatama sa lotto eh hindi ka naman bumibili ng ticket?”

    Moral of the story: “Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa”

  5. May tatlong babaeng mag kukumpisal.
    1st babae: “Father, patawarin nyo ako. Hindi ko sinasadyang makakita ng ari nang lalaki”.
    Pari: “Pumunta ka sa holy water at mag hilamos ka!”
    2nd babae: “Father, patawarin nyo ako. Hindi ko sinasadyang makahawak ng ari nang lalaki”.
    Pari: “Pumunta ka sa holy water at mag hugas ka ng iyong kamay!”

    Nakasalubong nang naunang dalawang babae ang pangatlong babae habang papuntang holy water at sabay tanong kung ano ang pinapagawa ng pari.

    3rd babae: “Mag mumog daw ako”.

  6. Dagdagan ko lang ang joke ni BlogusVox… hehehehe

    Pagkatapos mangumpisal ng tatlong babae, may isang babae na tawa ng tawa habang nangungumpisal sa pare.

    Pari: “Ano bang kasalanan mo? Bakit ka tumatawa diyan?”

    4th babae: “Father, naihian ko po ang holy water”.

  7. bosing! long time long time. gusto ko sana kayong yayain ni ate jet sumama sa picnic sa october 4 sa torrance, ca. ipapakilala ko kayo sa bagong raket ko (dito nyo maintidihan kung bat lumaho na ako sa pag ba blog. haha).

  8. reminds me of one Sunday long time ago in a Catholic church in Bergen County in NJ…

    nasa kalagitnaan ng misa at kasama ko ang aking asawa at first born nang bigla akong napautot (silently)…tiningnan ko nang masama ang katabi kong matandang pinoy sabay takip ng ilong tapos bigla akong umalis at sumunod si misis karga karga ang aming baby.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.